Chapter 11: Talk

399 28 5
                                    

Sa lahat ng impormasyong mayroon ako ngayon tungkol sa pagkatao ni Cordelia, itong impormasyong nakuha ko ngayon ang siyang nagpagulat sa akin.

I'm a hundred percent sure na kapatid nito ang prinsesang kakaalis lang. Hindi ako maaaring magkamali sa bagay na ito! Parang pinag-biyak na bunga ang dalawang ito! Magkamukha silang dalawa! Mas mataas lang nang kaunti si Cordelia kumpara sa prinsesa pero ang hugis ng mukha, katawan at maging ang buhok nito ay halos magkapareho! Oh God! So, it means... Cordelia is a Princess of this realm, too? Ngunit kung prinsesa nga ito, ano ang ginagawa niya sa shelter mansion ni Carolina? Anong ginagawa nito sa lugar na iyon at bakit wala siya sa palasyo kung saan naroon ang mga royal ng Vallasea?

"You can ask me everything," rinig kong saad ni Dylan sa likuran. "Ask me and I'll give you all the answer you want."

Napahugot ako ng isang malalim na hininga at marahang binalingan ito. Mataman kong tiningnan si Dylan at noong wala ni isang salitang lumabas sa bibig ko, napailing na lamang ako. Ano ba ang itatanong ko pa sa lalaking ito? Obvious naman kasi ang sagot sa mga katanungang mayroon ako ngayon! Cordelia is part of the royal family! Kapatid niya ang babaeng iyon!

"Cordelia-"

"After the party... I'll ask you after the party," seryosong saad ko. "Alam kong may katanungan ka rin sa akin, Dylan, kaya naman sasagutin ko rin ito pagkatapos nang pagtitipong ito. For now, hayaan mo akong gawin ang nais ko. Kakausapin ko ang Tyrants."

"Hindi mo sila basta-bastang makakausap, Lia."

"Walang imposible sa mundong ito, Dylan," makahulugang saad ko na siyang ikinatigil nito. Nanatili itong nakatitig sa akin at hindi na nagsalita. "The moment I woke up from that accident, I know that there's nothing impossible in this world. Lahat kayang gawan nang paraan. At kung talagang nais kong makausap ang Tyrants, gagawin ko ang lahat nang makakaya ko upang mangyari lamang iyon." Humugot ako ng isang malalim na hininga at bumaling na sa may entablado kung saan naroon ang hari ng Northend at dalawang miyembro ng Tyrants.

Hindi ko alam kung sino ang kasama ng hari ngayon dito sa headquarter ng Phoenix at malalaman ko na lamang iyon kapag makaharap ko na sila.

Nagsimula na ang kasiyahan sa loob ng malawak na bulwagang kinaroroonan namin ni Dylan ngayon. Tahimik naman kaming dalawa na nakaupo at nakamasid lang sa mga bisita. Muli akong napatingin sa may unahan at pinagmasdan ang masayang mga mukha ng mga taong naroon. They're not wearing any mask right now kaya naman ay kitang-kita ko ang ekspresyon sa mga mukha nila. Maging si Naida ay naroon kaya naman ay natitiyak ko na ang katabi nito ay siyang hari ng Vallasea, her father... His Majesty. At kung tama lahat ng hinala ko, ito rin ang ama ni Cordelia.

I'm sorry, Cordelia. I know that I promised to help you, but I need to talk to the Tyrants first. Uunahin ko muna sila bago ang pagharap sa pamilya mo.

Mabilis na lumipas ang oras. Ilang beses din akong sinabihan ni Dylan na kumain muna ngunit hindi ko magawang galawin ang pagkaing nasa harapan ko. Panay din ang baling ko sa buong bulwagan at umaasang makita si Tanner. His one of the Phoenix Knights. Paniguradong nakasalamuha na nito ang Tyrants at kagaya nang pinapanalangin ko, sana'y sinabi nito ang tungkol sa kagustuhan kong makausap sila.

I sighed for the nth times. Muli kong pinaglaruan ang kutsarang nasa harapan at noong makaramdam ako ng kakaiba sa paligid, agad akong naging alerto.

What the hell? Ano itong kakaibang enerhiyang nararamdaman ko sa paligid?

"Dylan," tawag pansin ko sa kanina pang tahimik na si Dylan. Nakatingin lang ito sa kumpulan ng mga bisita at noong marinig niya ang pagtawag ko, bumaling ito sa akin. "May... kung ano akong nararamdamang kakaiba sa paligid."

Realm of the EastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon