Living as a Ferrer, the only daughter of Rhianna Dione, hindi na bago sa akin ang may magtangka ng buhay ko, lalo noong nag-aaral pa ako. I have my own bodyguards. Na kahit nasa loob ako ng classroom, nakabantay ang mga ito sa labas at tahimik na nagmamasid sa paligid.
My safety was my mother's top priority. While she was busy ruling The Great Ferrer Empire, I was busy trying to be a normal kid in our school. Ilang beses kong sinubukang kausapan ito tungkol sa mga bodyguards ko, but of course, her words are absolute. Walang puwedeng bumali sa nais nito, lalo na ako. Alam kong kapakanan ko lamang ang iniisip nito ngunit hindi ko maiwasang hindi masakal sa ginagawa nito. I was suffocated and all I wanted to do was to be free from them. Kaya naman noong nagkaroon ako nang pagkakataong umalis sa puder nito, hindi ko na sinayang pa iyon. I left home... I left my family and live alone. I live the life that I always wanted. Free and can do everything that makes me happy.
And when I came back, everything was a mess.
The family that I abandoned was not the same family anymore, especially my mother. At isa lang ang nakikita kong solusyon para maibalik sa dati ang lahat.
My father.
I need to find and bring him home as soon as possible.
"Hold this." Napabaling ako kay Dylan noong bumalik ito sa kinatatayuan niya kanina. Hawak na nito ang espada niya at inaabot naman sa akin ang isa pa. "I'll handle the one behind the door. Huwag ka munang lumabas hangga't hindi ko sinasabi sa'yo."
Hindi ako nagsalita at tinanggap na lamang ang sandatang inilahad nito sa akin. Mahigpit kong hinawakan ang handle nito at itinuon sa unahan ang buong atensiyon. The person that is standing behind the close door is not moving. Tila naghihintay lang din ito na may kumilos sa aming dalawa ni Dylan. Wala sa sarili naman akong napatingin sa mga nakasarang bintana at mukhang ganoon din ang ginagawa ng isa pa nitong kasama. They're just waiting for us to finally move and leave this house.
"Dylan," tawag ko sa kanya noong humakbang na ito. Mabilis namang tumigil sa pagkilos si Dylan at binalingan ako. "I know you're strong, but you need to be careful. We don't know who we are dealing with." Simpleng tango lang ang naging tugon nito sa akin at muling inihakbang na ang mga paa.
Tahimik kong pinagmasdan si Dylan. Noong nasa tapat na mismo ito ng pinto, mabilis kong inalerto ang sarili. Pinakiramdaman ang paligid at noong walang nagbago sa presensiya ng dalawang taong nasa labas ng bahay ni Tanner, napakunot na ang noo ko. Ipinilig ko ang ulo pa kanan at noong may kung anong enerhiya akong naramdaman sa mismong tapat ng nakasarang pinto, mabilis na napaawang ang mga labi.
Akmang tatawagin ko na sana si Dylan para pigilan ito ngunit huli na ang lahat. Nabuksan na niya ang pinto na nasa harapan niya at segundo lang din ang lumipas, isang malakas na pagsabog ang nagyanig sa buhay na kinaroroonan namin ngayon. Nanlaki ang mga mata ko at gulat na napatingin kay Dylan noong biglang tumilapon ito.
Damn it! "Dylan!" malakas na tawag ko sa pangalan nito. Akmang kikilos na sana ako para malapitan ito noong mabilis akong napirmi sa kinatatayuan ko. Napahigpit ang hawak ko sa handle ng espada na nasa kamay ko at sinubukang gumalaw muli.
What the hell? Bakit hindi ko makontrol ang katawan ko?
Sa muling pagsubok kong maigalaw ang katawan, isang kakaibang enerhiya na ang bumalot sa akin. Kusang napaawang na lamang ang mga labi ko at noong kusang nabitawan ko ang hawak na espada, napamura na lamang muli ako sa isipan! Damn it! Someone's controlling Cordelia's body right now!
"Dylan! Ayos ka lang ba? Are you still alive? Dylan!" sunod-sunod na sigaw ko habang pilit na kumakawala sa enerhiyang nakapalibot na sa katawan ni Cordelia ngayon. This is really weird. Cordelia can't use magic and it only means; she can't feel or sense anything connected with magic! Kaya naman ay nagtataka ako kung bakit ko nararamdaman ang mga ito?