Chapter 22

56 3 2
                                    

GENERAL

Maayos ang naging takbo ng relasyon nina Theo at Adrianna. Ilang buwan na rin magmula noong nakausap ni theo ang magulang ng kaniyang girlfriend. Sigurado na sya sa buhay na gusto nya. Gusto na nya mag settle kasama sya.

Sinong mag aakala na ang isang theo ay kay adrianna pala mapupunta? Isang taong walang sineryosong babae at kung mag sawa man, ay magpapalit lamang sya ng panibago.

Tanging si adrianna lamang ang kanyang sineseryoso at nakasundo ng kaniyang mga magulang.

Alas onse na ng gabi ngunit nandoon pa rin sya sa kanyang coffee shop at inaayos ang mga binili niya para sa mga kape at ibang mga kagamitan dito.

Hindi sila halos magkasama ni adrianna ng araw na yon. Of course, may mga sarili rin silang trabaho na dapat nilang pagtuunan ng pansin lalo na at gusto na ni theo na magpakasal. Engagement proposal na lang nga ang gagawin niya.

He wanted to give the best for his adrianna.

Pagkarating niya sa kanilang bahay, nakita nya doon ang kanyang kuya tristan at nasa salas pa ito. Nanunuod ito ng movie sa kanilang tv. Mukhang kararating lang din nito galing sa trabaho.

"Kauuwi mo lang din kuya?" Tanong niya at tumabi rito. Tumingin naman sa kanya ang kapatid at nakipag bro hug ito sa kanya.

"Oo. Traffic rin kasi pauwi. Ikaw bakit ka ginabi?" Balik na tanong niya sa kanya habang bumabalik ang tingin sa pinapanuod.

"Chineck ko yung mga kailangan sa coffee shop at nagtambay lang doon. Kuya, may alam ka ba na bilihan ng singsing?" Saad niya dito. Tumingin naman sa kanya ang kapatid na si tristan habang ngumingisi.

"Kailangan ka ba magpoprose sa kanya?"

"Sa isang araw or basta kapag may singsing na agad. Madali naman makahanap ng isang event place kung saan pwede e. The main problem here is kung saan ako hahanap ng singsing for her."

Hawak naman ni tristan ang phone nya habang nagtatype sya.

"I can call Kelly, yung may shop ng mga jewelries but expensive mga nandoon. So okay lang?" pagtatanong ni tristan dito. Tumango si theo sa kanya at ngumiti.

"Yes, kuya. I'll pay it even it cost of millions."

"Patay na patay talaga ang kapatid ko kay adrianna. Engagement ring pa lang itong itatanong natin ha?!" Natatawang saad nito sa kanya.

They both laugh at napailing na lamang sya. They always have this kind of bond talaga.

"I know kuya. At kahit doble pa ang presyo ng magiging wedding ring namin ni yanna, why not. Asawa ko naman eh." Pinakita nya kunwaring kinikilig sya kaya naman nakita nya ang pagka disgust sa mukha ng kuya nya na kinatawa naman nya.

Tinawagan nga ni tristan si kelly. Ang may ari ng isang expensive jewelries. Nakilala rin ang brand na ito maging sa iba't iba bansa. Nag send naman si kelly ng mga examples ng engagement rings kaya naman pumili na si theo dito.

And the engagement ring cost 1.5 million pesos.

"The fuck. Bibilhin mo yan?" Gulat na tanong ni tristan sa kapatid niya.

Kunot noo naman na tumango si theo dito, "oo, bakit hindi? ang mura lang din naman nyan."

"Gago, anong mura dyan? Engagement ring for 1.5 million pesos?"

Ngumisi na lamang si theo at napakamot na lang ng nape si tristan dahil sa kapatid.

Tumayo na lang din siya at naglakad na sana palayo.

Pero bago sya umakyat sa hagdan, nilingon nya ulit ang kuya nya.

"Please tell Kelly na sa susunod wag syang pabebe magsalita pag ako kausap nya ha? Hindi sya maganda para patulan ko." Theo.

Tawang tawa na lang si tristan sa kanya at napa fuck you sign na lang ito.





Hinatid nya si adrianna sa work nito sa restaurant after nilang mag date. They spent time together kahit saglit lang.

"Bebu, hinahanap ako nina adelaide at aurelia baka hindi ako magpasundo sayo later." Saad ni adrianna sa kaniya habang nag aayos ito ng sarili sa loob ng sasakyan. Nasa parking na sila ng restaurant ni adrianna.

"Oh, saan kayo pupunta?" tanging tanong nya habang pinag mamaadan nya ito. She's damn beautiful, paano niya hindi tititigan ang magiging fianceé nya?

"I don't know, bebu. But I'll message you okay? Baka girls bonding lang." Humarap ito sa kanya after mag retouch. Nagpacute pa ito kaya naman napatawa nya si theo.

"Damn gorgeous, bebu." Puri nito bago magbigay ng halik sa labi niya at tinugon naman ito ni adrianna.

Medyo kumalat ang lipstick nito ulit kaya naman napahampas sa kanya si adrianna.

"Pakipalitan ang brand ng lipstick na gamit mo ha? Para kahit ilang halik pa di mabubura." Nang aasar na sabi ni theo sa kanya.

"Tch. Ibang lips ko na lang halikan mo." Nakamgising saad ni adrianna kaya pareho silang napahalakhak.

Napailing iling naman si theo sa kanya.

Binabaliw na naman sya ng girlfriend nya.

"Huwag mo ko ganyanin, bebu. Baka iuwi kita bigla sa pad ko at makabuo tayo ng bata nyan bigla." Theo.

Tumawa sya sa sinabing yun ng boyfriend nya bago niya ito halikan sa labi nang mabilis.

"Sige na, I need to check my restaurant for today eh."

"May pupuntahan din ako ngayon pero I'm sure na saglit lang yon. Just message me, okay?" Theo. Tumango naman si adrianna at ngumiti bago lumabas ng sasakyan.

Pumunta sya sa jewelry store ni Kelly kung saan nya kukunin ang engagement ring. Pagkapasok nya doon, nakita nya itong nakaupo at nakaharap sa laptop nito.

Maputi ito at maganda. Hapit na hapit sa katawan nito ang suot nitong dress. Hindi mapagkakaila na maganda rin ang hubog ng katawan nito. She's also have a long black hair, maganda ang mga mata at matangos ang ilong.

"Hi, Theo." Bati nito sa kanya nang makita sya. Binigyan sya nito ng isang ngiti habang nakatitig sa kanya.

Isang tipid na ngiti ang binigay nya dito at tinignan ang mga rings na nasa mga lalagyan.

"I pay for the ring today." Saad niya at nilabas niya ang card nya bago niya ito ilapag.

"Hindi mo na ba balak magbago ng ibang design? I can offer you something naman." Bahagyang nag lipbite pa ito at lumapit pa sa glass kung saan nakalagay ang mga iba't ibang alahas. Ito lang ang pagitan nilang dalawa ni theo.

Maharot.

"I'm not interested. Just give me the ring. Thank you." Saad niya at nag crossed arms.

Pinaasikaso na lang sya ni kelly sa ibang staffs nya para sa ring na binili niya. Nagswipe na rin sya ng card nya upang mabayaran ito.

The ring looks so expensive. Napupuno ito ng mahahaling mga bato. Hindi naman bato pang shabu— kundi mga diyamante ito.

After that, umalis na sya ng jewelry store at kumausap sya ng isang event organizer.









A/N:
Sino pa rin nag we-wait na mag update ako dito and still interested? Sana may sumagot. Hahaha

Chasing You | ViceIonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon