Chapter 26: Deal

415 33 11
                                    

Itinigil ko ang sasakyan ko sa gilid ng kalsada. Malalim na ang gabi kaya naman ay kaunti na lamang ang mga dumadaang kotse ngayon. I took a deep breath and started to calm my nerves down.

Kailangan kong kumalma para makapag-isip nang maayos!

"Okay." I sighed as I reached for my mom's diary. Kinuha ko iyon sa bag ko at mabilis na binuklat iyon. "Unang napunta si mommy sa Azinbar ay noong naaksidente ito." Napangiwi ako. "I won't harm myself para lamang makabalik doon." I sighed again. "Napunta siya with the help of my dad and the king of Northend. At sa pangalawang pagkakataong nakabalik siya, she was looking for my dad that time. Hindi ito nakauwi and the next thing she knew, nasa Evraren na siya at nasa katawan ni Scarlette." Natigilan ako at napatitig sa mga isinulat ni mommy sa diary niya. Tahimik kong binasa ang mga nakasulat sa mga pahina at noong nasa dulo na ako, wala sa sarili kong kinagat ang pang-ibabang labi ko. "Wait a minute. I was looking for him too. And the next thing I knew... I was already there... drowning."

Mabilis isinara ang diary ni mommy at ibinalik sa bag ko. Muli kong binuhay ang makina ng sasakyan ko at nagpatuloy sa pagmamaneho. At dahil walang traffic, mabilis akong nakabalik sa apartment ko. Dali-dali akong bumaba sa sasakyan at halos takbuhin ang daan papasok sa unit ko.

Dumeretso ako sa kuwarto ko at tiningnan iyong box na pinaglagyan ko ng iilang gamit ni mommy. It was her personal stuffs. Dhalia prepared these for me. Agad kong inilabas ang mga iyon at inilatag sa ibabaw ng kama ko. Mostly, pictures naming dalawa, noong bata pa ako, ang narito. Mabilis kong inisa-isa ang mga iyon at noong makita ko ang hinahanap, mabilis akong napaupo sa gilid ng kama ko.

Napatitig ako sa hawak-hawak ko ngayon.

It was a picture of my parents. It was their wedding day.

Napahugot ako ng isang malalim na hininga at wala sa sariling tiningnan ang likuran ng larawan. Mabilis akong natigilan at napaayos nang pagkakaupo.

Wala sa sarili akong napalunok at binasang mabuti ang mga nakasulat doon. "To Trey... You need to survive for me to survive too. I need you here. We need you. So please, return home safely. We'll be waiting for you. I love you."

So, he was really hurt when she left Evraren. At kung tama ang hinala ko, nasa Northend na ngayon ito at pinangangalagaan ng Tyrants.

"Dad, I need to see you now. Mommy... your wife, Rhianna Dione, needs you," mahinang saad ko at inilapat sa may dibdib ang hawak-hawak na litrato ng mga magulang ko. "Please. I never asked anything before. Ni hindi ako nangulit kay mommy na alamin ang tungkol sa'yo noon. Ngayon lang. All I want is to see and talk to you, dad. Para na rin kay mommy. Para na rin sa pamilya mo." I carefully said then closed my eyes.

That was true. Habang lumalaki ako, ni hindi ko hinanap ang presensiya nito sa mansyon namin. I never asked about him too. My mom was busy with work and me... I just mind my own goddamn business. I grew up independently at lumayo na rin ang loob ko sa ina. Kaya nga minabuti ko na lang din umalis noon.

"Dad, please," mahinang usal ko sa sarili. Seconds passed, bigla akong nakaramdam ng kakaibang pressure sa paligid ko. Nanatili naman akong nakapikit at napahigpit ang pagkakahawak sa litrato ng mga magulang ko. Mayamaya lang ay mas lalong lumakas ang kung anong pressure na mayroon ngayon sa silid ko kaya naman ay kunot-noo kong ipinilig ang ulo pa kanan.

Ito na ba iyon? Babalik na ba ako sa Azinbar? Babalik na ba ako sa katawan ni Cordelia? Makikita ko na ba sa wakas ang ama ko?

I stay still. Hindi ako gumalaw sa puwesto habang ikinakalma ang sarili. Mayamaya lang ay nakaramdaman na rin ako nang pagkahilo at tila bigla akong nahirapan sa paghinga kaya naman ay minabuti ko nang imulat ang mga mata. Mabilis naman akong napatili at bumagsak sa puwesto ko noong mapagtantong wala na ako ngayon sa silid ko.

Realm of the EastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon