Galit akong tiningnan ni Gordon habang nakaluhod sa harapan namin ng mga kapatid ni Cordelia. Muling inilapat naman ni Naida ang talim ng espada niya sa may leeg nito kaya naman ay bahagya itong napatingala.
"Where's my bother?" Naida coldly asked Gordon. Mayamaya lang ay ngumisi ang lalaki kaya naman ay hindi na napigilan pa ni Naida na sugatan ito. Gordon screamed and cursed at her. Hinawakan ng isang kamay niya ang sugat sa leeg at mas lalong dumilim ang titig nito sa amin.
I sighed and moved my feet. Lumapit ako kay Gordon at bahagya yumukod para magpantay ang paningin naming dalawa. "Stop wasting our time. Kung wala kang impormasyong maibibigay sa amin tungkol kay Kallan, just say it."
"Traitor," mariing saad ni Gordon sa akin.
Napangisi ako sa kanya. "I was never in your side, Gordon." Umayos ako nang pagkakatayo at matamang tiningnan ito. "Simula pa lang, alam ko na ang totoong pakay mo. You want me to trust you kaya naman ay kinuha mo ang loob ko sa pamamagitan nang pagturo sa akin ng isang ipinagbabawal na mahika dito sa Azinbar. I'm not that dumb, Gordon. Wala lang akong kapangyarihan ngunit hindi ako tanga kagaya ng kung anong iniisip niyo tungkol sa akin."
"You're lying." He said and coughed a little. Namataan ko ang paglabas ng dugo nito sa kanyang bibig. "You're worse than us, Cordelia. Mas madilim ang itim na kapangyarihang bumabalot sa puso mo. You can't hide it forever. Sooner, lalabas din ang tunay na kulay mo. Once you finally claim your power from the Queen, you'll sink this realm. You're worse than Tharatos. Alam ng lahat iyan." He smirked again and slowly, his body collapsed. Ipinikit nito ang mga mata at unti-unting inalis ang kamay sa mga sugat nito.
Mariin kong ikinuyom ang mga kamao habang nakatingin kay Gordon. "He's not dead. Nawalan lang ito ng malay." Rinig kong sambit ni Naida sa tabi ko. I stay still and did not utter a single word. Bigla akong nagambala sa mga sinabi ni Gordon! No. Cordelia will never do that. She's just mad, but definitely not evil like them!
"Cordelia-"
"Finish him now, Naida." I coldly said. "Tapusin mo na siya para makaalis na tayo sa silid na ito," dagdag ko pa at umatras palayo sa kanila. Tahimik akong lumayo sa magkapatid at natigilan na lamang sa pag-atras noong tumama ang likod ko sa pader.
"Cordelia? Can you hear me?" Sinubukan kong kausapin si Cordelia. "Kung natatakot ka sa maaaring gawin mo kapag makabalik ka sa katawan mo, please, don't be. Hindi mo magagawang saktan ang pamilya mo at ang realm na ito. You're not that bad, Cordelia. Ramdam ko iyon. Your heart is just broken because of what happened to you but you're not a bad person. So, please, kung naririnig mo ako, I want you to fight and help your realm."
Noong tuluyang tinapos na ni Naida ang buhay ni Gordon, mabilis itong bumaling sa akin. Niyaya na niya kami ni Amaya na lumabas na at magtungo sa chamber ng hari at reyna. Tahimik naman akong tumango sa prinsesa at sumunod na rin sa nais niya. Nasa unahan ko ang dalawa habang walang imik akong nakasunod sa kanila.
Isang malakas na pagsabog mula sa kung saan ang nagpatigil sa aming tatlo. Mabilis na naging alerto ang dalawa kong kasama samantalang kalmadong pinakiramdaman ko lang ang paligid. "We need to hurry now," saad ni Naida at bumaling sa akin. "Let's go, Cordelia!"
Humakbang muli ang magkapatid ngunit noong hindi ako kumilos sa kinatatayuan, bumaling muli sa akin si Naida. Tumingin na rin sa gawi ko si Amaya. Mataman kong tiningnan ang magkapatid at napahugot na lamang ng isang malalim na hininga. "Iyong sinabi ni Gordon kanina-"
"We trust you," mabilis na wika ni Amaya na siyang ikinatigil ko sa pagsasalita. "You're still our sister. Mas magtitiwala kami sa'yo kaysa sa mga salitang binitawan ng kalaban natin at ng realm na ito."