GENERAL
"Bebu!" Pag tawag ni Theo habang nasa labas ito ng kwarto ni Adrianna. Kanina pa siya rito pero hindi siya nito nilalabas. Hindi na niya alam kung ano pang pag susuyo ang gagawin niya rito.
"Please, leave Tey. Ayokong makita muna yang pagmumukha mo!" Sigaw nito mula sa loob ng kwarto.
Maya maya pa ay lumapit si Philip, ang daddy ni Adrianna. Inakbayan niya si Theo at inaya papunta sa salas ng kanilang bahay. Nagpatianod lang naman sya rito.
"Ano bang nangyari?" Tanong nito sa kaniya. Ginulo gulo niya ang kaniyang buhok bago tumingin sa ama ni Adrianna. Namumula rin ang kaniyang mga mata.
"We went to a bar, tito. Gusto lang naming dalawa na mag bar at magkwentuhan ni yanna doon. Syempre nag iinom rin kaming dalawa, pero noong pumunta sya sa comfort room may lumapit sa akin na babae. Tinanong niya ako kung may kasama ba ako, kung taken ba ako. I swear, iniwasan ko pero sya ang dikit nang dikit sa akin at hinalikan ako. Itutulak ko pa lang yung babae pero agad syang dumating." Paliwanag niya sa ama nito. Umupo rin sya sa sofa habang nanatili ang kaniyang tingin kay Philip.
"Alam ko naman na magagalit at magseselos sya, pero nagpapaliwanag naman ako. Ayaw nya lang makinig sa akin, tito. Hindi naman ako magsisinungaling sa kaniya e. Hindi ko alam ang gagawin kong pag suyo, bago lang po ito sa akin. Di ko naman ito ginagawa dati. But yanna is different, kaya ayaw ko syang iwan na hindi kami nagkaka ayos." Paliwanag nya at ginulo ulit ang kaniyang buhok.
"Mahirap makipag talo sa nakainom, Theo. Sarado pa ang isip ni Adrianna, pareho rin kayong nakainom. Dito ka na matulog, masyadong gabi na at nakainom ka pa, bukas na kayo mag usap." Saad ni Philip sa kaniya at inaya sya sa isang guest room.
"Salamat po, tito." Pagpapasalamat niya rito at nahiga sya sa kama. Narinig niya ang pag sara ng pinto.
Kinuha nya ang kaniyang phone at minessage nya na si Adrianna.
To: Yanna
Bebu, usap tayong maayos bukas ha. Nandito na ako pinatulog ni tito Philip sa isang guest room. I love you so much bebu ko.Matapos niya isend yon ay umayos na siya ng higa at natulog na siya.
Sa kabilang kwarto naman, gising pa si Adrianna at nakakunot ang noo. Iniisip niya pa rin ang mukha ng babae na humalik kay Theo. Nagseselos siya. May karapatan naman siyang magselos dahil siya ang nililigawan.
Kung humahanap lang siya ng gulo baka hinablot na niya ang buhok nun at inaway na niya.
Tumunog naman ang phone niya at nakita niya ang notification. Message iyon ni Theo sa kaniya.
"Pinatulog siya ni daddy dito?" Tanong niya sa sarili niya. Binaba niya ang phone nya at napabuntong hininga.
Ayaw man nya mag react at masigawan si Theo pero nangyari na. Hindi niya rin kasi mapigilan yun dahil nga naiinis siya. Hindi rin sya handang makinig sa mga paliwanag nito kanina. Pero ngayong nahimasmasan sya parang gusto na lang niya sampalin ang sarili niya.
Bumangon siya at lumabas ng kwarto. Chineck niya ang isa pang guest room pero wala ito roon. Kaya naman tinungo pa niya ang isa pa. Marahan niya iyon na binuksan at nakita niya ang natutulog na si Theo. Nakatagilid ito habang nakakunot ang noo. Halata rito na problemado.
Nasabi naman nito sa kaniya na babago lang nito nararanasan ang ginagawa sa kaniya. At di man niya aminin, napasaya sya noong sabihin nito iyon. Mainipin si Theo, pero lahat ginagawa para sa kaniya.
Marahan syang umupo sa tabi nito at hinaplos ang buhok. Nagmulat tuloy ito nang bahagya at tinignan sya.
"Bebu?" Tanong nito na parang sinisigurado na sya ang kaharap.
"Shh, sleep ka na." Sabi niya at muling hinaplos ang buhok nito.
