Chapter 13
Scarlet*
POVNagkatinginan kami ni Ryza ng ilang minuto. Maya-maya sumingit si Mayette na alalay nya kaya naputol ang titigan naming dalawa.
"Ryza, tapos na yung misa. Hindi pa ba tayo aalis? Hinihintay na kase ko ng asawa ko. May importante kaming lalakarin. And uhm oh my? Anak ba ni Sofia to?" Ani Mayette at gulat na gulat habang nakatingin saken.
"Yeah, it's her. Namukhaan ko nga e. Nag matured na ang anak ni Sofia." Sabi naman ni Ryza.
Agad naman akong kinausap ni Mayette at kinamusta. Balita daw nya e matagal na kong wala sa poder nila Mommy at Tito Brandon. Sumingit naman si Ryza na alam nya lahat ng nangyari saken at hindi daw sya naniniwala na pagsasamantalahan ako ng anak nyang si Bryce. Mapili daw si Bryce sa babae at imposibleng patulan o pagnasaan ako. Nanliit naman ako sa pananalita ng dalawang ale na nasa likuran ko. Pinagtitinginan tuloy ako ng mga tao dahil sa sinasabi ni Ryza na gumagawa ako ng kwento para habulin o panindigan ni Bryce.
"Ikaw bata ka. Talagang ang kapal ng mukha mo no? Nakitira na nga kayo ng Nanay mo sa bahay na pinatayo namin ni Brandon nagawa mo pang gawan ng kwento si Bryce na ni rape ka?! At talagang malakas pa yang loob mo na magsimba e nakapa sinungaling mong tao!" Sabi ni Ryza.
"Oo nga! Manang mana ka sa Nanay mong kabet! Ewan ko ba kung paano kayo nakakatulog ng mahimbing sa gabi sa kapal ng mukha nyo lalo kana! Bakit siniraan mo si Bryce ha?! Alam mo bang dahil sa kwento mo sobrang napahiya si Bryce sa maraming tao lalo na sa eskwelahan kung saan kayo nag-aral noon!napilitan mag home study yung inaanak ko dahil sa kasinungalingan mong bata ka!" Sigaw naman ni Mayette.
Naluha ako sa mga salita nila. Hindi pa sila nakuntento at sinabunutan pa ko ni Ryza habang sinasampal naman ako ni Mayette. Agad namang umawat ang mga tao lalo na yung pari dahil nakakahiya na gumawa ng eskandalo habang nagpapasalamat sya sa pagtatapos ng misa...
*
Iyak ako ng iyak habang naglalakad pasakay ng jeep. Nakakahiya man pero kahit pagtinginan ako ng mga taong kasabay ko dito sa jeep e hindi ko mapigilang hindi umiyak dahil sa nangyari. Sobrang gulo tuloy ng buhok ko tapos mahapdi pa tong pisngi ko dahil sa malakas na sampal ni Mayette saken. Hindi ko lubos maisip na babalik yung sakit ng kahapon sa puso ko. Gusto ko na ngang makalimot kaso may mga umepal pa para sirain yung mood ko...
*****
Habang nagmamaneho si Cahlil ng kotse ay napansin nya ang babaeng pamilyar sa paningin nya. Nasa harapan nya ang jeep at nakasunod lamang sya habang pinagmamasdan ang babaeng umiiyak na sa pinto ng jeep bandang kaliwa nakapwesto. Naaninag nyang si Scarlet yun kaya bumusina sya ng sunod-sunod. Agad naman tumingin ang laman ng jeep kasama si Scarlet na nagpupunas ng luha sa magkabilang pisngi.
"Scarlet!" Sigaw ni Cahlil ng mabuksan nya ang glass window ng driver seat.
"C-Cahlil?" Bulong naman ni Scarlet nang mamukhaan din ang lalaking sakay ng magarang kotse. Nakilala din nito ang kotse kaya alam nyang si Cahlil Raymundo na boss nya ang tumawag sa kanya...
*
"Bakit ka umiiyak? Nakakahiya yung ganon ha. Nasa public ka humahagulgol ka." Sabi ni Cahlil saka tumusok sa kwek-kwek na nasa plastic cup na hawak nya.
Kanina ng magkita sila ay agad na pumara si Scarlet sa jeep saka sila nagpunta ni Cahlil sa malapit na park para tumambay at kumain ng street foods.
"Anong problema mo nyan?" Tanong ni Cahlil.
Nahihiya magkwento si Scarlet kaya sumubo muli sya ng kinakain nyang squid balls.
"Tignan mo to? Talagang sunod-sunod yung subo? Are you that hungry para hindi ako pansinin?" Naiinis na sabi ni Cahlil.
BINABASA MO ANG
Help
RomancePaano makakalimot sa masakit na nakaraan si Scarlet kung nagbabalik naman ang mga taong nanakit sa kanya. Tiniis ni Scarlet ang lahat para sa pinakamamahal na Ina pero hindi sya nito pinili. Matapos masira ng kinabukasan ni Scarlet dahil kay Bryce a...