Tahimik kong tiningnan ang kapatid ni Cordelia. Maingat nitong inaalis ang sandatang nakatarak ngayon sa dibdib ni Kage.
He's lifeless now. And looking at his pale face, I can see that he's finally free from his own misery and can rest in peace. The horrible life he lived for the past years with the Phantom is over. Tapos na ang paghihirap nito. Hindi ko alam kung anong klaseng deal ang mayroon siya sa lider ng kalaban ng realm na ito ngunit nakakasigurado akong nahirapan ito. Betraying your own family is something you can't do just because you wanted to. May malalim na dahilan si Kage at alam kong hindi ito naging madali sa kanya.
"I... killed him," mahinang saad ni Naida habang nakatingin sa katawan ni Kage. "I-"
"You saved him," wika ko naman na siyang ikinaharap nito sa akin. "Dark magic is evil, Naida. No one is exempted from it. Kahit pa si Kage na tinuring niyong parte ng pamilya niyo." I saw a tear escape from Naida's eye. Yumuko ito at mabilis na inalis ang luhang kumawala sa mata niya. "He was desperate, asking to be save, and no one heard him, Naida. No one was there for him. Hindi mo ba napansin iyon sa kanya noong kaharap mo ito?" She looked at me again, still crying because Kage's death. I sighed and looked at her intently. "Wipe your tears, Your Highness. Nagsisimula pa lang ang totoong laban."
Tumango sa akin si Naida at bumaling sa daan patungo sa palasyo ng Vallasea. "Kailangan na nating makabalik sa palasyo," seryosong saad niya at inalis ang huling luhang nasa pisngi niya. Muli niyang tiningnan ang walang buhay na katawan ni Kage at humugot ng isang malalim na hininga. "Let's go, Cordelia," aniya at nagsimula nang kumilos.
Mabilis na ikinumpas nito ang kanang kamay. Nanatili naman akong nakatingin sa ginagawa nito at noong makita ang mahikang ginamit niya kanina doon sa main gate ng palasyo, agad kong inihakbang ang mga paa at lumapit sa kanya. "Spatial magic," turan ko na siyang ikinatingin ni Naida sa akin. "It's a rare magic."
"You also possess a rare magic, Cordelia," mahinang wika niya at nag-iwas nang tingin sa akin. Itinuon nito ang paningin sa harapan namin. "Hindi ko alam kung saang parte ng palasyo naroon ang mga kalaban ngunit may ideya ako kung nasaan ang hari at reyna ngayon."
Tumango ako sa kanya. "My magic circle is useless now. I can't locate their location inside the palace. Someone dispelled it at mukhang alam ko na kung sino ang gumawa no'n." It's him. The one who white out Cordelia's spell in her body!
"Sa chamber kung saan paniguradong naroon ang mga kapatid natin tayo magtutungo ngayon. After that, we'll go to the King's chamber," saad ni Naida at inihakbang na ang mga paa. Hindi na ako nagsalita pa at sumunod na sa kanya.
Pagkapasok ko sa spatial magic nito ay mabilis akong naging alerto. The magical energy within this tiny space is incredible! Maliit ito kumpara sa dimension na napuntahan ko na. And the way Naida controls this tiny space and use it to her advantage, I know that she worked hard to achieve and owns this incredible magic!
Ilang hakbang lang ang ginawa namin at tuluyan na kaming nakalabas sa spatial magic nito. Mula sa gubat na kinaroroonan namin kanina, ngayon ay nasa isang silid na kami sa loob ng palasyo. Agad kong inilibot ang paningin sa kabuuan ng silid at mabilis na namataan ang ibang kapatid ni Cordelia. The twin royals of Vallasea, Kallan and Amaya!
"Naida!" mabilis na bulalas ni Amaya noong makita ito at tumakbo patungo sa amin. She immediately hugged her sister and asked her about the current situation. Tahimik naman akong nakikinig sa kanila. "The Royal Knights are stopping us to leave this room!" anito at masamang bumaling sa limang kawal na kasama nila. Napatingin din ako roon at natigilan noong magtagpo ang paningin namin ni Kallan.
Kallan... Is he really the real Kallan?
I need to know.
Mabilis kong inihakbang ang mga paa at nagsimulang maglakad patungo sa kinatatayuan ni Kallan. I heard Naida called Cordelia's name, but I ignored her. Nagpatuloy ako sa paghakbang ng mga paa at noong nasa tapat na ako ni Kallan, hindi ko inalis ang mapanuring titig sa kanya.