"But you're here. Ayaw kitang tulugan." Theo. Tumihaya ito at tinignan sya. Hinawakan sya nito sa kamay at hinalikan yon.
"Gusto mo na ba marinig ang paliwanag ko?" Tanong pa ni Theo sa kaniya.
Umiling siya rito kaya napabagsak ang balikat ni Theo. Napangiti naman sya dahil doon. Cute talaga rin nito mainis. Nilapitan nya ito at niyakap.
"Bebu, sorry na nga. Hindi naman ako ang humalik doon sa babae, ilang beses ako umiwas pero sya itong lumapit sa akin. Itutulak ko pa lang sya bebu pero dumating ka na agad" Theo.
"Ah so wala kang balak sabihin pa rin sakin kung hindi ko naabutan?" Adrianna.
Napakamot naman ng ulo si Theo, "sasabihin ko pa rin. Ipapaliwanag kong maayos sayo, ayokong mag sinungaling sayo e."
"I'm so sorry, Tey. Nasigawan kita kanina. Hindi ko maiwasan na hindi magselos. Kahit anong paliwanag ang gawin mo kung nauna ang selos hindi ko pa rin yan maiintindihan. Kaya pasensya na kanina." Tumingin siya rito at bahagya syang ngumiti.
Hinalikan siya ni Theo sa noo at mas niyakap pa siyang mahigpit.
"I want to kiss you now. Sagutin mo na kaya ako para mahalikan na kita sa labi." Theo. Natawa naman siya dito. Napahampas rin siya sa braso nito bago sya pumwesto sa tabi nito at sumiksik.
"Dito ka matutulog?" Theo.
"Oo, ayaw mo ba?" Tanong niya rito at tinignan nya sa mata.
"Syempre gusto ko." Mas niyakap sya nito at dinantayan sya.
"I love you, bebu." Dagdag pa ni Theo at hinalikan sya ulit sa noo.
"Luh, magkasabay lumabas ng kwarto." Ellie. Nakaka asar ang ngiti nito na nakatingin sa ate nya. Nasa hapag kainan na ang lahat at tanging sila na lang ni Theo ang hinihintay.
"Natulog lang ba?" Pang aasar rin ni Avril. Kaya naman mahina nyang binatukan ang mga ito.
"Hay nako, nag aasaran na naman kayong magkakapatid. Baka magkapikunan kayo niyan." Saad namam ng mommy victoria nila.
Napangiti naman si Theo habang nakatitig lang sa pamilya ng nililigawan nya.
"Ang ganda po ng samahan ng pamilya nyo no?" Sabi ni theo at pinagmamasdan sila.
Napatingin naman sa kaniya ang mga magulang ni Adrianna. Nakangiti ang mga ito at tumango.
"Oo naman, lalo yang magkakapatid na yan. Sila sila lang rin naman ang magdadamayan kapag may problema ang isa sa kanila." Sagot ni mommy victoria.
"Kuya, hindi ba maayos ang samahan nyo ng pamilya nyo?" Curious na tanong ni Ellie sa kaniya.
Pinag hain naman sya ng food ni Adrianna at nakatahimik lang ito.
"Maayos rin, natutuwa lang ako sa inyo. Masaya kayo panoorin kasi magkakasundo kayo." Nakangiting sabi ni Theo. Bumaling ito kay daddy Philip at ngumiti sya.
"Tito, thank you po sa kagabi, okay na po kami ni yangyang." Sabi niya at tumingin siya kay adrianna.
Kumunot noo naman si Adrianna at tumingin sa kaniya, "anong pinag usapan nyo? Bakit hindi nyo ako sinali sa usapan na yan?"
Umiling na lang si daddy Philip kay adrianna habang natatawa. Napa irap naman ito sa kanila.
"Wala yon, Theo. Mas okay na nagkaayos na kayo kagabi pa." Saad nito.
"Ay parang di anak si ate adrianna, mas mahal na ni daddy si kuya theo." Mapang asar na sabi ni Ellie habang nakakamay na kumain.
A/N:
Hi everyone! Please do vote and leave comments. Salamat! Sana rin bet nyo huhuh
BINABASA MO ANG
Chasing You | ViceIon
FanfictionTheo wants Adrianna so much. He really wanted to court her, but she did not allowed him because she is committed to her ex boyfriend's promise and waiting for him to comeback. But when she finally allowed Theo to be with her, her ex boyfriend unexpe...