ADRIANNA
"Si ate, parang tanga" Ellie. Tumingin ako sa kaniya na parang nag tatanong ako kung bakit.
Kinwento ko kase ang nangyari na pag amin sa akin ni Theo last night. Sa una kilig pa ag mga hinayupak. Dinagdag ko rin kase ang kwento na nakausap ko ang parents ni Theo and they welcomed me. Kaya hanggang ngayon inaasar nila ako. Ngunit nang sabihin ko ang tungkol sa di ko masagot na tanong ni Theo, ayan sinabihan akong tanga ng bunso kong kapatid.
We're having our breakfast by the way.
"Ellie ha," pag suway sa kaniya ni mommy dahil nga sinabihan akong tanga.
"Sorry na mommy, nang gigigil kasi ako dito kay ate. Si kuya Theo na yon e. Pinupush nga kita dun e, bakit mo naman ginawa yun." Parang si Ellie pa ang nabubwisit ngayon, akala mo sya ang gusto ni Theo. Hay, ang Ellie ko talaga. Napatawa na lang ako sa isipan kong ang bunso ko pang kapatid ang nagpupush sakin para magka boyfriend ako.
"Sure ka ba na babalik pa yang ex boyfriend mo ate? Aba, ilang taon ka na naghihintay a. Kaya kahit may magustuhan ka, hindi mo magawang umamin kasi parang may pumipigil sayo." Avril.
Tumingin sakin si daddy, "mukhang mabait naman si Theo, anak. Why don't you give him a chance?"
Tinignan ko ang daddy ko na parang boto sya kay Theo for me. May pinapaboran talaga itong tatay ko.
"Daddy, wala akong gusto kay Theo. Hindi pa rin pwede dahil di ko pa nasasabi sa kanya yung pagiging ako. Baka umiwas sya after that."
"Anak, kung gusto ka talaga ni Theo tatanggapin ka niya." Daddy.
Kaya rin hindi ko mabitawan ang pangako niya na babalik sya dahil sya lang ang lalaking minahal ako sa pagiging ako. Tanggap niya ang lahat sa akin.
Wala naman akong gagawin ngayon kaya sinamahan ko si Ellie sa company niya. Mayroon kasi siyang mga perfumes na sya mismo ang nag formulate at binebenta niya.
Pare pareho naman na kaming may work. At the young age namulat kami sa trabaho, sa pagiging business minded. Kaya kahit noong nag aaral pa kami at mga bata pa lang marunong na kaming humawak ng pera.
Si Avril naman, mayroon siyang fast food restaurant and may ilang branches na rin siya.
Maya maya pa may nag notif sa phone ko. Si Theo.
From: Theo
Hi, yanna ko. Good morning.
Bakit naman may 'ko' pagkatapos ng pangalan ko? Grabe mang angkin, Theo ha.
To: Theo
Good morning, Tey. What's the crack?Pagkareply ko, binalik ko na yung phone sa bulsa ko.
"Ate, pero kung ikaw...kung wala kang hinihintay, may pag asa ba kay kuya Theo?" Tanong sa akin ni Ellie habang nakatitig.
"Siguro oo." Nakatanggap ako ng hampas dahil sa sinagot ko na yon sa kaniya. Mas kinikilig pa sya kaysa sa akin. Haha!
Maya maya pa tumunog na naman amg phone ko. Kinuha ko naman yun at tinigna ko kung sino.
From: Theo
Wala naman. Have you eaten your breakfast?Magrereply sana ako pero nakita ko si Ellie na nakasilip sa phone ko at bahagya pa siyang tumawa, "ano yan jowa? Nasa talking stage na pala kayo e. Hahaha!"
"Sira."
To: Theo
Yeah. Nandito ako sa isang shop ni Ellie sinamahan ko sya. Why?From: Theo
Aayain sana kita lumabas at kumain e. Ipagpapa alam naman kita kina tito."Luh, ipagpapa alam pa kay daddy." Ellie. Tinignan ko sya at sinamaan ko ng tingin kaya tumawa sya at hinalikan ako sa pisngi.
Maya maya pa naka received na naman ako ng message kaya naman naupo muna ako. Habang ang kapatid ko, tuluyan na pumasok sa may packaging room. Buti naman nilubayan ako kahit paano.
To: Theo
Ang tagal na natin magkasama kagabi, hindi ka pa nagsasawa sa pagmumukha ko? Hahahaha!Itong lalaking to, hindi yata matatapos ang isang araw na hindi naka buntot sakin.
From: Theo
No. Lemme fetch you. Where's your location?At dahil makulit na rin naman siya, kailangan sabihin ko na sa kaniya yung tungkol sa akin. Ayoko na itago pa.
To: Theo
Okay fine. Fetch me here. May kailangan rin ako sabihin sayo.Sinend ko na rin ang location kung nasaan ako. At habang wala pa sya, pumunta ako kay Ellie para magpaalam.
"Mmp. Hinatid mo lang ako dito e. Di mo naman ako sasamahan maghapon"Ellie. Sinabayan pa nya ng pout. Uh ang cute talaga nito pag may pagka childish!
Pinakita ko yung phone ko, " nag memessage na nga yung kumag. Susunduin ako. Tska kakausapin ko na rin."
"Hay, sige na lovers. Shupi na. Sana all talaga." Sabi niya sa akin at nag crossed arms pa.
"Hoy anong sana all talaga, ang bata bata mo pa." Singhal ko sa kaniya. Hinapit ko sya at niyakap ko bago ko halikan sa pisngi.
"Babalik ako dito mamaya, ako mag ddrive pauwi." Sabi ko. Iniwan ko sa kaniya ang susi ng kotse.
"Sige ate. Ingat ka." Tumango ako bago ko ulit siya i-kiss sa pisngi at lumabas na ako.
Pag dating ko sa labas, nandoon na nga siya at nag hihintay na.
"Good morning."bati niya sa akin at binigyan nya ako ng ngiti.
"Hi. Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko. Pumasok na ako sa loob ng kotse niya pagkatapos miya buksan ang pinto sa shotgun seat.
"Somewhere. Galing akong coffee shop tapos kung ano ano pa inutos ni daddy sa akin sa kaniyang work. Daming pinadala." Reklamo niya habang naka simangot.
He mentioned to me his coffee shop before. May business rin kasi siya.
"Kakain lang pala e. Edi dun tayo sa resto ko. Para dagdag kita."
"Buraot!" Sabi niya kaya natawa ako.
Hindi ko nasabi sa kaniya kanina ang gusto ko sabihin dahil mas marami siyang kwento kaysa sa akin. Lalaking tao, ang daldal. Tinalo pa ako.
"Sbai mo may sasabihin ka nga pala. Sorry, napaka daldal ko pala kanina. "Theo. Tapos ngayon niya nrerealize habang pauwi na kami. Kaloka ito.
Pauwi na kami ngayon pero sabi ko sa company ni ellie ako pupunta dahil nga nangako ako sa kapatid ko.
"Yes." Tumitig ako sa kaniya kaya hininto niya ang kotse niya.
"You really like me, don't you?" Tanong ko sa kaniya.
Tumitig sya sa akin, yung titig na para akong malulunod sa mga mata niya. "I really like you. At sa tingin ko, sa araw araw na nakakasama kita mas lumalala lang ang nararamdaman ko. Kaya kung sasabihin mo na iwasan ko ang kasusunod sayo, wag mo gawin. Because I can't do it."
"Hindi naman kita sasabihan na iwasan mo ang kasusunod sakin. May sasabihin lang ako."
Tumitig sya muli sa akin at hinihintay ang sasabihin ko.
"Tey, I am a transwoman. I'm sorry kung hindi ko kaagad nasabi sayo. Humanap lang ako ng tyempo. And I think mas mahihirapan ako na sabihin to kung mas tatagal pa. Parang niloloko na lang din kita."
Tahimik siyang nakatitig sa akin na para bang pina-process niya ang mga sinabi ko.
"Ngayon, gugustuhin mo pa rin ba ako?"
Wala ako natanggap na sagot sa kaniya. Basta na lang niya binuhay ang makina ng sasakyan at nag drive na sya sya para maihatid ako kay Ellie.
Anong nangyari sa sinasabi niyang walang magbabago?
A/N:
Please do comments and votes. I need feedbacks, guys! Thank you! Sana rin ishare nyo itong story sa vi co fans nyo. Huhu salamat :<
BINABASA MO ANG
Chasing You | ViceIon
FanfictionTheo wants Adrianna so much. He really wanted to court her, but she did not allowed him because she is committed to her ex boyfriend's promise and waiting for him to comeback. But when she finally allowed Theo to be with her, her ex boyfriend unexpe...