Panay ang kunot ng noo ko habang binabasa ang isang pahina sa diary ni mommy. Minsan pa nga'y napapa-arko ang isang kilay ko kapag may nabababasang hindi kapani-paniwalang mga bagay.
What the hell is this? Bakit ganito ang laman ng diary ni mommy?
Simula noong nabasa ko ang first page ng diary na ito sa ospital, hindi ko na ito tinigilan. Hindi na rin kasi ako nagtagal sa hospital room ni mommy. Tulog naman ito kaya naman ay nagpasya na akong umalis kanina. They will just call me if she's awake and lucid.
Hindi ko na alam kung pang-ilang beses na pagtaas ng kilay ko itong ginagawa ko ngayon. Lahat ng mga nababasa ko ay walang katotohanan. Parang lahat nang nakasulat dito ay nangyari lamang sa loob ng isipan mismo ni mommy. What is this? Isa ba ito sa epekto ng sakit niya? She was imagining things and wrote everything in here? Iyon ba iyon? Dahil kung epekto nga ito ng sakit niya, malala na talaga ang kalagayan niya! Oh my God!
Kailan pa ito nangyari?
Napahilot ako ng sintido at marahang isinara ang diary ni mommy. Halos nasa dulong pahina na ako. Sa dami nang nabasa ko, biglang sumakit ang ulo ko. Ipinikit ko ang mga mata at isinandal ang likod sa backrest ng upuan ko.
"I think I need a break," marahang sambit ko sa sarili at maingat na tumayo. Dahan-dahan akong humakbang hanggang sa makarating ako sa may pintuan ng silid ko. Tahimik akong lumabas sa kuwarto at nagtungo sa unang palapag ng mansyon namin.
Walang ingay akong nagtungo sa kusina at naghanap ng maiinom. Gusto ko sanang uminom ng kahit anong alak ngunit mabilis kong pinigilan ang sarili. Babalik ako bukas sa ospital kaya naman dapat ay hindi ako maglasing ngayong gabi. My mother needs me. Hindi ako maaaring humarap sa kanyang mukhang wasted at hindi pormal. Kahit na hindi naman niya ako naaalala bilang anak niya, still, I need to look presentable when I visit her.
Maingat akong kumuha ng baso at nagsalin ng malamig na tubig. Noong napuno ito, hindi muna ako uminom at nagsimula nang maglakad palabas sa kusina namin. Magaan ang bawat hakbang ko. Hindi ko alam kung bakit pero tila sobrang tahimik... payapa, ang buong mansyon ng pamilya namin.
Wala ngayon si lola. Nabanggit sa akin kanina ni Dahlia sa telepono na nasa probinsya raw namin ito at baka sa makalawa pa lumuwas pabalik dito sa Manila. Walang problema naman iyon sa akin. Iyon na lang din kasi ang naging libangan nito simula noong namatay si lolo.
I sighed as I watched our living room. Ibang-iba ang katahimikan dito ngayon. Wala sa sarili naman akong napatingin sa main door ng mansyon namin at noong maalala ko ang huling ginawa ko sa lugar na ito, napangiwi na lamang ako.
I was disappointed to myself that night. Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin noong gabing iyon. I was very patience with everything. Lumaki akong may malaking pag-unawa sa lahat nang nakapalibot sa akin, lalo na si mommy. But that night, I think I just snapped. Lahat ng hindi ko masabi sa pamilya ko, sa mommy ko, ay nailabas ko noong gabing iyon. I cried... screamed and even cursed that night. I was so done with everything. At noong umalis ako, noong lumabas ako sa main door ng mansyon ng mga Ferrer, agad kong pinagsisihan ang lahat nang sinabi ko sa kanila. Hindi ako pinalaking ganoon ni mommy. Siguro nga'y talaga lahat ng bagay ay may hangganan. And for me, ang nangyari noong gabing iyon ang nagsilbing dead end ko sa lahat nang nangyari sa akin.
Muli akong napabuntonghininga at nagpasya nang bumalik sa silid ko. Dala-dala ang isang baso ng tubig, maingat kong hinakbang muli ang mga paa hanggang sa makarating na ako sa pangalawang palapag. Pumasok na ako sa kuwarto ko at bumalik sa study table ko.
Napangawi na lamang ako noong makitang muli ang diary ni mommy. Inilapag ko ang hawak-hawak na baso sa ibabaw ng mesa at naupong muli sa puwesto ko kanina. Maingat kong binukat muli ang diary ni mommy at nagpatuloy na sa pagbabasa.