Chapter 21

56 3 1
                                    

GENERAL

Magkakausap ngayon ang pamilya ni Theo habang naglalaro sila ng billiards ng kuya niya na si Tristan. Pimapanuod naman sila ng kanilang mga magulang.

At ang tanging topic nila ay ang relasyon ni theo at ni adrianna. Kanina pa sya inaasar ng mga magulang nya kung kailan nya ito papakasalan.

"So anong plano?" tanong ng kaniyang mommy na si mommy ofelia. Ngumiti naman sya dito bago ang turn nya na tumira sa billiard.

"Mahal na mahal nyo si adrianna no?" saad niya at tumingin sa mga magulang nya.

"Oo naman anak, kung sino ang mahal mo ay mahal rin namin." Sabi naman ni daddy theodore sa kanya.

He's lucky to have them as their parents. Napaka swerte niya at ng kuya nya dahil mapagmahal ang mga ito sa kanila, kahit na minsan na ring nagloko ang ama nila. Still, ama pa rin nila ito.

"I don't think kung ready na ba mag settle si adrianna, but I am planning to marry my girl. Ayoko na sya mawala pa sa akin. You guys know that she's my everything. At kung gagawin ko man yon, I will ask her parents first pati na rin ang mga kapatid nya." Paliwanag niya sa mga ito habang patuloy pa rin sila sa paglalaro.

"Just tell me if you need to buy a ring for her because I will recommend someone for you na sobrang gaganda at mamahalin ng mga ring na binebenta nya. And I know that it will be perfect for your girlfriend's finger." Saad naman ni kuya tristan sa kanya at nakipag fist bump sya dito.

Napaka supportive na kuya nito para sa kanya. Bilang lang sa daliri ang mga oras na sila ay nagkakatampuhan o nag aaway. Mag aaway na lang, sa maliliit na bagay pa. Kumbaga, away na magkapatid lang talaga.

"Wow. Thanks kuya. Hayaan mo, sa susunod makakabawi rin ako sayo. Ako naman mag rereto ng girl for you." Natatawa nyang sabi kaya naman binatukan sya nito ngunit hindi naman ganoon kalakasan.

"Baka bukas, puntahan ko sina tita victoria sa bahay nila para hingin ang permission nila." Pagbabalik niya sa topic tungkol sa pag papakasal.

"Anak, baka naman itatanong mo lang yan dahil napagusapan natin ngayon yan ha?" Sabi ng kaniyang daddy theodore.

Tumingin sya sa kanyang ama at bahagyang umiling, "no dad. Actually, I am planning na rin talaga. Pero hindi lang ako makahanap ng tyempo na tanungin sya. Everytime I'm staring my girl, sigurado ako na sya na yung papakasalan ko."




Kinabukasan, pumunta sya sa bahay nina adrianna at may dala syang ilang baso ng coffee galing ss kanyang coffee shop at mga bread din. Sakto naman na nandoon ang mga magulang ni adrianna. Mukhang wala itong mga work sa oras na yon. Habang sina adrianna naman at ang mga kapatid nito ay wala dahil busy sa business.

"Maaga ka yatang napunta dito?" yan ang tanong ni mommy victoria pagkadating ni theo sa bahay nina adrianna. Nagmano naman sya dito at maging kay daddy philip.

"Naku, wala pa sina adrianna. Ka-aalis lamang nilang magkakapatid." Sabi naman sa kanya ni daddy philip. "Tara maupo ka. May dala ka pa palang kape."

Nagpunta naman sila sa dining habang inaasikaso ni mommy victoria ang dinalang kape ni theo.

"Ahm, hindi lang naman po si adrianna ang pinunta ko rin dito. Kayo po talaga." Sabi niya sa mga ito habang nakatitig sya. Ramdam nya ang kaba sa kanyang dibdib. Mabilis ang tibok ng kaniyang puso.

"Tito, tita, I am planning to marry my girl adrianna." Straight to the point nyang sabi sa mga ito. Nagkatinginan naman ang mag asawa dahil sa sinabi ni theo.

"Sigurado ka na ba dyan sa desisyon mo?" Daddy philip. Tumango naman sya bago sya sumimsim ng kape na hawak niya.

"Alam mo naman na transwoman ang anak ko diba? Tanggap mo ba ang buong pagkatao ng anak ko at kung sino sya talaga?" Muling tanong na naman nito sa kanya.

Chasing You | ViceIonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon