GENERAL
After eros and aurelia's wedding, naging busy naman si adrianna sa restaurant nya at sinuportahan nya rin ang kapatid nyang si avril sa pag oopen nito ng bagong branch fast food restaurant. Na hook talaga sila sa pagluluto at si ellie ang naiiba sa kanila.
"Ate, buti hindi ka binubwisit ni kuya Clyde?" Tanong ni avril sa kanya habang nag pipinta si avril ng mga design sa walls ng kanyang fast food restaurant.
"Hindi naman. Nakikipag kwentuhan sya sa akin kapag nandoon ako kina theo pero minimal lang naman. Ayoko rin naman na madikit pa sa kanya, ayokong nasasaktan si Theo. And we're done na." Sagot nya naman habang inaayos nya ang ibang papers na nagkalat sa table.
"So okay na ngayon kay kuya theo na nandoon si kuya clyde?"
"Hindi pa rin. Masama loob nya kay tito, tapos isa pang factor kasi nga ex ko si clyde. Kaya kapag nandoon ako nagsasamaan sila ng tingin." sagot ni adrianna, ayaw naman nya na ganoon palagi ang sistema kapag nandoon sya kila theo pero hindi talaga maiwasan.
"Paano pala kung hindi lang ngayon kumikilos si kuya clyde pero may balak pala talaga sayo yon?" Muling tanong ni avril sa kanya.
"Hindi naman nya siguro gagawin yun lalo na kung ikakapahamak ko pa diba?" Alanganin niyang sagot sa kapatid. Napatigil din sya sa kanyang ginagawa at napaisip rin sa tanong nito.
"Nako ate, mag ingat ka pa rin. Maraming nababaliw sa pagibig." Sagot nito sa kanya at pinagpatuloy ang ginagawa.
Umuwi na silang dalawa ni avril noong malapit na maggabi. Inaya nya ito na pumunta sa coffee shop ni Theo dahil nandoon ito maghapon at may inaasikaso rin. Nagkape sila doon na magkapatid habang si theo naman ay may ginagawa sa laptop kahit na nakaharap silang dalawa.
"Ate, mauuna na akong umuwi." Sabi ni avril kay adrianna habang inaayos ang kanyang gamit.
"Sure. Magpapahatid na lang ako kay theo mamaya." Sagot nya rito, pero tumingin sa kanila si theo at nagpapalipat lipat ang tingin nya sa magkapatid.
"Bebu sabay ka na kay avril, hindi kita mahahatid pala sa bahay nyo. May pupuntahan pa ako after dito sa coffee shop." Sabi ni Theo sa kanya habang napapakamot sa batok nito.
Nanibago naman si adrianna, dahil kapag magkasama sila at kahit anong busy nito ay hinahatid sya pauwi.
"Sasama na lang ako sa pupuntahan mo, maghapon rin naman tayong hindi nagkasama."sabi pa nya dito, hinihintay na payagan sya. Nakatingin lang naman sa kanila si avril. Hinihintay kung sasama sya o hindi.
"Hindi na nga, yanna. May aasikasu—" tumunog naman ang phone ni theo na nasa table at may tumatawag dito.
Darrah calling...
"Sino yan?" Tanong ni adrianna sa kanya pero di niya sinagot yun at kinuha ang phone bago tumayo. Sinundan naman ito ng tingin ni adrianna nang lumayo ito sa kanilang dalawa ni avril.
Tinitigan nya ito habang kinakausap ang tumawag na yun. Lalo pang nag salubong ang kilay nya nang makita nya itong ngumiti habang napapatango pa.
"Sino kausap nun?" Usisa ni avril sa kanya habang napapatingin din sa gawi ni theo.
"Malay ko sa gago na yan. Tara na." Nagdadabog syang tumayo nang paparating na si theo sa pwesto nila.
"Bebu," tawag ni theo sa kanya pero hindi nya ito pinansin. Hinawakan naman sya sa braso ni theo at binigyan syang halik sa labi. Wala nga itong pakialam kung maraming nakakita sa kanila na mga customers.
"Talagang sa harapan ko pa naglandian." Napapakamot ulo na lang si avril habang nakatingin sa kapatid nya at kay theo.
"Kung iniisip mo na may babae ako, nagkakamali ka. Hindi kita ipagpapalit at lolokohin. Business lang yun, bebu." Marahan pa nitong pinisil ang kamay ni adrianna at ngumiti sya dito.
BINABASA MO ANG
Chasing You | ViceIon
FanfictionTheo wants Adrianna so much. He really wanted to court her, but she did not allowed him because she is committed to her ex boyfriend's promise and waiting for him to comeback. But when she finally allowed Theo to be with her, her ex boyfriend unexpe...