Chapter 14

101 5 6
                                    

THEO

"Bebu, please calm yourself." Kanina pa niya ako kinakausap dito sa kwarto. Matapos kong malaman na si jacob pala ang ex nya. Sya pala ang dahilan kung bakit nag hintay nang matagal si yanna ko.

"Natatakot lang ako. Baka mawala ka kasi sa akin. Nandyan na sya, Yanna. Maraming pumapasok sa isip ko na baka iwan mo ko, baka bumalik ang pagmamahal mo sa kaniya. Baka marealize mo na mahal mo pa pala siya. Na kaya minahal mo lang ako kasi ako yung nandito."  Gulong gulo na yung isip ko.

Parang guguho ang mundo ko kung maiisip ko na mawawala siya sa akin.

Hinawakan nya yung kamay ko at naramdaman ko na lumapat ang labi niya sa akin.

"Wag mo ko pangunahan. Hindi naman ako aalis, hindi naman kita iiwan. Masyado kitang mahal para saktan at iwan ko para sa kaniya. Kaya nga diba, hindi ko na siya hinintay pa na bumalik? Kasi ikaw na yung nandyan, ikaw na yung mahal ko. At pinatunayan mo sakin kung gaano mo ko kamahal. Kaya mo akong iharap sa mga friends mo, kaya mo akong iharap sa parents mo at sa iba pang tao. Mahal na mahal kita, Tey. " Sagot niya sa akin.

Hinila ko sya palapit sa akin at niyakap ko.

Hatinggabi na kami lumabas ng kwarto ko dahil nanuod pa kami ng movies. Sabi nga niya, baliw yata sya pagkalabas nya ng kwarto sa dami nang napanuod namin na comedy, drama and romance. Nag halo halo na raw ang emotions nya.

"Nagutom ako." Saad niya habang kumukuha ng cereals sa ref. Dinadalhan ko naman sya ng pagkain kanina sa room pero mukhang gutom talaga sya. Sya din naman may ayaw na lumabas ng kwarto para hindi niya rin makita ang mukha ni Jacob. Siguro para mapanatag na rin ako kaya ginawa nya yun.

"Titig na titig ka naman sakin. Ganda ko no?" Napangiti ako sa sinabi niya. Maganda naman talaga siya, iba lang ang confidence level ng girlfriend ko.

"Sobra! Sa sobrang ganda mo, pwede na kita pakasalan." Sabi ko sa kaniya. Tumabi naman sya sa akin after nya malagyan ng gatas yung bowl na puno ng cereals.

"Walang pag aalinlangan na yes ang isasagot ko sayo." Nag grin sya sa akin bago niya ako subuan ng cereals.

Hinayaan ko na muna syang kumain. Nag kukwentuhan kami at medyo napapalakas ang tawanan naming dalawa. Maya maya pa ay dumating si mommy.

"Anak!" Napalingon ako kay mommy na akala ko ako ang tinatawag. Pero si yanna pala. Nakayakap pa sya kay yanna ko.

"Ako anak mo dito, mommy!" Sabi ko sa kaniya habang naka kunot noo.

Tumingin sakin ni yanna at nag bleh pa. Aba!

"Ikaw ang ampon dito. Mas anak ako ni tita." Yanna. Iba din talaga mang pikon ito.

"May ginawa akong graham dyan nak, tska mayroong salad. Theo, ikuha mo nga itong anak ko." Saad nung MOMMY ko.

"Hindi na nga anak, naging utusan pa. Hindi ko nga rin alam na may graham dito tska salad, never mo ako inalok nito mommy." Sagot ko sa kaniya habang patungo sa ref. Rinig ko ang hagikgik nilang dalawa, lalo na si yanna.

Before, palaging nagtatanong sakin si mommy kung sino ang ipapakilala ko sa kaniya na magiging girlfriend ko. Kaya siguro ngayon ganyan sya kay Yanna. And she knew na transwoman si yanna, okay sa kaniya yon. Walang naging problema. Basta daw mahal ko, mahal rin niya. And I am glad na kasundo sya ni mommy.

Knowing my mom, mapili yan sa girls na igigirlfriend ko. Kapag may ka fling ako dati, tinatanong niya ako kung sure na ba ako sa girl na yon. And remember, muntik na sya maging lola dahil pinaako sakin yung baby na hindi ko naman anak. Muntik pa ko magkaroon ng responsibilidad.

Nilapag ko yung graham at salad sa tapat ni yanna.

"Hindi pa makakatulog si yangyang dahil sa ginagawa mo mommy e. Puro sweets ipapakain mo." Saad ko sa kanila at umupo sa tabi.

"Nako, keri lang tita. Hayaan mo si theo."  Yanna.

Kung ano ano ang pinag uusapan nilang dalawa na talaga namang hindi ako makarelate, puro about make ups, hairstyles, tska mga perfumes. So paano ako makakasingit niyan sa usapan? Hanggang sa napalingon ako sa may bandang living area. And I saw jacob, staring at us... no, kay  yanna sya nakatingin.

Nag iinit yung ulo ko kapag naalala ko ang ginawa nya kay yanna dati. And now gusto niya bawiin si yanna? At sakto nga naman no, half brother ko pa.

I am territorial. And he can't have her. Ano sya sinuswerte??

Nilingon ko ulit si mommy at yanna, nag uusap pa rin silang dalawa.

"Aww tita, hindi ko po agad pwede iwan yung resto ko. Pero pwede naman ako sumama sa inyo po eh." Yanna. Napakunot noo naman ako. Hindi ko lang sila agad napakinggan na nag uusap tapos may planong hindi na ako kasama?

"Saan ang punta?" Tanong ko sa kanila.

"Hindi ka kasama doon. Anak ka ba?" Yanna.

Napa crossed arms na lang ako at ang lakas ng tawa nya.

" joke lang bebu, nag aaya si tita na mag out of town tayo. Then kasama rin yung family ko."

"Nice naman pala! Parang namamanhikan na yun ha. Diretso kasal na yata talaga to eh!" Saad ko pa at pumalakpak. Tumingin sakin si mommy na nakangisi.

"Oo nga adrianna, magpakasal na kayo ni theo."

"Muntik na ko masamid. Nambibigla kayo tita. Magpapakasal kami ni theo pero not now po. I promise tita, magpapakasal kami... bibigyan ka namin ng apo." Sabi ni yanna. At ang loko, akala mo tropa lang na nakipag apir sya sa akin.

"Wow, apir yon kapag tapos mo sabihin na ikakasal tayo? Salamat sa apir tol."

"Walang ano man yun tol, tropa chill chill lang." Yanna.

Pati si mommy natawa sa kalokohan naming dalawa.

"May pa event po si Ellie sa isang araw. Launching ng new scents ng perfume nya, na sya mismo nag formulate. Punta ka din doon tita. Isasama ko si Theo e. Maraming give aways din doon tska merch."

Habang nag uusap kami, dumating naman sa kusina si jacob kaya natahimik kaming tatlo. Sinusundan ko siya ng tingin hanggang kumuha sya ng maiinom nya sa ref.

"May perfume ba doon pang men?" Tanong ni mommy.

"Meron po, tita. Pwede kay tito, kay kuya tristan tska kay theo." Sagot ni yanna habang kumakain ng salad.

"So pwede rin pang sakin?" Biglang singit ni jacob sa usapan namin. Tumingin sa kaniya si yanna.

"Meron. Pero mas okay kung huwag ka na mag punta doon. Marami ang magiging sales doon kahit di ka bumili ng perfume." Yanna. Isang ngisi lang ang binigay ni jacob sa kaniya.

"Okay, georgia.." Jacob. Paalis na siya pero hinarang ko yung paa ko kaya muntik na siyang matumba.

"I'm warning you, Clyde Jacob. Not my Adrianna."

Pagka alis ni Jacob, nakatingin sa akin si mommy.

"Ang init ng ulo mo kay Jacob. Kuya mo pa rin siya." Mommy.

"He's yanna's ex." Saad ko. Napatingin sa akin si yanna, habang nagpapalipat lipat tingin si mommy sa aming dalawa ni yanna.

"He's my ex po tita. Matagal ko siyang naging boyfriend. Pero hindi niya nagawa yung ginagawa ni theo for me. Then sabi niya hintayin ko siya, at babalik siyang handa na sya, kaya na niya ako iharap sa maraming tao. Napagod na ako, tita. Besides, I have theo na."

"Hindi ko naman po alam na half brother sya ni theo. Kaya pala si tito nung first time ko rito sa bahay nyo, parang familiar sya. Sa picture ko lang nakita noon si tito e noong nakapunta ako sa bahay nina clyde. Tapos kahapon nagulat na lamang ako na dito na pala nakatira si clyde."

Hinawakan ni mommy yung kamay ni yanna.

"Mahal mo pa ba si jacob?" Tanong ni mommy sa kaniya. Tumingin si yanna sa kaniya at ngumiti siya sabay umiling.

"Tita, my heart belongs to theo. Nakaharap man o hindi si theo, siya pa rin isasagot ko. Wala na akong pagmamahal kay clyde. Binitiwan ko na pati mga pangako niya bago ko pa payagan si theo na ligawan ako." Yanna. Ramdam ko na seryoso at totoo ang sinasabi niya kay mommy.

"Katulad ng sinabi ko kay theo, mahal na mahal ko po siya. Hindi ko po soya kayang iwan." After yanna said that, mommy hugs her.

Chasing You | ViceIonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon