THEO
Tinignan ko ang phone ko at may isang message doon. It was from Yanna. Yun pa yung message niya noong gabi na hinatid ko sya pabalik kay Ellie sa kompanya.
She just message me na salamat daw dahil hinatid ko siya at ingat daw ako sa pag ddrive.
Hindi ko na kasi siya nakausap noong gabi na yon. Tumango lang ako sa kaniya dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.
"Bakit parang may mali?" Andrew. Tumingin ako sa kaniya at napakunot noo ako.
"Anong mali?" Tanong ko sa kaniya at nag salin ako ng alak sa baso.
"Bakit nandito ka at kasama namin? Hindi ka yata pumunta kay Yanna mo ngayon." Andrew.
Nandito kami sa isang bar at nag iinom kami. Mag hapon na nila akong kasama kahit saan sila pumunta.
"Hindi pa kami ulit nakakapag usap, one week na." Sabi ko sa kanila at kinuha ko na yung shot glass. Hindi ko naman na kasi siya namemessage pa ulit.
"Bakit?" Sebastian
"Hindi pa namin nakikilala ng lubusan si Adrianna, mag hihiwalay na kayo?" Stephen
"Natiis mong hindi kumustahin yung girlfriend mo?" Bryce
Para naman akong nasa hotseat nito dahil sa sunod sunod nilang tanong sa akin.
"She's not my girlfriend. Balak ko pa lang sya din ligawan kaya lang may hinihintay pa raw sya na bumalik." Pagkukwento ko sa kanila.
"Hindi mo girlfriend? Pero kung maka asta ka dyan na sumunod sa kaniya palagi daig pa ang boyfriend. Patay na patay kay Adrianna ha." Pang aasar sakin ni Bryce.
"O ano balak mo ngayon, may hinihintay pa pala siya?"Sebastian
Nag kibit balikat lang ako. Hindi ko nga alam kung anong gagawin ko. Mahirap makipag relasyon sa taong may minamahal at hinihintay pa. Hindi makukuha ang buong atensyon at ang pagmamahal niya. Inshort, may kahati pa.
Isa pa, iniisip ko yung sinabi niya noong nakaraang linggo.
She's a transwoman.
Lumayo ako saglit para makapag isip- isip pa.
I don't have problem with that. Yan ang nasa isip ko after ko maprocess ang mga sinabi niya.
"Mahal na mahal niya siguro ang boyfriend nya kaya hindi niya magawang bitawan." Sabi ni Stephen habang nag sasalin siya ng alak.
"Ex boyfriend." Pag tatama ko.
"He promised to her na babalikan siya. Pero hanggang ngayon wala pa din. Hindi ko tuloy sya maligawan." Dagdag ko pa.
"Ex na pala e, edi tapos na sila." Stephen.
"Malay mo bigyan ka niya ng chance tapos maging kayo." Andrew.
"Bro, committed nga sya sa pangako nun. May hinihintay nga. Bago sila mag hiwalay nangako yung guy sa kaniya. Para namang pampalipas oras lang ako niyan. Tapos baka kung kailan bumalik yung ex niya, iiwan nya ako? Ang kulit nyo rin e. " sagot ko sa kanila. Napa buntong hininga na lang ako.
"Siguro mahal na mahal rin siya nung ex nya." Sebastian.
"Siguro. Kaya hindi niya rin mabitawan" dagdag pa ni Bryce.
Nagsisimula na silang ubusin ang chips at iba pa naming kinakain kaysa sa alak. Mga hinayupak na to ang tatakaw sa pulutan.
"Baka nga. Baka pakiramdam niya wala ng tatanggap pa sa kaniya ng buong buo. E nandito pa naman ako, sya lang itong hinihintay ko." Saad ko sa kanila. Kinuha ko ang isang bote ng alak at tinungga ko.
BINABASA MO ANG
Chasing You | ViceIon
Fiksi PenggemarTheo wants Adrianna so much. He really wanted to court her, but she did not allowed him because she is committed to her ex boyfriend's promise and waiting for him to comeback. But when she finally allowed Theo to be with her, her ex boyfriend unexpe...