"Listen to me, Raina. Kapag nasa loob ka na ng palasyo, kahit sinong makakasalamuha mo ay dapat hindi mo pagkatiwalaan. Hindi pa natin alam ang tunay na nangyari kay Cordelia. You need to be careful dahil kung may mangyayari man sa'yo habang nasa loob ka ng palasyo, walang ibang tutulong sa'yo kung hindi ang sarili mo lang. Trust no one."
Mariin kong ikinuyom ang mga kamao habang inaalala ang mga salitang binitawan ni Alessia sa akin kanina. Napalunok ako at wala sa sariling napatingala sa matayog na trangkahan 'di kalayuan sa puwesto ko.
I'm back. Nasa sentro na akong muli ng Royal Capatil ng Vallasea. Cordelia's back. Nagbabalik na ito sa lugar kung saan ito dapat naninirahan ngayon. Nasa labas na siya ng royal palace ng kanyang pamilya.
"You need to provoke Cordelia. You need to let her speak to you again, Raina. Dahil malakas ang kutob ko that she's protecting someone from her family. But please, be careful. Gagamitin ko ang ability ko para makita ka sa loob ng palasyo. At kung magkakaproblema, expect that help will be late. Hindi kami basta-bastang makakapasok sa royal palace."
"It's now or never for us, Cordelia. Let's do this," mahinang saad ko sa sarili at inihakbang ang isang paa. Humugot rin ako ng isang malalim na hininga at nagpatuloy sa paglalakad. Noong ilang hakbang na lamang ang layo ko sa may trangkahan, namataan kong umayos nang pagkakatayo ang mga taga-bantay na naroon. Hinawakan ko naman nang mabuti ang gilid ng mahaba kong damit at tumigil na sa paglalakad noong nasa harapan na ako ng mga taga-bantay.
"Sino ka at ano ang kailangan mo rito?" seryosong tanong no'ng isa sa akin.
Umayos naman ako nang pagkakatayo at marahang inalis ang alampay na nakalagay sa ulo ko. Mataman kong tiningnan ang mga taga-bantay ng trangkahan at noong makita nila ang mukha ko, nagkatinginan ang dalawa.
"I'm Cordelia and I'm here to talk to the royal family." Seryosong saad ko na siyang muling ikinatingin sa dalawa sa akin. "Papasukin niyo ako."
"Pasensiya na pero-"
"It's a royal order, knight. Let me in," malamig na wika ko pa na siyang ikinatigil nito sa pagsasalita.
"Call our commander," mabilis na turan naman ng isa na siyang agad na sinunod ng kasama niya. Umayos nang pagkakatayo ang kawal na nasa harapan ko at bahagyang yumukod. "Paumanhin sa inasal namin. Kailangan lang namin ikumpirma ang tungkol dito bago ka namin papasukin sa loob ng royal palace."
Hindi ako nagsalita at nanatiling tahimik na lamang.
Nanatiling nakayukod naman sa harapan ko ang taga-bantay ng trangkahan hanggang sa bumalik iyong kasama niya kanina. "May pahintulot na tayo mula sa commander. Papasukin na natin siya," mabilis na saad nito at tumingin sa akin. Yumukod din ito sa harapan ko at mabilis ring umayos nang pagkakatayo. Halos sabay na tumalikod ang dalawa sa akin at agad na pinagbuksan ako ng trangkahan.
Napahugot naman ako ng isang malalim na hininga at tahimik na nagmasid na lamang. At noong tuluyang bumukas na ang trangkahan sa harapan ko, palihim akong bumaling sa likuran ko. I know... they're watching me. The members of Tyrants, Atlas, Scarlette, and Dylan. Kahit na hindi ko sila makita, alam kong nakamasid ang mga ito sa akin. Muli akong humugot ng isang malalim na hininga at itinuon na lamang ang buong atensiyon sa harapan. Mayamaya lang ay bumalik sa harapan ko ang isa sa taga-bantay at sinabihan na maaari na akong pumasok sa loob.
Tahimik akong tumango sa kanya at hindi na nagsalita pa. Muli kong inihakbang ang mga paa at hindi na lumingong muli sa likuran ko. Dere-deretso na ang paglalakad ko hanggang sa tuluyan na akong lumapagpas sa may trangkahan.
I took a deep breath again and continue walking. Mayamaya lang ay may dalawang knight na naman ang lumapit sa akin at tahimik na yumukod. Hindi ko na sila binigyan pansin pa at pinagpatuloy ang paglalakad. Tahimik namang sumunod sa likuran ko ang dalawang knight.