GENERAL
Magkasama ngayon sina Theo at Adrianna sa Tagaytay, binisita kasi nila ang tinatayong bagong branch ng coffee shop ni Theo. Tuwang tuwa si Adrianna para sa boyfriend nya dahil lumalago na ang business nito. Kahit na nagmula ito sa pamilyang mayaman, ay natuto pa rin nito na magbusiness at hindi lamang umaasa sa pamana ng kaniyang mga magulang.
"Ikaw bebu, magpapatayo ka ba ulit ng bagong branch ng restaurant mo?" Tanong sa kanya ni Theo habang tinatakpan nito ang tumbler na ininuman niya.
"Hindi pa sa ngayon kase diba last time binisita natin yung katatayo lamang na branch ng restaurant ko? Naghahanap pa lang ako ulit ngayon ng lugar kung saan pwede magtayo. Pero I guess sa susunod na lang ulit." Sagot niya rito at lumapit kay Theo. Pinunasan nya rin ang namumuong pawis sa noo nito.
Maayos naman ang lawak ng paligid ng bagong branch nito. At maging ang mismong coffee shop ay malawak rin. Binisita na nga nila ang loob nito at nilalagyan na ng skimcoat. Yun yung nilalagay muna upang kuminis ang pader bago ang pintura. Napansin rin naman ni adrianna ang isang kwarto sa coffee shop na yun.
Sinagot na lamang sya ni Theo na if ever na mapunta sila sa tagaytay ulit at gabihin, may coffee shop silang matutulugan. 24 hours na kasing bukas ang coffee shop niya. Binago niya na rin ang schedule nito.
"So proud of you, Tey." Saad niya rito at inabot niya ang kamay nito.
Tinignan naman sya ni Theo at simpleng ngumiti, "thank you bebu. At kailangan ko na rin na gawin to para may mas dumagdag na pera sa akin. And I know in the future, magagamit ko rin to para sa atin. Ikakasal pa tayo e." Saad nya at bahagyang tumawa. Hinampas naman sya ni adrianna nang mahina.
"Kainis ka!" Namumula niyang sabi rito. Matagal naman sila, pero ang pagmamahal nila sa isa't isa ay walang nagbago, mas naging malalim pa nga yata ang pagmamahal nila sa isa't isa.
"Oh bakit? Sa akin ka naman talaga ikakasal. May iba ka pa bang gusto pakasalan?" Nakasimangot na ssbi nito sa kanya at humalukipkip.
Pigil ang tawa nyang nakatitig sa nagmomotsong na boyfriend nya.
"Adrianna.." saad ni Theo kaya di na nya mapigilan ang sarili na tumawang malakas dahil napipikon ito. Binanggit na nito ang buo niyang pangalan e.
"I'm just kidding you, bebu. Ang gwapo gwapo mo mainis!" Pinang gigila nya ang pisngi nito at hinalikan sa labi nang mabilis.
Lumambot naman ang tingin nito sa kanya at agad syang inakbayan at parang nakayakap na rin. Sya naman ngayon ang pinaulanan nito ng halik sa noo at sa buhok.
"Lapit na ang birthday ng panganay ko!" Sabi ni mommy Victoria habang kumakain sila. Inimbita nilang mag lunch si Theo sa kanila dahil gusto lang nila itong makasabay sa pagkain. Kasundo talaga ni Theo ang pamilya ni Adrianna at ganoon din naman ito sa pamilya niya.
"Oo nga po tita. Saan po ba ang birthday celebration ni yangyang?" Tanong ni theo kaya naman sinamaan sya ng tingin ng girlfriend nya. Natatawa na lang ang mga magulang nito dahil ang kulit nilang dalawa. Hindi naman yun ang unang beses na narinig nila na tinawag ni theo ang anak nila ng yangyang.
"Hay nako, ayan si ate parang walang balak mag celebrate ng birthday nya."Sabi ni Ellie habang nilalantakan ang mangga na medyo maasim pa.
"Wala akong maisip kung saan ako mag cecelebrate. Napaka busy ko nitong mga nakaraan sa restaurant ko e." Sagot nya at kumain na ulit.
Tumingin naman si Theo sa kanya, "wala kang plano mag celebrate ng birthday mo?"
"I think wala. Tayo tayo na lang nina mommy, tska yung family mo. Simple celebration na lang, bebu." Sagot niya rito wt ngumiti siya.
BINABASA MO ANG
Chasing You | ViceIon
FanfictionTheo wants Adrianna so much. He really wanted to court her, but she did not allowed him because she is committed to her ex boyfriend's promise and waiting for him to comeback. But when she finally allowed Theo to be with her, her ex boyfriend unexpe...