Chapter 38: Free

304 20 8
                                    

"I can't do that to you, Raina."

Napangiwi na lamang ako noong marinig iyon mula kay Daddy. Nanatili naman ako sa puwesto ko at napahugot ng isang malalim na hininga.

My dad and I decided to leave the dark and deep dimension where we met earlier. Good thing pamilyar na si daddy sa dimension na napuntahan naming dalawa. Ilang beses na raw siya napadpad doon kaya naman ay walang kahirap-hirap kaming nakalabas at napunta sa isang malawak na lupain dito sa Azinbar.

"Hindi kita iiwan sa lugar na ito," muling saad niya at umiling sa harapan ko.

Gusto kong manahimik at tumitig na lamang sa mukha ng ama. Just like on his old pictures, walang nagbago sa itsura nito! He looks exactly the same! Talagang mas mabagal ang takbo ng oras sa mundong ito! "Raina Louise, hey, are you even listening to me?" tanong ni daddy na siyang nagpakurap sa akin. Mabilis naman akong umayos nang pagkakaupo at wala sa sariling napatango sa ama. "We'll finish your mission first. At kapag tapos ka na, sabay tayong babalik sa mundo kung saan naroon ang mommy mo."

Napabuntonghininga na lamang ako. "Dad, I'll be fine here. Kasama ko naman ang Tyrants. Huwag ka nang mag-alaala pa sa akin. Kailangan mo nang umalis sa mundong ito sa lalong madaling panahon."

"Raina-"

"Only one of us can return to our world, dad, at ikaw iyon. I still have a mission here, and you? Matagal ka na rito sa Azinbar. Azinbar doesn't need two different dimension travelers," wika ko na siyang ikinakunot ng noo ni daddy. "At kagaya nang sinabi ko kanina, I came here to find you. I came here to tell you about mommy's condition. Ngayon alam mo na ang tungkol sa sakit niya, please, just go and be with her."

My father sighed and reached for my hand. Tahimik ko itong pinagmasdan at hindi kumibo sa kinauupuan ko. "You and your mother... para kayong iisang taong lang kung mag-isip at gumawa ng desisyon. Mas inuuna niyo ang kapakanan ng iba kaysa ang sarili niyo." He smiled at me. "And you looked exactly like her, Raina."

Malungkot akong ngumiti at umiling kay daddy. "I'm not like her, daddy. I'm nothing like her." I sighed again. "I'm not strong like her. I always failed and decided to leave when everything around me was a mess... Kung hindi pa lumala ang sakit nito, hindi ako uuwi ng Pilipinas. I left her too, dad, and I regretted it. Kaya naman gagawin ko ang lahat para maging maayos muli ang kalagayan ni mommy. Kahit na maiwan pa ako sa mundong ito, gagawin ko iyon. She needs you, dad. Ikaw ang kailangan nito ngayon. Kaya naman huwag na nating sayangin ang oras na ito. Kailangan mo na pong umalis dito sa Azinbar."

"Paano ka?" malungkot ni daddy sa akin. "Makakabalik ka ba mundo natin? May sinabi ba sa'yo si Meredith noong nakausap mo ito?"

Hindi ako nagsalita at tumango na lamang sa ama. Ayaw kong paasahin si daddy. The truth is, wala namang sinabi sa akin si Meredith. Ang napag-usapan lang naming noon ay tungkol sa pagtulong niya sa aking mahanap si daddy habang ginawa ko ang misyon kay Cordelia. And now that I finally found my father, alam kong tapos na rin ang usapan naming dalawa. But... I can't just leave and let the people of Vallasea suffered. Kahit na hindi ko man ito aminin, napalapit na ako sa mga taong nakapalibot kay Cordelia.

Vallasea is in trouble right now at kung aalis ako at hindi na babalik sa katawan ni Cordelia, ano pang silbi ang pagsisising ginawa ko noon no'ng umalis ako sa mansyon ng mga Ferrer? Anong silbi ng lahat nang ginawa ko kung gagawin kong muli ang maling desisyong ginawa ko noon?

I'm not the same Raina Louise Ferrer Sulivan before. I've learned my lesson, and I will not run away.

"So, what's your plan, Raina?" My father carefully asked me.

Humugot muli ako ng isang malalim na hininga at wala sa sariling napatingin sa malawak na lupain sa harapan. Hindi ko alam kung saang parte ng Azinbar kami napadpad ni daddy ngunit malakas ang pakiramdam ko na hindi ito malayo sa Vallasea. Even without Cordelia's body and ability to locate dark energy, I can still feel the intense and dangerous magic from a certain location near us. We're still connected to each other. Me and Cordelia.

Realm of the EastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon