Chapter 16
Sa loob loob ng binata ay gusto nyang tumawa ng malakas dahil sa gulat na reaksyon ni Scarlet. Nakanganga ito at namumula ang magkabilang pisngi. Maya-maya dali-daling nagtakip ng dibdib ang dalaga at agad na naglakad para makaakyat at makabalik sa kanyang kwarto.
"Don't worry. Secret lang naten yun." Natatawang sabi ng binata.
Hindi na ito pinansin ni Scarlet sa sobrang hiya at agad na syang pumasok sa kwarto. Matapos isara ang pintuan ay ni-lock nya ito.
"Shit." Aniya na gusto pang magmura.
Gigil na gigil sya't tila gustong tumili saka tinignan kung gaano kabakat ang kanyang nipples sa suot na manipis na pantulog. Inis na inis syang makita na bakat nga ito at kitang-kita ang pinkish nyang mga nipples. Napakagat labi tuloy sya't tila hinihiling na sana ay kainin ng sementong inaapakan nya...
*
Dahil sa pangyayaring yun ay hindi nakatulog ng maayos si Scarlet. Isang umaga matapos nyang maligo at makainom ng kape ay pasulyap sulyap sya sa labas ng hallway dahil baka makita sya ng binatang naka engkwentro nya sa isang nakakahiyang pangyayari kagabi.
"Hey, looking for someone?"
Ayan at nanlaki ang mga mata ni Scarlet nang marahan nyang ginalaw ang ulo at mga mata. Nakita nya ang gwapong nerd na binata na nakatayo sa kaharap na pintuan ng kwarto nya. Ngayon lang napagtanto ni Scarlet na magkaharap lang ang kwarto nila ng binata.
"W-Wala ah. Sino namang hahanapin ko?" Sabi nalang ni Scarlet at lumabas na sa kwarto saka inayos ang suot na white polo sleeve pati ang black nyang skirt na hanggang tuhod.
Habang nakatalikod si Scarlet sa binata ay pinagmamasdan sya nito. Nakangisi pa ito at inaalala ang nakakatawang pangyayari kagabi. Dalawang hakbang ang ginawa ng binata at ngayo'y nakatayo na sya sa likuran ni Scarlet na nanlalaki ang mga mata dahil ramdam nyang may tao sa likuran nya.
"Ang sexy mo sa suot mo kagabe Scarlet..." Bulong ng binata sa kanan tenga ng dalaga.
Napalunok si Scarlet sa narinig at sinimulan nang ikandado ang pintuan ng kwarto nya. Walang kibo kibo at lingon-lingon ay agad syang naglakad at iniwan ang binatang nakangisi habang nakatingin sa kanya...
*****
Sa opisina ni Cahlil Raymundo...
Nakatayo ngayon si Cahlil sa harap ng bintana. Umiinom din sya ng red wine habang nag-iisip kung paano nya aaminin kay Scarlet ang nararamdaman pero pumapasok din sa isip nya ang asawang si Kyla.
"Shit, i can't take it anymore."
Pinatong na ni Cahlil ang hawak nyang baso sa mesa saka naglakad palabas sa opisina. Tingnan nya ang pwesto ni Scarlet. Naalala nyang pinag restday nga pala nya ang dalaga kaya wala ngayon. Maya-maya nagtaka sya nang makitang lumabas si Scarlet sa elevator at dumiretso sa pwesto nito. Agad namang lumapit si Cahlil para kausapin ang dalaga.
"Scarlet? Sabi ko diba mag restday ka muna? Why are you here?" Sabi ni Cahlil.
"Eh, naiinip ako sa dorm tyaka sayang yung araw kung wala naman akong gagawin sa bahay. Uhm, may ipapagawa ka po ba?" Sabi ni Scarlet.
"Oh, uhm. Nothing, sige tignan mo na muna yung mga emails then tatawagin nalang kita mamaya if may ipapagawa ako sayo." Sabi naman ni Cahlil kaya nakangiting tumangu-tango si Scarlet.
Heto at hindi alam ni Cahlil kung paano aayain si Scarlet na makausap. Dinalaw sya ng sobrang hiya kaya bumalik nalang sya sa opisina nya't naupo saka inasikaso ang dapat asikasuhin...
*****
Sa bahay ni Brandon...
Malungkot si Sofia habang nakatingin sa picture nila ng anak nyang si Scarlet. Iniisip nito kung kelan nya muli makakasama ang nag-iisang anak. Nag-aalala naman syang kumilos o hanapin si Scarlet dahil alam nyang magagalit si Brandon sa kanya.
BINABASA MO ANG
Help
عاطفيةPaano makakalimot sa masakit na nakaraan si Scarlet kung nagbabalik naman ang mga taong nanakit sa kanya. Tiniis ni Scarlet ang lahat para sa pinakamamahal na Ina pero hindi sya nito pinili. Matapos masira ng kinabukasan ni Scarlet dahil kay Bryce a...