Chapter 20

61 3 0
                                    

ADRIANNA

Nasurprise ako sa ginawa ni Theo sa akin. Kasama ko lang ang mga close friends naming dalawa pati ang pamilya namin. Ang intimate lang. Wala naman talaga akong balak mag celebrate ngayon dahil parang mas okay na mag tour na lang sana pero no party. But since theo did this, mas na appreciate ko pa ang boyfriend ko.

Nandito rin si Clyde Jacob. Umalis nga sya saglit pero bumalik rin kasi sinama nya dito si tita Eliza, yung mommy nya. Nagkausap rin kami ni tita at sobra akong nag alala sa kanya. May progress na nga sya at medyo malakas na.

She's happy na nakita nya ako ulit. Parang nagbalik yung mga days na nagkakausap kami, pero hanggang doon na lang yon kase I have Theo's family now.

I wonder kung bakit nandito nga si Clyde, knowing theo hindi sya pumapayag kapag nandito ito. But thankful kasi inimbitahan nya si clyde as his brother.

Sobrang masaya ako ngayon dahil sa ginawa nya sa akin. Nandito rin ang mga barkada nya na pinatawa nang pinatawa ang families namin magmula pa kaninang dumating kami.

"So bago ang lahat at magkalasingan na, mag bibigay tayo ng message sa ating birthday girl! Ang ate ko na si Adrianna." Si Avril as host.

"Oh teka lang, bago ko kayo tawagin syempre ako muna!" Habol niya na bahagyang kinatawa naman naming lahat. Ang kwela talaga ng babaeng to.

"Ate.. happy birthday" umacting pa sya na naiiyak doon, nagpapahid ng luha. "Chareng, ang oa!"

"Ate! Happy birthday! Masasabi kong napaka supportive mong ate sa lahat ng bagay. At mas naging close pa tayo simula noong naging transwoman ka. Proud na proud ako sayo dahil marami ka ng achievements, nakapag patayo ka na ng maraming branches ng reataurant mo. Sana ang maipatayo mo naman ay yung kay kuya Theo— chareng!" Nasamaan kasi syang tingin ni mommy at nagtawanan ang mga friends namin.

"Proud ako na nagagawa mo na ang mga gusto mo sa iyong buhay. Just continue dreaming, walang masama doon. At happy ako sa love life mo dahil talaga namang pinagmamalaki ka ni kuya theo. Happy birthday, ate Adrianna! I love you always, sissy ko!" Message ni Avril sa akin. Niyakap pa nya ako after nya ibigay ang message nya. Napatingin naman ako kay clyde dahil baka medyo naging awkward sa kanya, nakita ko naman syang nakayuko doon pero noong naramdaman nya yatang nakatingin ako, tumingin rin sya sa akin at bahagyang ngumiti pa.

Tumingin rin ako kay theo na katabi ko at nakita ko syang nakatitig sa akin. Tumawa na lamang akong bahagya dahil halata sa kanya na nagselos sya.

"Next naman na mag memessage, unahin natin ang friends ni kuya Theo! Come here kuya Andrew and give your message." Avril. Inabot nya ang mic kay andrew at gumilid na muna sya.

"Hi, Adrianna. Happy birthday, sweetie." Bungad ni andrew sa akin at nakita ko naman na tinaas ni theo ang kanyang middle finger kaya nagtawanan lahat. Sinuway ko naman sya sa pag hawak ng kamay nya bago ko senyasan si adrew na ituloy ang message nya.

Ganyan yan sila, makukulit but at the same time, sweet. And feel na feel kong sincere sila sa pakikitungo sa akin.

"Happy birthday, Adrianna! You are one of the kindest friend na nakilala at nakasalamuha ko. I admire your dedication to achieve your dreams and your goal. At gusto ko lang sabihin na, finally, may nakapag patino na sa aking kaibigan. This time, hindi na paiba iba ang nakikilala namin. Thank you for loving him, adrianna. At sasabihin ko sayong nasa'yo ako, kaya kapag niloko ka ni theo kami mismo ang sasakal dito. Happy birthday, sweetie!" Andrew. Inabot na nya yung mic kay avril bago lumapit sa akin.

Tumayo naman ako at niyakap ko sya. Narinig kong nag tsk si Theo sa tabi ko.

"Last mo na yan tarantado ka." Sabi ni theo kay andrew.

Chasing You | ViceIonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon