Natakot na? May mas nakakatakot pa pala

69 2 0
                                    

Chapter 25

Scarlet*
POV

Nagising ako na nakahiga na sa kama ko. Pagbangon ko ay nakatayo sila Mommy at Tito Brandon dito sa tabi ng kama sa may kaliwang banda ko.

"M-Mommy? Bakit po?" Nag-aalangan kong tanong.

Nag-aalala ang reaksyon ni Mommy na medyo disappointed. Magsasalita sana sya pero inawat sya ni Tito Brandon. Hindi nalang kumibo si Mommy at lumabas nalang dito sa kwarto ko kaya naiwan kame ni Tito Brandon. Nahihiya tuloy akong makipag-usap sa step father ko dahil hindi naman kame madalas nagkakausap talaga. In other words ay hindi kame close.

"Sana alam mo ang consequences kapag nagtiwala ka sa hindi mo naman talaga kakilala." Mahinahon na sabi ni Tito Brandon.

"Hindi ko po kayo magets Tito. Ano po bang nangyari?" Sabi ko.

Nagtataka syang nagtanong kung hindi ko daw ba maalala ang nangyari kaya umiling ako. Marahan na naupo si Tito Brandon sa paanan ng kama ko hindi naman malapit at hindi din naman sya malayo saken. Mahinahon nyang pinaliwanag na inuwi ako ni Bryce dito na walang malay. Nagulat ako kung bakit kaya kinuwento ni Tito Brandon saken na sinundo daw ako dito ng lalaking ayaw nila na nakakasama ko. Naiintindihan ko na kung sino. Sabi pa ni Tito Brandon ay pinuntahan agad ako ni Bryce sa bahay ni Tyrone. Ngayon daw ay nasa presinto si Bryce dahil ipinakulong nya ang boyfriend ko.

"A-Ano po?! P-Pinakulong ni Bryce si Tyrone?!" Gulat kong sabi.

"Hindi mo nga talaga alam kung anong meron sa Tyrone na yan. Pinainom ka ng Tyrone na yan ng may pampatulog at balak kang gahasain. Buti dumating agad si Bryce bago ka hubaran ng lalaking yun." Naiinis na sabi ni Tito Brandon...

**

Sinamahan ako nila Mommy at Tito Brandon sa presinto kung saan pinakulong ni Bryce si Tyrone. Malungkot ako habang papalapit sa rehas kung nasan ang lalaking pinagkatiwalaan ko.

"S-Scarlet?! B-Babe! Please palabasin mo ko dito! K-Kinulong lang nila ko bigla. Mali yung binibintang nila saken babe! Natutulog ka nun eh tapos pumasok bigla yang lalaking yan! Yang kuya kuyahan mong epal! Bigla syang pumasok sa kwarto! Dapat sya nga yung kasuhan ko kase trespassing sya sa bahay ko!" Sigaw ni Tyrone.

Natawa naman si Bryce at napailing-iling pa. Nilingon ko naman sya para kausapin sa nangyari.

"Don't tell me maniniwala ka dyan? Muntik kana nyang rape in at alam kong alam mo na balak nyang gawin sayo yun ngayong nagising kana..." Sabi ni Bryce.

Hindi ako nakasagot sa sinabi ni Bryce dahil naniniwala naman ako sa kanya. Natatandaan kong pinipilit ako ni Tyrone na uminom ng orange juice at ginawa ko naman para tumahimik na sya dahil nanonood nga kami ng movie kanina. Naaalala ko din na nahihilo ako matapos kong mainom yung juice at marahan pa kong pinahiga ni Tyrone sa kama at sinabihan ng salitang mahal na mahal nya ko. Dahil sa ala-ala na yun ay naluha akong humarap muli kay Tyrone.

"No babe. Wag kang maniniwala dyan. Hindi totoo yun! It's all lies! Hinding-hindi ko magagawa yun sayo!" Aligagang sigaw ni Tyrone.

"Grabe, how could you do this to me? Sabi mo mahal mo ko at nirerespeto mo kaya ayaw ko pang gawin yung bagay na yun. Yun pala may plano kana." Naiiyak kong sabi.

Umiling-iling si Tyrone at nagsorry. Dito na nya inamin ang kasalanan nya. Gusto daw nya kong magalaw at mabuntis para matanggap sya nila Mommy para saken. Sakto namang dumating ang Mommy ni Tyrone at nagwala dahil bakit daw ganito ang ginawa ko sa anak nya. Nagkagulo tuloy sila ng Mommy ko at nagsigawan pa sa harap ko. Sa bandang huli ay inamin din ni Tyrone sa Mommy nya ang mga gawain nya sa maraming babae na nakarelasyon nya. Nagkamali lang daw sya dahil ako pa ang sinunod nyang bibiktimahin at ayusin nalang ang lahat. Aminado si Tyrone na marami na syang nabuntis na mga babaeng hindi nya gusto pero iba daw ako dahil mahal talaga nya ko. Hindi ako nagpahulog sa sinabi nyang yun kaya umalis na ko agad kasama sina Mommy, Tito Brandon at Bryce...

HelpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon