Chapter 9
Scarlet*
POVNabigla ako sa ginawa ni Bryce. Agad nya kase kong nilapitan at hinawakan sa magkabilang pisngi saka pasunggab na hinalikan sa labi. Nahirapan akong pumiglas kase malakas masyado si Bryce. Masyado syang mapwersa kaya naluha lang ako habang hinahalikan nya ko sa labi. First kiss ko sya at parang naiilang akong sumabay kahit gusto ko sya. Ibubukas ko na sana ang labi ko para sa kanya pero biglang huminto si Bryce at binitawan na ko.
"S-Sorry Scarlet..." Sinsero nyang paghingi ng tawad saka na sya lumabas dito sa kwarto.
Napalunok ako sa kaba. Ganun pala yung pakiramdam kapag nakikipaghalikan. Nakakailang pero masarap humalik si Bryce. Napakagat labi tuloy ako sa kaba habang iniisip kung bakit ko naramdaman na may gusto pa ko bukod sa halik. Naalala ko tuloy yung deal na inaalok saken ni Cahlil. Mukhang hindi ko na itutuloy yun dahil masasayang lang kung mapupunta sa isang Gagong Lalake ang virginity ko...
*
After 1 week...
Pansin kong hindi na gaano nagpupunta si Elaine dito sa bahay. Napansin ko ding tahimik nanaman si Bryce at hindi ako kinikibo. Siguro alam na nyang iniiwasan ko na si Cahlil kaya nakakahinga na sya ng maluwag hindi gaya nung mga nakaraang araw na halos naririndi na ko sa paulit ulit nyang pagsabi saken na wag na wag na kong makikipag-usap kay Cahlil. Hindi ko ginawa yun dahil sa utos nya. Ginawa ko yun para sa sarili ko kase na-realize kong dapat e ingatan ko tong virginity ko.
"So, hindi na kayo nag-uusap ni Cahlil?" Tanong ni Bryce na kinabigla ko.
"Y-Yeah, iniwasan ko na sya. I know my worth and ayaw kong sayangin sa gaya nya yung meron ako." Mahinahon kong sabi pero ngumisi pa sya.
Nandito kaming dalawa sa sala. Wala si Tito Brandon dahil may meeting daw. Si Mommy naman nasa kwarto at natutulog. Tuwing alas dos talaga ng hapon e nagpapahinga ang Mommy ko. Sabado ngayon at walang pasok sa school kaya tambay ako sa bahay.
"Bakit nakangisi ka? Akala mo siguro kaya iniwasan ko si Cahlil e dahil sayo?" Naiinis kong sabi.
"Sus! Bakit? Hindi ba? Natikman mo lang yung halik ko kaya umiwas kana dun sa gagong yun e..." Sarkastiko nyang sabi.
"Ang kapal talaga ng mukha mo." Sabi ko.
Nilapitan ako ni Bryce saka nya ko tinabihan dito sa sofa. Nasa kanan banda ko sya. Nakatitig pa ito sa mga mata ko kaya napalunok ako't nahuli nya.
"Oh my, i saw it Scarlet. Napalunok ka sa kaba..." Bulong nito.
"H-Hindi ah? Anong pinagsasasabi mo dyan! Lumayo ka nga saken. Baka mamaya biglang sumulpot yung girlfriend mo." Naiinis kong sabi.
"Wala na kame ni Elaine..."
Natameme ako sa sinabi ni Bryce. Hindi ako nakasagot pa hanggang sa nagkwento na sya.
"Nakipaghiwalay na ko sa kanya last week. Hindi na ko masaya sa pagiging toxic nya. Masyado syang maarte and ayoko yung nalaman kong inuutus utusan ka nya dito sa bahay..." Sabi ni Bryce.
Yumuko ako. Nahihiya kase ako pero totoo na isang beses inutusan ako ni Elaine dahil akala ko napapano sya. Inutusan nya kong ikuha sya ng tubig na agad kong sinunod kase akala ko masakit na masakit ang lalamunan ng impaktang yun pero arte o drama lang pala para mautusan. Sinabihan pa ko nun ni Elaine na sa bahay na to e katulong lang daw kame ng Mommy ko. Hindi na ko naka laban nun dahil sinabi ni Elaine na manloloko ang Mommy ko at alam daw mismo ni Elaine kung sino yung matandang lalake na kinaibigan ni Mommy.
"Alam ko yung nangyari last week. Pinangtakot pa sayo ni Elaine yung about kay Tita Sofia at dun sa matandang lalake. Ang importante ngayon hindi na siguro uulit ang Mommy mo?" Sabi ni Bryce.
BINABASA MO ANG
Help
RomantizmPaano makakalimot sa masakit na nakaraan si Scarlet kung nagbabalik naman ang mga taong nanakit sa kanya. Tiniis ni Scarlet ang lahat para sa pinakamamahal na Ina pero hindi sya nito pinili. Matapos masira ng kinabukasan ni Scarlet dahil kay Bryce a...