GENERAL
Alas dos na ng madaling araw nang makauwi sina Theo at si Adrianna. Galing kasi sila sa party ni Andrew. Tuwang tuwa nga ang mga kaibigan ni theo dahil finally raw ay may matino na itong girlfriend na pinakilala sa kanila.
Habang nasa party ay hindi maiwasan ni theo na pag masdan si adrianna at nagkaka urge sya na halikan ito sa labi. Kaya naman pag uwi pa lang nila sa bahay nina theo ay hindi na niya napigilan ang sarili na halikan si yanna.
"Mmm~" mahigpit ang kapit ni Adrianna sa batok ni Theo habang nag hahalikan silang dalawa.
"Yanna," bumaba na ang halik ni Theo sa leeg ni Adrianna habang marahan niya itong minamarkahan.
Napapa singhap naman si adrianna at nadadarang na rin na siya. Hinayaan niya ang kaniyang boyfriend na halikan sya sa leeg habang ang mga kamay nito ay mas pumalupot pa sa kaniyang bewang.
Maya maya pa ay bumukas ang ilaw ng kusina at nandoon ang mommy ni theo na si ofelia. Parang nawala naman ang lasing ng dalawa at agad na napa ayos ng tayo.
"I didn't know, I'm sorry mga anak." Sabi nito sa kanilang dalawa. Halatang kagagaling nito sa tulog dahil magulo pa rin ang buhok nito at inaantok pa.
Bahagya naman na napayuko si adrianna at nahihiya sya. Pasimple niya tuloy na kinurot si theo sa likuran.
"I just want to drink some water. You guys get a room." Sabi nito sa kanilang dalawa at natatawa. Tinignan nya si adrianna at ngumiti sya rito.
"It's okay sweetie. Siraulo itong boyfriend mo kung bakit dito ka pa sa kitchen hinaharot."ofelia.
"Mommy. Paano ka namin mabibigyan ng apo niyan? Istorbo ka naman e." Theo. Halatang nabitin ito sa pag halik sa girlfriend at parang batang nagmomotsong.
Binatukan naman sya ni Adrianna at tinawanan sya.
"Siraulo ka." Saad ni adrianna sa kaniya. Natatawa na lang sa kanila si mommy Ofelia.
"Matutulog na kami ni yanna, mommy. Good night." Sabi ni theo at hinalikan sa noo ang ina at inaya na nya si adrianna sa kanyang kwarto. Ngunit bago yun ay nagbeso muna ito sa kaniyang mommy.
Pag dating sa kwarto ay agad na inayos ni theo ang kaniyang kama at pinahiga doon ang kasintahan. Tumitig naman sa kanya si adrianna na parang nagtatanong.
"Sa sofa ako matutulog." Sabi ni theo at pumupwesto na humiga sa sofa.
"Siraulo ka ba? I want cuddle, bebu." Saad ni adrianna habang inaalis niya ang kaniyang heels at nahiga na.
Tumitig sa kaniya si theo na parang nagtatanong if sigurado ba sya dahil baka nga naman hindi na niya mapigilan ang kaniyang sarili.
"I am sure, Tey. Come here. I want cuddle." Adrianna. Lumapit naman sa kaniya si Theo at inalis na nito ang kaniyang t-shirt at tumabi sa kaniya bago sya ikulong sa mga bisig nito at yakapin.
Ramdam ni Adrianna na hindi pa natutulog ang boyfriend nya pero tahimik ito. Marahan nitong hinahaplos ang kaniyang likuran at napapansin niyang napapabuntong hininga ito.
"Alam kong may problema ka. Pero hindi mo pa rin sinasabi sa akin. Sa family mo pa rin ba? Tey, girlfriend mo ako. Pwede ka mag share sa akin. Nandito ako palagi, Tey." Hinigpitan niya ang yakap niya rito at hinalikan sa labi nang marahan.
