Chapter 15: Information

511 30 7
                                    

Nanatili ako sa puwesto at hindi man lang gumalaw. One wrong move, katapusan na naming dalawa ni Cordelia.

Humugot ako ng isang malalim na hininga at maingat na tumingin sa palagid. Madilim pa kaya naman ay hindi ko maaninag nang maayos kung anong klaseng lugar ang napuntahan ko. Ngunit isa lang ang sigurado ako, I'm in danger. Itong bangin na nasa tabi ko ay tiyak kong hindi ako bubuhayin kung sakaling aksidenteng mahulog ako rito!

Hindi ko na alam kung ilang minuto o oras akong nakatayo sa puwesto ko. I'm tired. Nangangalay na rin ang mga paa ko at noong unti-unting lumiliwanag na ang paligid dahil sa pagsikat ng araw, napahugot na lamang muli ako ng isang malalim na hininga. Finally!

Mabilis akong umayos nang pagkakatayo at noong maaninag ko na nang maayos ang paligid, mabilis akong kumilos. Unang ginawa ko ay ang paglayo sa may bangin. I quickly moved my feet and ran towards the opposite direction of the cliff. At noong masiguro kong ligtas na ako mula sa kapahamakan, biglang nanghina ang mga tuhod ko. Agad akong napaupo at mabilis ibinagsak ang katawan at nahiga na lamang. I suddenly felt tired and weak! At kung natagalan pa ang pagsikat ng araw ng ilang minuto, tiyak kong mawawalan na ako ng lakas kanina! And God knows what will happened to me! Mukhang mauuna pa kaming magkita ni San Pedro kaysa sa ama ko! Damn it!

Tahimik kong pinakalma ang sarili. Nanatili akong nakahiga at hinayaang makapagpahinga ang katawan. Mayamaya lang ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Dahil sa pagod sa mga nangyari sa akin, kahit na hindi ako komportable sa lugar kung saan ako dinala ng mga tauhan ng babaeng nagpadukot sa akin, nakatulog ako nang wala sa oras! Naalimpungatan na lamang ako mula sa mahimbing na pagtulog noong maramdaman ang init ng sinag ng araw sa mukha ko. Napakunot na lamang ang noo ko at maingat na naupo.

Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko at inayos ang nagulong buhok. Tahimik kong tiningnan ang paligid. Mayamaya lang ay napagdesisyunan ko nang tumayo at magsimula nang gumawa nang paraan para makabalik sa sentro ng Vallasea.

"Malakas ang kutob kong nagwawala na ngayon iyong si Dylan," wala sa sariling saad ko at maingat na naglakad palapit sa gilid ng bangin kung saan ako nakapuwesto kanina. "Kailangan kong malaman muna kung nasaan ba ako ngayon," mahinang wika ko at tiningnan ang ibaba ng bangin. Segundo lang ay napangiwi ako at umatras palayo roon. "I need to stay away from this area. Hindi talaga ako bubuhayin nito kung mahulog ako mula rito!" Napailing ako at mabilis na naglakad palayo sa direksiyon ng bangin.

Nagsimula na akong maglibot sa gubat na kinaroroonan ko. Puro nagtataasan na damo at mga puno ang nakikita ko ngayon. Sa taas ng mga punong narito, mukhang hindi isang normal na gubat itong napuntahan ko. At kung tama ang hinuha ko, mukhang walang ibang taong napapadpad sa lugar na ito! And in a worst case scenario, I'm the only person here right now and of course, some goddamn wild animals! "I survived so many unfortunate things but damn it, I don't know how to handle wild animals!" takot na sambit ko habang patuloy sa paghakbang ng mga paa.

Malayo-layo na rin ang nilakad mula sa bangin na kinaroroonan kanina. Hindi ako sigurado kung tama ba itong daang tinatahak ko ngunit wala na akong pagpipilian pa. Mukhang pababa naman ng bundok itong daang tinatahak ko ngayon kaya naman ay bahagya akong napanatag. Minuto lang din ang lumipas ay napagdisesyunan kong magpahinga muna. Agad akong naupo at humugot ng isang malalim na hininga.

Mayamaya lang ay napatingala ako. Sa tayug ng mga punong narito, hindi ko maaninag nang maayos ang kalangitan. Ni ang araw ay hindi ko makita! Napailing ako. "Looks like it's already noon. Kailangan ko nang makaalis sa gubat na ito." Wala sa sarili akong tumango at noong akmang tatayo na sana ako, mabilis akong natigilan noong sumabit ang laylayan ng damit ko sa isang nakausling ugat. Napangiwi na lamang ako noong napunit ito. "Wearing a dress in a dangerous forest like this is not a good idea," matabang na saad ko at mabilis na hinawakan ang laylayan ng damit. Hindi na ako nagdalawang-isip pa na pinutin na ito nang tuluyan hanggang sa umabot ito sa may tuhod. At noong matapos na ako sa ginagawa, nagpatuloy na ako sa paglalakad.

Realm of the EastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon