Chapter 12: Mission

550 36 6
                                    

Mahigpit kong hinawakan ang magkabilang bahagi ng mahabang gown na suot ko.

Bawat hakbang ko ay tila lumulutang ako sa ere. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman ngayon. I'm excited to finally meet the Tyrants but at the same time, kinakabahan ako sa magiging resulta nang gagawin ko ngayon.

Maniniwala kaya sila sa akin? Maniniwala kaya sila na anak ako ni Rhianna Dione at nandito ako ngayon sa mundo nila para hanapin ang ama ko? Damn it! Kung kanina ay kalmado ako, ngayon ay halos kumawala na sa dibdib ko ang puso ko sa lakas ng tibok nito!

Walang sinabi sa amin si Atlas noong saan kami pupunta. Basta sumunod lang kami ni Dylan sa kanya at ngayon ay tuluyan na kaming nakaalis sa gusali kung saan ginaganap ang pagitipon para sa kaarawan ng Grandmaster ng Phoenix. Mayamaya lang ay narating namin ang isang gusali sa bandang likuran ng main building kanina. Halos walang tao sa parteng ito at may iilang Knight lang akong nakikita sa dinaraanan namin ngayon.

"Isang miyembro lang ng Tyrants ang nakumbinse kung pumayag sa pag-uusap na ito. Hindi kasi maaaring iwan ang hari nila," ani Atlas noong tumigil ito sa isang nakasarang pinto. Humarap ito sa amin ni Dylan at matamang tiningnan kami. "Hindi ko sigurado kung kilala mo siya, Cordelia, pero alam ko kung paano makitungo ito sa ibang tao. Kung may sasabihin ka sa kanya, pag-isipan mo muna nang mabuti. This is a member of the Tyrants. Hindi ka maaaring maging kampante sa kanila."

"I know that, Atlas," marahang saad ko at napalunok na lamang. Minsan ko nang nabasa sa diary ni mommy ang tungkol sa kung anong klaseng relasyon ang mayroon sa pagitan ng Tyrants at Phoenix Knights. Hindi magkasundo ang mga ito sa maraming bagay ngunit hindi naman sila magkaaway. They just don't like each other's presence. Period. "Nasa loob ba siya?" tanong ko na siya ikinatango naman nito sa akin.

Maingat na kumilos si Atlas at humarap muli sa nakasarang pinto. Mayamaya lang binuksan na niya ito at naunang pumasok na sa amin. Bumaling muna ako kay Dylan bago kumilos muli. Nakasuot pa rin ang maskara nito sa mukha kaya naman ay hindi ko mahulaan kung anong klaseng ekspresyon ang mayroon ito. Alam kong tutol ito sa ginagawa ko ngayon. Ni ang pagpunta sa pagtitipong ito ay talagang nahirapan akong kumbinsehing pumayag ito, pati na rin si Carolina. But I guess, he's curious too. He's curious about me wanting to talk to the Northend Knights. Kahit na hindi nito sabihin sa akin, alam kong may nais din itong malaman kaya naman ay tahimik lang nitong pinagbibigyan ang mga nais ko.

Tahimik akong sumunod kay Atlas sa gusaling pinasukan nito. Ganoon din ang ginawa ni Dylan at noong tuluyan na kaming nakapasok doon, agad na bumungad sa akin ang malawak espasyo sa may gitna. Napakunot ang noo ko at pinagmasdan nang maigi ang kabuuan ng silid na kinaroroonan. It's like one of the training rooms sa shelter mansion ni Carolina!

"Cordelia." Natigil ako sa pagmamasid noong tawagin ako ni Atlas. Mabilis akong napabaling sa kanya at natulos na lamang sa kinatatayuan noong makita ang Knight na nasa tabi nito. "This is Alessia. The current leader of the Tyrants." Napaawang ang labi ko habang nakatuon sa kanila ang buong atensiyon. So, it was her! Isa siya sa kasama ng hari ng Northend na dumalo sa pagtitipon dito sa headquarters ng Phoenix!

"I only have a few minutes left here, so tell me, sino sa inyong dalawa ang nais kumausap sa aming mga Tyrants?" Malamig na tanong nito at tiningnan kami ni Dylan.

Napakurap ako at mabilis na inihakbang ng isang beses ang kanang paa. Maingat ko ring inalis ang suot na maskara at sinalubong ang matamang titig ni Alessia sa akin. "Alessia," maingat na sambit ko sa pangalan niya. "I'm... Cordelia."

"Cordelia? Are you the-"

"Let her talk first, Alessia. Mukhang iba ang pakay ni Cordelia sa'yo," ani Atlas na siyang ikinatigil nito sa pagsasalita.

Realm of the EastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon