ADRIANNA
Inalis ko na ang apron ko at pumunta ako sa mini room ko dito sa restaurant para in case na gusto ko mag rest saglit. Tska out na rin naman. Nakakapagod ang araw na ito dahil mas maraming customers. So, kahit na nasa kitchen ako at nagluluto nag ttry rin ako na paminsan minsan mag serve katulad ng ginagawa ng mga waitress at waiters ko.
Kinuha ko ang phone ko pero wala pa rin message si Theo. Busy siguro to sa coffee shop niya. Inayos ko na ang mga gamit ko bago ko nag palit ng damit.
Kinuha ko ulit ang phone ko at tinawagan ko si Theo pero hindi niya sinasagot. Ilang beses nag riring pero hindi talaga.
To: My Theo
Are you busy, bebu?
-10:00 pmTo: My Theo
Nasa coffee shop ka pa ba? Want me to go there?
-10:20 pmTo: My Theo
Pauwi na ako. Are you going to fetch me?
-10:36Napa sigh na lang ako. 30 minutes na akong nag hihintay pero wala pa rin syang message. Sya nag hatid sa akin kanina dito sa work e. Tinawagan ko na lamang ang kapatid ko na si Ellie para sunduin ako.
"Bakit ka naka busangot?" Tanong sa akin ni Ellie.
"Hindi sumasagot si Theo sa mga messages ko, wala pa rin syang update. "
"Hay nako ate, busy lang jowa mo. Tara magkape muna tayo. Napagod ako sa trabaho ko ngayong araw. Pero happy naman, kasi marami ulit order ng perfume!" Ellie. Nakangiti pa sya at napapa sayaw na parang kiti- kiti habang naka upo sa driver's seat.
Inaya ko sya sa coffee shop ni Theo. Pero malapit na rin sila mag close. Buti umabot pa. 11:45 pm na. And tuwing 12 midnight nag sasara na sila.
"Good evening ma'am, what's your order po?" Tanong sa akin nung nasa counter.
"Si Theo order ni Adrianna." Napatingin ako sa boses na yon at si kuya Tristan naman pala. Tumawa ako sa sinabi niya bago ako lumapit at nakipag beso.
"Kuya!" Bahagya ko pa syang hinampas dahil sa sinabi niyang yun. He chuckled. Nakipag beso rin sa kanya si Ellie at pinagkaisahan nila akong asarin.
"Order what you want, guys. Anything. Libre ko na yun sa inyo. Tska kay Theo naman ito and hindi yun magpapabayad pag dating sayo, Adrianna"kuya Tristan.
Hinayaan ko na mag order si Ellie ng kape naming dalawa habang ako umupo sa malapit sa window. Nakasunod rin pala si kuya sa akin.
"You're looking for Theo also?"
Tumango ako. Totoo naman yun kaya dito ko inaya si Ellie na magkape kahit na marami kaming nadaanan na coffee shop.
"Nag away sila ni daddy kaya wala sya sa bahay namin ngayon. Pumunta sya sa condo niya. Ayaw nya lang ipasabi sayo kasi mamomroblema ka na naman daw sa kanya."
"Uh kuya yang kapatid mo talaga. Sinabi ko na sa kanya na anything pwede nya sabihin sa akin ang problema nya. Anong pinag awayan?"
Dumating na rin si Ellie na dala ang kape kaya pinatabi ko sya sa akin habang nasa harapan namin si kuya Tristan.
"Ayaw ka niyang maistorbo dahil nasa trabaho ka. In a week kasi, mag momove na sa bahay ang half brother namin. While yung mother nya pinapagamot ni daddy."
Naalala ko yung gabi na umiyak sa akin si Theo.
"Intindihin nyo na lang din siya kuya. Ayaw niyang nasasaktan si tita Ofelia. And after ng ilang taon, ngayon nya lang makakasama ang half brother nya at hindi yun madaling tanggapin. Naiintidihan ko rin kung bakit ganoon ang inaasta ni Theo." Saad ko bago ko sumimsim ng aking kape.
BINABASA MO ANG
Chasing You | ViceIon
FanfictionTheo wants Adrianna so much. He really wanted to court her, but she did not allowed him because she is committed to her ex boyfriend's promise and waiting for him to comeback. But when she finally allowed Theo to be with her, her ex boyfriend unexpe...