Prologue

187 5 0
                                    

GENERAL

"Uyyy ang laki ng bahay natin!" Bulalas ni Avril nang makita ang bagong bahay nila. Lumabas na ito ng sasakyan habang buhat ang isang bag niya. Medyo boyish ito. Hindi rin ganoon kapayat ang katawan, kumbaga sakto lang. Ito naman ang pangalawa sa kanilang magkakapatid.

"Malaki rin naman ang nauna nating bahay a." Kunot noong sabi ni Ellie sa kapatid niya. Hinagis niya rin dito ang isang paper bag at buti na lang nasalo ito ni Avril. Ang fashionista sa kanilang at ang bunso.

"Pero mas malaki at mas maganda kaya to." Muling sagot ni Avril sa kapatid na si Ellie. Binenta na nila ang nauna nilang bahay at mas pinili na lamang na bumili ng lupa at nagpatayo sila ng bagong bahay.

"Mukhang nagustuhan nyo ang bagong bahay natin ha." Sabi ng kanilang ina na si Victoria na kababa lang sa kanilang van. Nakatingin rin naman sa kanila ang kanilang ama, si Philip. Napapangiti ito at napapailing sa pag uusap ng magkapatid.

"Syempre naman ma, ang ganda ganda kaya. Tska pinag hirapan nyo ni daddy ang pinambili at pinang pagawa dito no." Ellie.

"E hindi lang naman kami ang nagpagawa nito. May mga naitulong rin kaya kayong magkakapatid sa bahay na ito. Ang babata niyo pa pero responsable at matulungin na kayo." Sagot naman ng kanilang mommy sa kanila. Ngumiti naman sila sa mga ito at muling pinag masdan ang bahay.

"Ingay nyo naman, natutulog pa ang tao e." Nagkukusot mata na sabi ni Adrianna habang nasa loob sasakyan. Bukas ang bintana ng van at nakahilig ito. Medyo nahihilo kasi sya kanina kaya pina off niya ang aircon at ginusto na lumanghap ng sariwang hangin.

"Ateeee, labas na. Dali na." Sinilip ni Ellie ang kapatid sa bintana at pinopoke ang pisngi nito.

Bumaba na rin si Adrianna at lumapit sa magkakapatid. Siya ang panganay sa kanila. Kung fashionista si Ellie, mas fashionista si Adrianna. Minsan nga inaasar nila ang kapatid na si Avril kung ampon ba ito o walang taste sa pananamit. Pero sadyang tamad lang talaga pumorma at mag ayos ang pangalawa nila. Maganda rin naman ito.

"Mommy, una na kami sa loob ha" sabi ni Adrianna sa ina. Tumango naman ang mommy victoria nila.

Papasok na sana ang magkakapatid pero narinig nila ang ingay ng isang grupo. Maka naka pang basketball ang mga ito. Naririnig naman nila ang usapan habang papalapit ang mga ito sa pwesto nila.

"Gago. Baka matalo lang tayo sa mga yon. Umatras na kaya tayo?" Sabi ng isang lalaki na may hawak na bola.

"Bakit naman tayo aatras e hinamon hamon tayo sa pagbabasketball ng mga yon." Saad naman ng isa at binatukan ang may hawak ng bola. Naghaharutan naman ang mga ito at hinagis ang bola.

"Aray!" Napapikit si Adrianna sa bola na tumama sa kaniya.

"Oyy mag sorry ka. Tinamaan mo ate ko ha!" Saad ni Ellie habang naka pamewang pa.

Napatingin naman ang ama nila dahil doon.

"Gago kasi itong si Andrew e. Nakakahiya." Pakamot kamot na sabi ng lalaki na nakatama ng bola sa ulo ni Adrianna.

"E bakit ako? Si Sebastian nga yun." Andrew.

"Huh? Sino ba kasi nauna? Diba si Stephen?" Sabat naman ni Sebastian.

Sinaway naman ito ng lalaki na nakatama sa kaniya ng bola. "Naka sakit na nga tayo, ang gugulo niyo pa. Mga gago itong mga to."

Lumapit ito habang nakayuko.

"Pasensya na ha. Hindi ko naman sinasadya." Inangat pa nito ang kaniyang mukha at tinignan ang namumula nitong noo.

Hindi naman makapag salita si Adrianna noong oras na yon. Pinagmamasdan niya lang ang lalaking nakahawak sa kaniyang chin.

"I'm Theo"  pagpapakilala nito sa kaniya bago siya ngitian. "Pasensya na talaga, hindi ko sinasadya na sayo tumama ang bola. Bago lang ba kayo dito?"

"Ate, tumango ka naman. Ang sungit mo kanina tapos ngayon natahimik ka na." Pang aasar ni Ellie sa kaniya. Sinamaan niya ng tingin amg kapatid kaya natahimik ito.

"Adrianna. Bagong lipat lang kami pero mukhang bagong bukol rin ang natanggap ko." Sagot niya at inabot ang kamay ni Theo para makamayan ito.

Tumingin naman si Theo na natatawa at binaling ang atensyon sa magulang ni Adrianna.

"Pasensya na po. Ako po si Theo. Kung pwede po babawi na lang po ako sa anak niyo." Sabi nito.

Tumango lang naman ang ina nito at tumingin sa kanilang ama.

"Basta iuuwi mong buo si Adrianna ko." Sagot ni Philip dito.

"Ah, hindi naman po kami agad lalabas pero po babawi po ako sa kanya" Theo. Ikinatango naman ito ng ama.

"Luh, nanliligaw ka na agad. Babago nyo pa lang kita e. Naks! Magkakajowa na ate ko!" Avril. Binatukan naman siya ni Adrianna.

"Oo nga no! Hanep, ang gwapo tehhh!"Ellie. Sinamaan naman rin siya ng tingin nito kaya sya natahimik.

"Pasensya na sa mga kapatid ko, kinulang kasi ito sa vitamins noong maliliit pa sila." Adrianna.

"Wala yon. Sige, una na kami. May laro pa kaming ngayong hapon. " pag papa alam ni Theo at kinuha ang bola mula kay Bryce.

Pagka alis nila Theo, agad na pinag hahampas ang kapatid at kinilit habang papasok ng kanilang bahay.

"Luh luh luh may manliligaw na si Adrianna!" Avril. Kinikiliti pa rin niya ito at sinasabayan pa ng tawa. Inirapan naman niya ang mga itpo at nauna na maglakad.

"Tigilan nyo akong magkapatid baka pag untugin ko kayo." Adrianna.

"Yiieeee, Theo and Adrianna! Bagay kayo" Ellie. Nakatitig sya sa kapatid bago ngumiti.

"Mga siraulo. Ayusin na lang natin gamit natin kapag medyo nawala na yung sakit ng ulo ko. Nahihilo na ko kanina, nadagdagan pa lalo." Reklamo niya at naupo sa lapag dahil wala pa silang gaanong gamit gaya ng sofa.

"Nakakita ka naman ng gwapo. Hinawakan pa ang baba mo. Naks!" Ellie.

"Tsk. Tigilan nyo ko."

Napailing na lang siya dahil naalala niya ang mukha nito na nag aalala, nahihiya at kinakabahan habang nakatitig sa kaniya kanina.

"Pero oo nga, gwapo sya." Bulalas niya. Nabalik naman siya sa ulirat dahil sa nasabi niyang yon kaya naman sinimulan na siya asarin ng mga kapatid niya.









A/N:
Please do comment and vote! Salamat! Hindi ako magsasawa basahin yung mga comments nyo, I need feedbacks huhu para ma inspire ako na tapusin to. Thank you.

Chasing You | ViceIonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon