ADRIANNA
Ala una na ng madaling araw pero gising na gising pa rin ang diwa ko. Iniisip ko yung sinabi sakin ni Theo noong magkasama kami sa bay. Hindi naman sya galit sakin dahil sa pag amin ko sa kaniya. Pero paano kung bumalik si Clyde.
Si Clyde, ang jowa ko.
Naiintindihan ko si Theo. Wala naman na kasiguraduhan ang pagbabalik ni clyde o babalik pa nga ba siya sa akin.
Sa ngayon, gulong gulo ang isip ko.
Bumangon ako at pumunta sa dining, pero halos atakihin ako sa puso dahil sa babaeng nakaputi at gulo gulo ang buhok. Hindi man lang nag bukas ng ilaw.
"Bwisit ka, Avril!" Saad ko at hinagisan ko siya ng tissue na nasa table. Siya siguro gumamit nito kanina.
"Bakit ba hindi ka nagbubukas ilaw? Aatakihin ako sayo, gaga ka." Tatawa tawa pa siya sa akin kaya sinamaan ko ng tingin. Nakita ko na kumakain siya ng cereals at sandwich. Binuksan ko na rin ang ilaw para naman makita kong maayos ang kukuhanin ko.
"E saglit lang naman kasi ako rito tska maliwanag naman ng konti." Avril. Hinawi lang niya ang buhok niya at muling kumain. May ilaw kasi sa may hallway from living area kaya medyo maliwanag dito sa dining.
"Bakit gising ka pa ate?" Tanong niya at umupong pasalampak. Maya maya pa ay tinaas nya ang kaniyang paa sa upuan.
"Hindi lang makatulog. Naiisip ko lang yung sinabi ni theo sakin." Sabi ko. Nag gagawa na rin ako mg pagkain ko ngayon. Kailangan ko yata mabusog para makatulog agad.
"Ano bang napag usapan nyo?"
"Hinihintay nya raw ako." Sagot ko bago umupo sa tapat niya.
"Huh? Bakit saan kayo pupunta?"Avril.
Ay shunga.
"Hinihintay nya ako na makawala sa pangako ni clyde para maligawan nya ako." Pagpapatuloy ko. Tumingin naman sya sakin na naghihintay kung ano ang kasunod ng mga sasabihin ko.
"Kaya lang sabi ko may hinihintay rin ako. Yung pagbabalik ni Clyde. Sa tingin mo ba babalik pa kaya sya?" Pagtatanong ko sa kapatid ko. Binaba nya ang hawak niyang bowl at tumingin sa akin.
"Matagal ka na naghihintay sa kaniya, hanggang ngayon wala pa rin. At kung bumalik man yun baka may iba na rin sya. E hanggang ngayon nga di ka nakakausap e. Ate, ayan na si kuya Theo para sayo. Wag ka magbulag bulagan. Wag mo na hanapin ang wala."
"Paano nga kung bumalik sya?"
"Edi bumalik sya. Ipaliwanag mo kung bakit ka nakahanap ng iba. Tama na yung pagtitiis mong naghihintay sa kaniya. Baka kung kailan nandito sya, dun ka naman ngumanga kasi mayroon na ngang iba. E kay kuya Theo, sure na sure na ikaw lang ang gusto niya." Avril. Para siyang nag rarap habang sinasabi niya iyon. Sunod- sunod rin ang kaniyang pag subo sa cereals. Tumayo na sya at niligpit na kanyang pinagkainan.
"Should I give him a chance?" Sinundan ko sya ng tingin habang nagtatanong ako.
"Ikaw ate, desisyon mo yan. Nag bigay lang ako ng saloobin ko. Desisyon mo pa rin naman ang masusunod sa huli." Avril. Tama nga naman.
Pero lalo lang ako naguluhan sa opinion nya. Di ko alam kung nakatulong ba yun o hindi. Maraming possibilities na mangyayari.
"Saka three years na ate, di pa rin nawawala ang pagmamahal mo sa kaniya?"
"Avril, hindi madaling iwan at mawala ang pagmamahal sa taong matagal mong nakasama at minahal mong matagal. Lalo na may pangako pa sya."
"Madalas ang pangako ay napapako." Makahulugan niyang sabi. Lumapit sya sa akin at hinalikan ako sa pisngi, "matutulog na ako ate. Matulog ka na rin. Ipahinga mo yang isip mo."
"Nakikigulo naman sa pagluluto e." Tinignan ko si Theo bago ko simangutan. Nandito ako ngayon sa kanila. Naisipan ko sya bisitahin pati na rin sina tito at tita. Wala daw si kuya niya, nasa board meeting.
"Para nga matapos ka na agad mag luto kaya kita tinutulungan." Theo. Hindi naman talaga siya nakikitulong, sadyang nang gugulo lang. Tatawa tawa pa siya habang nakatitig sa akin.
"Kung ano ano nga inaabot mo na ingredients dyan. Tabe, shupi, shoo shoo!" Pag tataboy ko sa kanya habang nag gegesture ako sa kamay na pinapaalis ko siya.
"Hindi kaya ako aalis, ilolock ko sarili ko para di ako makawala." Theo.
Naramdaman ko na lang na naka back hug sya sa akin at naka siksik sa leeg ko ang mukha nya.
"Theo." Pagbabawal ko. Baka biglang bumaba si tita at makita kami na magkaganito.
"Dali na, magluto ka na. Behave na kaya ako rito." Sabi niya. Ramdam ko tuloy yung hininga niya na tumatama sa leeg ko.
"Behave daw, nakikiliti ako sa init ng hininga mo sa leeg ko. Wag ka nga sumiksik." Imbis na umalis sa pwesto niya lalo pa niya hinigpitan ang yakap niya.
"Ang bango mo, babe" Theo. Parang nagtaasan ang balahibo ko nung sabihin nya yun.
Saka...
"Theo, please kumalma ka. Your pet is poking me." Natatawa kong sabi kahit na pinag papawisan ako sa pwesto namin ngayon.
Usapan magluluto. Ipagluluto ko sila.
"Pinapakalma ko nga eh. Sige na, magluto ka na" Theo. Medyo lumuwag naman ang yakap niya kaya nakakilos na ako ng maayos.
"Lovebirds ha," napatingin ako sa may bukana ng kusina at nakita ko si tita na nakalokong ngiti. Ayan na nga nakababa na at nahuli na kaming dalawa!
"Tita, yung anak mo ayaw bumitiw. Ginugulo ako sa pagluluto kanina pa po!" Pag susumbong ko. Natawa sila saking pareho kaya napa pout ako.
"Ang bango kasi ng baby ko, ma." Sabi ni theo at hinalikan ako sa nape.
"Kayo na siguro no? Umamin na kayong dalawa sakin." Tita Ofelia. Nag crossed arms sya habang nakatitig at ngumiti pa.
"Hindi mommy" Theo
"Nililigawan po ni Theo." Saad ko.
Halos sabay naming sabi kaya napatingin sakin si Theo. Napakalas rin siya ng yakap sakin at nag step backward pa bago ko titigan.
"Why?" Natatawa kong tanong sa kaniya. Nag simula na akong mag plating habang sya nandoon pa rin at nakatitig sakin.
"Bakit?" Tanong ko ulit, at pag lingon ko namumula sya at di mawala ang ngiti niya.
Cute.
"Eh, pumapayag ka na?" Masaya niyang tanong sa akin.
Tumingin ako kay tita at bahagya syang natawa. Nilapitan niya si Theo at inasar niya.
"Sus, binata ka na" Tita Ofelia. Nag make face naman sa kaniya si Theo bago tumingin ulit sa akin.
"Weh? Payag ka na talaga?" Pangungulit pa niya.
"Oo nga. Ayaw mo ba?" Sagot ko at nginitian ko siya.
Baka nga tama si Avril. Pero desisyon ko pa rin naman ito. Baka need ko nang bitawan ang mga pangako ni clyde sa akin na babalik siya. I realized also na hindi na pala ako ganoon kasaya dahil sa pag hihintay sa kaniya.
Kung ano man ang mangyari sa mga susunod na araw, hindi ko pa alam.
I will just take this risk for Theo.
Naramdaman ko na yumakap sya sa akin at hinalikan nya ako sa noo.
"Thank you, yanna ko. You made me happy." Theo.
Ngumiti ako sa kaniya bago ko sya ayain na tulungan ako mag serve ng mga niluto ko na food for them. At sabay sabay kami na kumain.
A/N:
I need feedbacks! Huhuhu thank you! Please do vote and comments. Sana ishare nyo rin ang story na ito sa mga co fans nyo, salamat!
BINABASA MO ANG
Chasing You | ViceIon
FanfictionTheo wants Adrianna so much. He really wanted to court her, but she did not allowed him because she is committed to her ex boyfriend's promise and waiting for him to comeback. But when she finally allowed Theo to be with her, her ex boyfriend unexpe...