GENERAL
Nasa mall ngayon ang mag anak at bumibili ng mga gamit nila sa bahay. Napilitan pa nga si Adrianna na sumama dahil balak niya talaga ay puntahan at bisitahin ang kaniyang restuarant . Five years na siyang may restaurant at dahil sa mga ito nakaka ipon na siya ng pera. May mga ilang properties na rin siya naipagawa at naipatayo. Meron na rin siyang ten branches sa Pinas ngayon.
Hindi niya kasi gusto ang pagiging architecture katulad ng daddy niya. Mas naenganyo siya sa pagluluto.
Habang naglalakad sya at tumitingin ng sofa na babagay sa kanilang bahay ay may nag notif naman sa phone nya. Tinignan nya yun at unregistered number ito.
Hi, Adrianna. Its me, Theo. Are you busy today? If not, let's catch up.
Yan ang nasa message sa kaniya. Napakunot noo naman sya dahil hindi naman niya binigay ang number niya rito. Nilapitan naman niya ang mga kapatid niyang kumukuha ng mga appliances pang kusina.
"Avril," pag tawag niya sa kapatid na ngayon ay may hawak na oven. Tumitingin rin ito ng mga kagamitan.
"Bakit ate?"
"Binigay mo ba number ko kay Theo?"
Kunot noo naman itong umiling, "hindi. Hindi ko nga nakita yun ulit. Ikaw ha, bakit? Hinihintay mo ba mag text?" Pang aasar pa nito sa kaniya at bahagya syang kiniliti.
"Gaga. Nag message na nga."
"Ayyy nag message na si kuya Theo? Anong sabi? Date nyo na ba?" Biglang tanong ni Ellie habang hawak ang isang frying pan at isang spatula.
Nagkatinginan naman ang dalawa na sina Adrianna at Avril.
"Gusto mo ba ihampas ko sayo yang spatula na hawak mo?" Adrianna.
Napa kagat labi naman sya at ngumisi sa kapatid niya. Marahan pa itong umurong palayo sa kaniya habang makatitig. At kumaripas ito ng takbo.
Confirmed, ang bunso niyang kapatid ang nagbigay ng number niya kay Theo.
"Theo naman e, you don't need to do this. Okay naman na kaya ako ngayon." Sabi ni Adrianna habang hawak sya ni Theo sa braso at papasok sila sa isang restaurant.
"Nakakahiya naman kasi yung nagawa ko, kaharap pa mga magulang mo. Si Andrew kasi parang siraulo e. Kaya eto, itetreat lang naman kita ng food."
Pumasok na sila sa restaurant at umupo na agad si Adrianna.
Hindi sana siya sasama rito ngunit sinundan pa siya sa mall ni Theo. Tska hindi naman talaga dapat sila lalabas at kakain sa isang restaurant dahil yun ang sinabi niya sa ama nito na si Philip. Pero dahil nasa labas naman ang buong pamilya ni Adrianna, naisip niya na baka pumayag naman na ang ama nito.
"Okay lang naman sakin, hindi mo naman sinasadya. Pero sige, salamat na rin dito sa libre at least dagdag sa kita ng restaurant ko." Adrianna. Napatitig naman sa kaniya si Theo na parang nagsasabi kung seryoso ba siya.
She chuckles, "I'm serious, Theo. This resto is mine. At may iba pa akong branches here in the Philippines."
"Wow. Just wow. I didn't know na ikaw ang owner nito. Honestly, this is one of my favorite restau here." Theo.
"Mabuti naman kung ganoon. Ibig sabihin, masarap ang mga food na sineserve rito. "Adrianna.
Nag order na rin sila ng food at kumain na. They enjoyed each others company, hindi na nga nila namalayan ang oras at napatagal ang pag tambay nila sa restaurant ni Adrianna.
"Mukhang lagot ako sa daddy mo, napatagal tayo rito." Sabi ni Theo habang kinukuha niya ang dessert na salad.
"Hindi naman yun. Tska balak ko rin bisitahin itong branch na ito kaya lang pinilit akong isama sa mall dahil bibili nga ng gamit sa bahay namin. Actually, nakatulong naman ito dahil nakatakas ako at nakabisita ako dito ngayon" natatawa niyang sagot sa kausap.
Titig na titig naman sa kaniya si Theo habang kumakain. Tahimik lang kasi si Adrianna at nakatuon ang attention sa food.
"You really love to eat no?" Tanong ni Theo sa kaniya at napatango siya bago ngumiti.
"Napapa kunot yang noo mo sa tuwing kakain ka, nasasarapan ka sa food no?"
"Huh? How did you know na nasasarapan ako sa kinakain ko?"
"Kanina pa kita naoobserbahan kumain. Hindi ka nag sasalita, hindi mo ko pinapansin agad. At nakakunot ang noo mo kapag kakain ka."
Napailing sya at natawa, "Sorry, sobrang sarap kasi ng food dito. Kung ako ay napapakunot ang noo kapag nasasarapan sa food, yung kapatid ko na si Ellie yung nagbigay sayo ng number ko, e napapasayaw naman yun kapag masarap ang food." Pag she-share niya rito.
Naging komportable na rin naman siyang kausap ito. Marami na rin siyang nalaman tungkol rito.
"Gusto mo pumunta sa kitchen?" Tanong ni Adrianna sa kaniya pagkatapos nito kumain.
"Huh?"
"Tara" pag aaya nito sa kaniya. Tumayo na ito at hinintay sya. Nang makita niya itong makatayo ay nauna na siyang maglakad papunta sa kitchen.
"Okay, Yanna."
Nilingon niya si Theo habang nakakunot noo.
"Yanna?"
"Oo ikaw. Ang haba kasi ng Adrianna mo kaya pinaikli ko. If it is okay with you?"
She sighed, pero ngumiti sya at tumango. "Okay, call me yanna."
Tumalikod na siya at bahagya siyang napangiti dahil sa nickname na binigay sa kaniya ni Theo.
Wala naman tumawag sa kaniya ng ganoon, hindi siya ginawaan ng nickname ng ibang tao na nakasama niya.
Just him and she likes it.
Nakarating na sila sa kitchen at kinausap naman ni Adrianna ang kanilang head chef, kinumusta niya ito pati na rin ang ibang nasa kitchen.
She also helped them to prepare some food at nasaksihan yun lahat ni Theo. Inaya pa nga siya nito na mag join kaya naman sumali siya. After that, Adrianna insisted na ipagluto ng food si Theo.
"Wow. Thank you for today, Yanna. I enjoyed this day with you." Sabi ni Theo habang nakangiti sa kanya, inalis nito ang suot na shades at nakatitig pala ito sa kaniya.
"Thank you rin sa pagsama sakin mag hapon." Simpleng sabi nito at inalis na ang seatbelt niya.
"Tikman mo yang food na ginawa ko for you, pa thank you sa pagsama sakin."
"Syempre, you prepared this eh. " Theo.
"Sige na, papasok na ako sa bahay. Drive safe, Tey. " Adrianna.
Kunot noo siyang tinignan ni Theo at ngumisi, "ikaw, may tawag ka na rin sakin ha,"
"Syempre, hindi ako magpapatalo sayo no! Hahaha alis na! Mag ingat ka!" Natatawang sabi ni Adrianna sa kanya at lumabas na siya ng sasakyan.
Hinintay na nya muna maka alis si Theo bago sya pumasok sa kanilang bahay. Pag bungad niya, nandoon ang mga kapatid niya.
May hawak ang mga ito na party popper.
"Ay ayaw pumutok!" Pilit naman na pinipihit ito ni Avril pero ayaw talaga mag pop ng party popper na hawak niya.
"Sige wag na, hayaan mo na ate Avril, pero congratulations ate Adrianna! May jowa ka na!" Naka spread ang kamay na sabi ni Ellie at akmang yayakapin si Adrianna pero marahan siya nitong hinablot ang kaniyamg buhok.
"Gaga! Anong jowa ka dyan, ikaw nakakadalawa ka na ha. Todo push ka sakin kay Theo." Adrianna.
"Naku ate, kunwari lang na ayaw mo pero gugustuhin mo rin yaaaan." Ellie.
" Yiieeee. Dalaga na talaga si Adrian George! Babaeng babae ka tol ha!" Dagdag pa nito at kunwaring sigaw na parang lalaki.
"Napaka mo! Siraulo ka talaga!" Sabi ni Adrianna at pasakal na niyakap ang kapatid.
A/:
Do comment and vote! Thank you! I need feedbacks!
BINABASA MO ANG
Chasing You | ViceIon
FanficTheo wants Adrianna so much. He really wanted to court her, but she did not allowed him because she is committed to her ex boyfriend's promise and waiting for him to comeback. But when she finally allowed Theo to be with her, her ex boyfriend unexpe...