Sama-sama

69 3 0
                                    

Chapter 20

Scarlet*
POV

Kumalas ako sa yakap ni Bryce saka dali-daling lumabas dito sa opisina nya. Sinalubong pa ko nila Ashley at Glen na parehong nag-aalalang magtanong kung okay pa ba ako.

"Okay lang ako guys. Nandun ako ngayon sa Mommy ko." Sabi ko.

**

Maganda tong bahay na binigay saken ni Mommy. Hindi malaki at hindi din maliit. Saktong sakto lang para saken dahil nag-iisa lang ako. Meron itong isang kwarto at banyo sa sala. Malawak ang sala nito at may sarili ding dining room. Meron din itong kusina na malapit lang sa sala at dun sa likod ng bahay ang labahan at garden ko.

"Ayos ka lang ba talaga dito anak? Ayaw mo bang bumalik sa bahay ni Tito Brandon mo? Gusto kase sana nya magsama-sama na tayo ulit." Mahinahon na sabi ni Mommy kaya napatingin ako sa kanya.

"Hindi na po ba galit saken si Tito Brandon?" Tanong ko.

"Hindi sya galit sayo. Nalulungkot lang sya kase hindi nya matanggap na mali ang anak nya. Pero, narealize ni Tito Brandon mo ngayon na dapat ingatan ka namin kase nga babae ka." Mahinahon pang sabi nito.

Hindi ako kumibo. Maraming sinabi si Mommy saken na simula magkita kame mula last week ay madalas daw akong kamustahin ni Tito Brandon. Nakita din daw nyang umiyak si Tito Brandon sa sobrang pagsisisi na sinigawan ako noon at minura dahil sa gulo nung magsabi ako ng ginawa saken ni Bryce. Ayaw kasi nilang maniwala noon saken. Sabi ni Mommy simula umamin si Bryce sa kanila e medyo naging masungit na si Tito Brandon kay Bryce mismo. Madalas daw pagalitan ni Tito Brandon si Bryce at madalas ding pinapaalis sa bahay.

"Kawawa din si Bryce sa Daddy nya. Lagi syang sinisigawan tyaka pinapagalitan. Minsan tinatawanan nalang ni Tito Brandon mo pero nung sabihin naman ni Bryce na mahal ka nya e, si Tito Brandon mo mismo ang nag-utos kay Bryce na hanapin ka para saken. Halos mamatay na ko dahil sa araw-araw na iyak anak. I've missed you a lot. Tapos, malalaman kong matagal na palang alam ni Bryce kung nasan ka. Hindi lang daw nya alam kung paano ka kakausapin." Malungkot na sabi ni Mommy...

**

Lumipas ang ilang araw na nagkukulong ako dito sa bago kong tirahan. Minsan pumupunta sila Ashley at Glen dito para makapag kwentuhan kame. Ngayon naman...

"Oh ayan! I shot mo yan Scarlet! Wag kang madaya ha?" Natatawang sabi ni Ashley kase kada shot ko sa maliit na baso ay may natitira pang apelyido kung tawagin.

"Ayan ha! Inubos ko yan! Hahahaha!" Sabi ko.

Inabot ko kay Ashley tong shot glass at sinalinan naman nya ng alak para maka shot naman si Glen na ngayon ay sumusuka na. Sobrang nalasing kameng tatlo. Tawa pa kame ng tawa ni Ashley habang nakatingin kame kay Glen na sumusuka dito sa sala. Maya-maya nakatulog na si Bakla sa sobrang kalasingan.

"Hays, nahihilo na ko Scarlet. Dun na muna ko sa kwarto mo. Itutulog ko na to. Tara na ba?" Sabi ni Ashley.

"Sige mauna kana. Magpapahangin muna ko. Kailangan ko ng fresh air." Sabi ko...

*****

Bryce*
POV

Gusto ko na sanang umuwi sa condo unit ko kaso biglang pumasok sa isip ko yung address na binigay ni Tita Sofia saken kanina. Yun yung address kung saan daw nakatira si Scarlet ngayon.

"Pupunta ba ko?"

Bigla kong niliko ang manibela nitong kotse ko. Sakto at nasa bulsa ko pa yung papel na binigay ni Tita Sofia kanina kaya agad ko itong tinignan at tinungo...

*

Sa tapat ng isang simpleng bahay. Wala itong kapitbahay manlang. Basta malawak dito sa labas at puro puno. May bakod naman kaya safe si Scarlet sa loob.

HelpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon