Chapter 15

91 2 6
                                    

ADRIANNA

Nandito kami sa event ni Ellie. Launching ng bagong scent ng mga perfumes nya. At maraming tao ang dumating at sinusuportahan sya. May mga nag iinterview rin sa kaniya at pinopromote na rin ang kaniyang mga scents.

"Bebu" tawag ko kay Theo habang inaabot ko sa kanya yung isang scent na pang men.

"For me, bebu?" Tanong nya sa akin at tumango ako. Hinalikan nya ko sa pisngi at humawak na sa kamay ko.

"Hahaha Tey, later na yung pagiging clingy baby mo. Help muna natin si Ellie sa perfume nya, okay?" Sabi ko sa kaniya at nag thumbs up sya tapos hinalikan na muna ako sa noo.

Dumating rin sina tita Ofelia at si kuya Tristan. I asked them kung nasaan si Tito Theodore pero bumisita raw ito sa mom ni Clyde Jacob. Kasama rin nila si Clyde Jacob doon. Mabuti namang walang clyde dito, baka mag away lang sila ni Theo.

"Bakit hindi daw dumating si daddy?" Tanong sakin ni Theo habang nag aasikaso ng mga perfume na nilalagay nya sa paper bags.

"Binisita yung mommy ni clyde jacob." Saad ko sa kaniya at rumehistro yung inis na naman sa mukha nya. Maka daddy rin kasi siya, kaya siguro ganoon na lang ang inis nya. Ikaw ba naman na buong buhay mo, alam mong kayo lang ang anak ng daddy mo pero meron pa palang iba.

"Palagi na lamang sya doon. Mas nagiging ama pa sakin si tito Philip e. Pwede bang sabihin mo kay tito Philip, ampunin na lang ako."  Theo. Sumikay na yung ngiti nya, pinapagaan na nya yung nararamdaman nya.

"Hindi ka pwedeng ampunin ng daddy ko Theo. Hindi ako papayag." Umiling iling pa ko sa kanya.

"At bakit ha? Damot mo naman!" Theo. Nag make face pa siya sakin. Nakakunot ang noo niya at naka pout.

"Ipagdadamot ko talaga daddy ko sayo no. Hindi ako papayag na maging kapatid kita. Mas papayag ako kung maging manugang ka niya dahil asawa kita." Nag tongue out pa ko sa kanya at nag make face rin ako. Nakatitig na pala siya sa akin at ngumiti siya.

Pinisil niya rin yung pisngi ko at halatang nang gigigil siya sa akin.

"Sa sobrang sweet ng scents ko, nahawa na yung ate ko at kuya theo ko dito, kaya naman bumili na kayo ng bagong scents ng perfume ko!" Sabi ni ellie habang naka mic at nasa stage. Rinig naman namin ang tawa ng mga tao dahil sa sinabi niya. Marami rin tuloy mga camera na nakatutok sa amin ni Theo dahil doon.

Unti unti na rin talaga nakikilala ang product ng kapatid ko at deserve naman nya yun.

"Kumain na ba kayo?" Napatingin ako sa nagtanong at si daddy ko pala yun. Si daddy Philip.

"Hindi pa po daddy. Di pa rin tapos si Ellie dito, tska si Avril busy pa rin doon sa mga merch. Mag padala na lang kayo dito ng food, call kayo sa resto ko." Sabi ko kay daddy. Inabutan rin naman ako ng water ni Theo na agad ko rin naman ininom.

"Nagpadala na rin po ko ng mga bread ang cake dito tska ng coffee para po makapag merienda na tayo, tito."

"Hindi ka talaga papatalo, gusto mo meron ka rin entry." Saad ko sa kanya at nakakunot noo ako.

"Hindi talaga ako papatalo no. Handang handa kang ipanalo hanggang sa dulo ng mundo."

"Bilog ang mundo."

"Edi wow, edi wow Adrian George." Sabi ni Theo sa akin at naka ngisi pa. Halatang pikon na sya. Pero parang ako ang mas mapipikon dahil tinawag nya ko sa dati kong pangalan.

"Paano mo nalaman yan?" Kunot noo kong tanong. Baka kasi pinagkaisahan na naman ako tapos sinabi ni Avril yun.

"Bebu ang bilis lang mahulaan ng name mo dati. Adrianna Georgia... Adrian George!"

Chasing You | ViceIonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon