ADRIANNA
"Yangyang!" Mula sa kusina rinig ko ang boses ni Theo. Bakit nandito to? Ang aga aga pa. Nag hugas ako ng kamay at pumunta sa living area. I saw him, nagmamano kina daddy, bumeso pa kay mommy.
Nahalata niya yata ang presensya ko kaya tumingin sya sa akin at ngumiti. "Yangyang, good morning."
"Yangyang?" Kunot noo kong tanong habang papalapit sya sa akin.
"Yanna to Yangyang, ang cute kaya. Good morning!" Bati niya at niyakap ako.
Isang mahigpit na yakap ang binigay niya sa akin. Isang linggo kami hindi nagkita at puro chats lang kami sa isa't isa. Naging busy ako at ganoon rin siya.
Hindi sya nahihiya sa pagiging clingy nya kahit nandyan ang parents ko.
"Yangyang mo yang mukha mo. Hahah nakakainis. Good morning too. Ang aga mo naman." Sabi ko sa kaniya at nag pull away ako sa yakap ko.
"Eh diba kasi ngayon kayo may get together ng mga friends mo?"Pagtatanong niya. Tumango ako at bahagyang napakunot noo.
"Eh wala naman akong gagawin ngayon. Sasama na lang ako sa'yo." Theo.
Nagpunta ako ng kitchen pero nakasunod naman sya. "Eh girls' night yun. Baka ma our of place ka naman."
"Bebu, hindi naman. Gusto ko rin makilala mga friends mo. Tahimik lang ako doon, promise. Gusto lang talaga kita makasama."Theo.
May bago na naman siyang tawag sa akin. Bebu.
"Sige, sasabihan ko sina Lia at Luna. Kung gusto mo isama mo sina Andrew para may makausap ka rin naman." Suggestion ko.
Nakita ko naman syang ngumiti at napasuntok pa sa hangin habang paulit ulit na nag sasabi ng 'Yes!' Akala mo naman nanalo sa lotto! Hahahaha!
Tinawagan ko yung dalawa kong friends at pumayag naman sila. Mas okay raw na marami kami para mas masaya. After that, sabay sabay na kami kumain.
"Daddy este tito, sasamahan ko si yanna para may taga bantay sya." Theo. Aba ang loko nagpapalakas pa sa daddy ko.
"Okay naman sa akin, basta wag lang kayo gagawa muna ng apo." Daddy.
"Daaaad?!" Bulalas ko. Sabay sabay silang tumawa nina mommy.
"Tito parang mas okay po yun, para may flower girl or ring bearer na kami ni Yanna agad." Theo. Binatukan ko naman siya dahil sa sinabi niyang yun.
"Luh si ate, kunwari pa. E umiikot na amg pwet mo sa kilig." Ellie.
Sinama ko si Theo pati ang mga friends rin niya sa get together naming magkakaibigan. Since highschool sila na ang mga kaibigan ko. Sobrang busy na rin nila at minsan na lang kami mag sama sama.
Nandito kami sa Boracay at pagkarating namin, nag check in agad kami. Itong si Theo, ayaw bumukod ng kwarto. Gusto katabi ako. Jusko. Parang batang nag uungot sakin kanina. Paano pa kaya kung kami na? Baka lalong di to umalis sa tabi ko.
Nagkukwentuhan kami ni Luna nang may marinig akong tili. Kahit kailan talaga, hindi na nagbago ang lakas ng boses ng babaeng ito.
"Oh myghosh! Sisssyyy!" Niyakap ako ng kaibigan ko. Bahagya akong napairap sa kaniya dahil late sya.
"Ewan ko sayo, Aurelia! Ang late mo. Minsan na lang tayo magsama sama, late ka pa." Sabi ko sa kaniya na may himig na pag tatampo.
"Oh. I'm so sorry. Nagpaalam pa ako kay Elias. Hindi kasi kami okay, e nagkasagutan kami. But no biggie naman." Agad ko kasi siyang tinignan at tatanungin kung bakit sila nagkasagutan. Ayoko naman na binabastos rin ang mga kaibigan ko no. Pero alam ko naman na mabait rin si Elias, may mga katok lang din talaga sila.
BINABASA MO ANG
Chasing You | ViceIon
FanfictionTheo wants Adrianna so much. He really wanted to court her, but she did not allowed him because she is committed to her ex boyfriend's promise and waiting for him to comeback. But when she finally allowed Theo to be with her, her ex boyfriend unexpe...