"Binibisita na ulit ni daddy yung naging mistress niya." Paninimula ni Theo. Nakatahimik lamang si adrianna pero maging sya ay nabigla sa sinabi nito sa kaniya.
"She's suffering from a cancer. May anak sila ni daddy at yun ang nanghingi ng tulong para sa mommy nya. Noong una ayaw niya humingi ng tulong pero naubos na rin ang pinag ipunan niyang pera noong nagtrabaho sya. And he is my kuya." Pagkukwento ni Theo. Gumaralgal ang boses ni theo at maya maya pa ay nakita ni adrianna na pumatak ang luha nito.
"Bebu," pag aalo niya rito at hinaplos marahan sa pisngi.
"Kaya ko ang sarili ko bebu, pero hindi ko kayang nakikitang nahihirapan ang mommy ko. I don't want to see her suffering again because of love. Nalaman iyon ni mommy at hinayaan nya lang si daddy. Ang dinahilan nya lamang, kawawa naman daw yung kuya ko kuno kung mawawala ang mommy nya."
Hindi nakapag salita si adrianna sa sinabi ng boyfriend nya. Ang tangi lamang niyang ginawa ay makinig rito, haplusin ang likuran at pisngi at pakalmahin. Sobrang soft hearted talaga nito kapag tungkol sa mommy nya.
Isang buwan na rin naman sila at nakita niyang mahal na mahal nito ang pamilya niya. Siguro kaya niya din minahal ito dahil nakita niya kung paano mag alaga si theo sa pamilya, what more pa kaya sa kaniya diba?
"Thank you for listening, bebu. Hindi ko dapat tinago to sayo dahil girlfriend na kita. I'm sorry rin, sabi ko sayo bago ang lahat ng ito sa akin at nag aadjust pa lamang ako." Tumitig sa kaniya ang mga mata ni theo.
Marahan niya itong nginitian at tumango siya. "At willing ako hintayin lahat ng pag aadjust mo, tey. Don't hesitate na mag sabi sa akin kapag may problema ka. Nandito na ako sayo at handa kang damayan palagi ha?" Hinalikan niya ito sa pisngi bago yakapin.
"Naiintidihan ko na may sama kang loob kay tito... pero naiintidihan ko rin si tita na naaawa sya na mawalan ng nanay yung half brother mo at alam ko na ganoon rin si tito kaya niya yun tinutulungan."
"Ang nakakainis lang kasi bebu, yung mukhang balak pa yata ni daddy na kupkupin rito ang anak niya habang pinapagamot niya ang naging mistress niya." Halata sa boses nito ang pagkairita.
Hindi naman din kasi madaling tanggapin kapag nalaman mo na may kapatid ka pala sa ama.
"Kuya mo pa rin sya, Tey."
"Wala akong pakealam, bebu. Ayaw ko sya rito sa bahay. Hindi pa ba sapat na tinutulungan sila ng daddy? Ano gusto niya, mag suffer araw araw si mommy dahil nakikita niya yung anak ni daddy sa iba?"
Gets nya naman rin ang point ng boyfriend nya. At hindi rin naman talaga rin madali iyon. Ayaw niyang nasasaktan ang mommy nya.
"Isa pa, maging karibal ko pa yun sayo baka sumabog mukha niya at mas matuluyan pa syang mawala kaysa sa nanay nya."
"Theo Alexander ha!" Pag babawal niya rito st may kasamang hampas.
Tumawa ito nang malakas habang nakatitig sa kaniya.
"I'm telling the truth, bebu. Sa akin ka at hindi ka pwedeng makuha ng iba. I am territorial. What's mine is mine." Seryosong saad nito sa kaniya.
A/N:
Hi! Please do vote or comment. Thank you!
BINABASA MO ANG
Chasing You | ViceIon
FanfictionTheo wants Adrianna so much. He really wanted to court her, but she did not allowed him because she is committed to her ex boyfriend's promise and waiting for him to comeback. But when she finally allowed Theo to be with her, her ex boyfriend unexpe...