Chapter 17

72 4 0
                                    

THEO

Birthday ngayon ni kuya Tristan at nandito kami sa isang resort. Hindi ako masyadong makapag saya kahit na nandito yung mga friends ko at friends ni kuya dahil wala si yanna ko. Siya ngayon nagbabantay kay Avril sa hospital dahil pabalik balik daw lagnat yun pala na dengue na. Kaya heto, nang hihintay na lamang ako ng updates nya sa chats or messages nya. Hindi na rin sana ako pupunta ngayon dito pero sinabihan nya ako na kuya ko nga ang magbibirthday.

Nandito ako ngayon sa dalampasigan habang sila nasa may area ng resort. Kausap ni kuya mga friends nya at nandoon rin mga kaibigan ko. Naiinitan na ko dahil sa alak so pumunta ako dito.

Maya maya pa, lumapit sakin si Jacob. My half brother, my yanna's ex boyfriend. Inabutan nya ako ng alak na nasa bottle habang nakatingin sya sa akin.

Hindi ko alam noong una kung kukunin ko ba yun. Pero sa huli kinuha ko na rin at tahimik siyang umupo sa tabi ko. Parehas kaming tahimik habang pinagmamasdan ang madilim na karagatan. Tanging bituin at buwan lang ang nakikita sa kalangitan.

"How's your relationship with her?" Bungad nyang tanong pagka inom nya mula sa bote ng alak.

"Happy and contented. Why?" I asked him back.

Umiling sya at bahagyang ngumiti. "Hindi ko alam na pagbalik ko pala, may kapalit na ako."

"Hindi mo naman kasi siya pinaglaban. Iniwan mo lang sya. Duwag ka kase." Diretsahan kong saad sa kanya.

Iba yata ang gabi ngayon, dahil kinakausap ko siyang malumanay. Kung sa bahay nga, palaging nakakunot ang noo ko sa kanya at mainit ang dugo ko.

"Alam mo yung mas masakit? Yung nakikita ko siyang masaya sa'yo. Ako kasi dapat yun."

"Hindi mo na pwedeng bawiin pa kung nasa akin na sya. Ginawa ko siyang suyuin hanggat kaya ko para maging kami." Tinungga ko ang bote ng alak at nilunok ko yon kahit na gumuguhit sa lalamunan ko ang pait.

"Kahit magmakaawa ako, hindi mo ba sya ibibigay sakin?" Jacob. Tumitig pa siya sa akin at parang nagluluha ang kaniyang mga mata.

"Hindi. I won't do it. Sya ang iniwanan mo matapos mo pangakuan, sa tingin mo ba hindi mawawala ang pagmamahal nya sayo? Pinaghintay mo si yanna sa walang kasiguraduhan kung kailan ka babalik. Hindi ko ibibigay sayo si yanna kahit na anong mangyari." Napahigpit ang kapit ko sa bote ng alak habang sinasabi ko yon sa kanya.

"Isa pa, pera lang naman habol mo sa ama ko. Bakit hindi mo na lang hingin ang halaga na kailangan mo at umalis ka na sa amin? Kung gusto mo bibigyan pa kita ng dagdag na pera umalis ka lang." Nagsisimula na naman mag init ang dugo ko dito. Mukhang hindi ko nga talaga kakayanin na makausap siyang matagalan na hindi ako naiinis sa kanya.

"Kung hindi ko lang kailangan ng tulong ng ama ko, hindi ako lalapit dito. Pero mahal ko ang mama ko kaya ko ginawa to."

Napa crossed arms ako at tumingin ako sa kanya, "so wala palang nangyari sa pagtupad mo ng pangarap mo kapalit nang pagiwan mo kay yanna dahil gusto mo pag nagkabalikan na kayo, matatag ka na at may trabaho ka na? Nganga?"

"Nakaipon ako, pero hindi sapat yon para sa gastusin ni mama."

Hindi ko na sya kinausap pa pero nanatili siya sa tabi ko. Hindi ko nga alam kung bakit dumidikit pa rin siya sa akin gayong alam nyang ayaw ko sa kanya.

Maya maya pa, lumalapit sina Stephen habang may dala rin na alak at mga chichirya. Pero ang mas malupit doon, may nakasunod sa kanila na nakapag pangiti sa akin.

"Ang lawak ng ngiti ha. Kanina di maipinta yang mukha mo." Sabi sakin ni Andrew.

"Eh syempre, dumating na yung LOML nya!" Sebastian.

Chasing You | ViceIonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon