Chapter 2

72 4 0
                                    

ADRIANNA

Nandito ako ngayon sa salon, nagpapa ayos ako ng buhok. Guess what? Kasama ko si Theo simula pa kanina at parang hindi naiinip.

"Ang tiyaga mo naman mag hintay, hindi ka ba nabobored?" Tanong ko sa kanya habang tinitignan ko ang reflection nya sa salamin.

"Hindi. Tska isasama kita sa amin, birthday ni mommy." Theo.

"Loko. Wala sa plano ko yan today, wala akong gift tska nakakahiya. " sabi ko sa kanya.

"Wag ka ngang mahiya. Kaya nga kita isasama sa bahay para makilala ka nila mommy." Theo.

"Wag na, sa susunod na lang ako pupunta doon. Tska yung girlfriend mo na lang isama mo dun." Kunot noo kong sabi sa kanya. Kaya pala kanina pa sya dito kasi may balak siyang isama ako doon.

"I don't have a girlfriend." Napatingin ako sa kaniya noong sabihin niya yun.

"Lalo na pag tumanggi ka baka lalo akong di magka girlfriend nyan." Ngumisi siya sa akin. Kaya naman hinagis ko patalikod yung magazine na hawak ko at siya tawa nang tawa sa akin.

"Baliw. " tanging saad ko sa kanya. Napatingin naman ako kay ate girl na nag aasikaso ng buhok ko. Napapangiti pa sya, siguro nakikinig sya sa usapan namin ni Theo.


Ilang oras rin ang tinagal ko sa salon at di talaga ako tinigilan ni Theo. Pinilit niya talaga ako at nag please pa para sumama ako.

Kaya heto ako ngayon.

Nandito ako sa bahay nila at nagbabalot na ako ng shanghai. Iuuwi ko na. Joke.

"Grabe makahawak sa braso ko ha. Hindi ako mawawala, yanna. Miss mo naman agad ako." Theo. Kinurot ko naman sya sa tagiliran, pinong kurot kaya halos mapaigik sya.

"Ang kapal mo. E wala nga akong kilala dito, gunggong ka." Saad ko at tumawa sya.

"Ang cute mo." Theo.

Habang nag uusap kami at may halong pang aasar niya, may lumapit na isang lalaki sa amin at nakipag bro hug kay Theo. Binaling niya ang atensyon niya sa akin at ngumiti.

"Hi" saad niya at nilahad ang kaniyang kamay. "I'm Tristan. Theo's brother."

Nahihiya man ako, inabot ko na rin ang kamay niya at nakipag shake hands ako, "I'm Adrianna. Nice to meet you."

"Oh grabeng hawak naman niyan kuya, tama na yun. Marurumihan kamay ni yanna e." Theo. Nakakunot noo pa sya at pinagpagan ang kamay ko na para bang may dumi nga.

"Ilang bote ba ng rugby ang tinira mo?" Bulong ko sa kanya.

"Wala. Mas adik ako sayo."

"Ang corny ha, Tey." Natatawa kong sabi sa kaniya.

Umalis na rin ang kapatid niya after ko makilala. At maya maya pa, nakita ko na ang mga magulang niya na naglalakad pababa ng hagdan.

"Happy birthday, mommy" bati ni Theo at humalik sya sa pisngi ng mommy nya.

"Thank you, son. Oh who's with you?"

"Mommy, she's Adrianna. I met her when I went to Andrew's house. And yanna, this is my mom Ofelia." Pag iintroduce ni Theo sa mommy niya. Ngumiti naman akong bahagya at yumukod nang bahagya rin , parang bow.

"Hi po, nice to meet you po. Happy birthday po." Saad ko habang nahihiya.

"Nice to meet you, Adrianna. This is my husband Theodore." Mrs. Ofelia. Tumingin ako sa asawa niya at ngumiti ako bago ako ulit nag bow. Pero parang familiar sya sa akin. Parang nakita ko na siya somewhere, hindi ko lang maalala.

Umiling na lang ako ng bahagya para mawala yun agad sa isip ko. Baka kahawig lang ng daddy nya kung sino man ang nakita ko.

Nagsimula na ang party at inaya ako ni Theo na kumain. Naiabot ko na rin kanina ang gift ko at tinanggap yun ng mommy nya.

Ilang oras pa ang tinagal ko sa bahay nila at halos butasin ko na ang upuan dahil sa nag init ito sa pag upo ko nang matagal.

At naka kwentuhan ko na rin ang mommy nya, kinukwento niya sa akin si Theo na wala pa daw ibang pinakilala sa kanila kundi ako lang. Noong una naiilang pa ako dahil nahihiya ako pero unti unti naging komportable naman ako.

She even told me na tita na lang ang itawag ko sa kaniya.

"Nililigawan ka ba ng anak ko?" Tita Ofelia. Haloa mabuga ko yung juice na nasa bibig ko at tumingin sa kanya.

"No po tita. Friend lang po kami ni Tey—yo. Friends po kami ni Theo." Sabi ko sa kaniya at ngumiti.

Nakaramdam ako na may umakbay sakin.

"Wait ka lang mommy, darating rin tayo dyan. Papakasalan ko pa nga ito e."Theo. Bahagya nya rin pinisil yung pisngi ko.

"Tita itong anak mo oh!" Pag susumbong ko pero tinawanan lang nila akong pareho.

Habang nasa sasakyan kami, nakatahimik lang siya kaya ako na ang unang bumasag ng katahimikan.

"Thank you, nag enjoy ako. Nakilala ko sina tita at tito pati yung kuya mo. "

"You are welcome, I told you makakasundo mo ang mommy ko. Mukha lang siyang masungit, pero mabait yun." Theo.

Hindi na ako nag salita pa at tumingin na lang sa daan. Kausap ko rin naman kasi through chat sina Avril at Ellie, tinatanong kung nasaan ako. Sinendan ko tuloy ng picture kanina na nasa party ako.

Sinagot ba naman ako na,

Meet the parents na pala!

"Yanna.." tumingin ako sa kaniya dahil tinawag nya ako sa nickname na binigay nya sa akin.

"I like you.." Theo.

Hindi ako nakapag salita noong sabihin niya yun sa akin.

"I really like you. Alam kong mabilis. Isang buwan pa lang simula noong magkakilala tayo pero if there is a chance, pwede ka bang ligawan?"

Nakatitig siya habang sinasabi niya yun sa akin. Hininto niya ang sasakyan para makausap niya ako nang maayos.

"Tey,"

"Hindi naman kita pipilitin e kung hindi ka pa handa, kung ayaw mo okay lang. And sana hindi ka umiwas dahil sa pag sabi ko sayo ng nararamdaman ko." Theo.

Umiling ako at ngumiti sa kanya ng tipid, "Hindi naman ako iiwas. Nakaka tuwa actually na may naririnig ako na nagkakagusto sakin. But Tey,"

"Yes?"

Halos malunod ako sa pagtitig niya sa akin kaya umiwas ako ng tingin.

"I don't think if there is a chance.."

Kinagat ko ang pang ibaba kong labi bago ko nag buntong hininga.

"Tey, may hinihintay ako bumalik."

Tumingin ako sa kaniya at halatang nalungkot sya.

"So you already have a boyfriend." Theo. Hindi niya maalis ang mga titig niya sa akin.

"I had, Tey. And he promised me babalikan nya ako."

"Ilang taon ka na naghihintay sa kaniya?"

"Three years.." maikli kong sagot sa kaniya at umayos ako ng upo sa sasakyan.

"Sigurado ka ba na babalik pa sya?"

Kahit nga ako walang kasiguraduhan. Pagkatapos ng break up namin at pangako niya di na kami nakapag usap pa.

"He promised. At kumakapit pa rin ako sa pangako na yun, Tey. Kaya I can't answer your question about it."

Tumango tango sya at bahagyang ngumiti, "I understand. Sana walang magbago between us."

"Thank you, Tey." Niyakap ko sya sa pagkakataon na yon. Naramdaman ko ang haplos niya sa buhok ko at pag halik doon.





Babalik ka pa nga ba?

Chasing You | ViceIonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon