Chapter 5
Napalunok si Bryce na tumingin kay Ryza. Nakasimangot ito habang nakatingin kay Sofia na kalmado lang na nakangiti habang nakahawak sa kamay ni Scarlet.
"Ma? Sino po ba sya?" Bulong ni Scarlet sa ina.
"Mommy ni Bryce." Kalmado lang na sagot ni Sofia saka ito tumingin kay Brandon.
"Brandon? Gusto mo bang iwanan ko muna kayo ng Ex Wife mo? Mauna na kame ni Scarlet tyaka Bryce sa bahay. Hihintayin ka namin dun." Ani Sofia habang nakangiti.
Tila nagpantig ang tenga ni Ryza sa nalamang nagsasama sa iisang bahay sina Brandon at ang alam nyang girlfriend nito. Nakasimangot tuloy syang tumingala kay Brandon.
"So nagsasama na kayo sa bahay naten?" Mataray na sabi ni Ryza.
Agad namang sumagot si Brandon nang... "Bahay ko oo. Pero hindi bahay naten. Remember? Binigay ko na sayo yung perang share mo sa pagpapatayo at pagpapagawa ng bahay na ko."
Napalunok si Ryza at biglang nahiya dahil sa sinabi ni Brandon na tila wala na itong karapatan kung magsama sila Brandon at Sofia sa iisang bubong.
"Mom? Wala naman pong masama dun kase magkaibigan sila Tita Sofia and Dad. Matagal na silang magkakilala tyaka nagkaroon lang ng problema kaya nandun sa bahay sila Tita Sofia and Scarlet..." Sabat kaagad ni Bryce.
Napatingin si Ryza kay Sofia at nakaisip ng paraan kung paano ito mawawala sa landas nya para masolo muli ang dating asawa na si Brandon...
**
Nang makarating sa Mall sina Brandon, Sofia, Scarlet at Bryce ay dumiretso agad sila sa isang Restaurant at kumain. Tahimik lamang silang apat at walang kumikibo dahil sa nangyari kanina sa Simbahan.
"Ehem!" Pagpaparinig ni Scarlet kaya tumingin sa kanya ang tatlo.
"Excuse po. Punta lang po ako sa restroom." Pagpapaalam nito at tumayo na sa kinauupuan.
"Me too. I need to use bathroom..." Ani naman ni Bryce at sumunod kay Scarlet kaya naiwan sina Brandon at Sofia.
*
Pinagmasdan ni Bryce ang sarili nya sa salamin ng restroom. Nag-iisip isip sya kung totoo bang magkarelasyon na ang Daddy nya pati si Sofia.
"Wag na wag ko lang malalaman na sya yung sumira sa pamilya ko. Gagantihan ko sya kapag naging totoo yung hinala ko..."
*
Sa female restroom...
Pagkatapos umihi ni Scarlet ay nagsalamin sya't nag-ayos. Napaisip din syang malaking problema ang kinakaharap nila ng Mommy nya dahil sa pagtira nila sa bahay ni Brandon. Iniisip din nyang walang alam si Bryce na may relasyon na ang Mommy nya pati si Brandon.
"Help us lord. Sana po maging okay na yung lahat kahit isang buwan lang. Sobrang nakaka-stress na po yung pinagdaanan namin ni Mommy. Sana wag na pong dumagdag yun."
*
"Brandon, hindi alam ng anak mo yung tungkol saten. Tyaka, hindi ba mas mahirap kung tumira kame ng anak ko sa bahay nyo? Baka magkagulo kase sa nakikita ko naghahabol si Ryza sayo?" Mahinahon na sabi ni Sofia.
Hinawakan ni Brandon ang mga kamay ni Sofia. Humingi ito ng pasensya at gagawin ang lahat maging ayos lang ang relasyon nilang dalawa.
"Hahanap ako ng tyempo. Kakausapin ko si Bryce para maintindihan nya." Sabi naman ni Brandon.
Binitawan agad nito ang mga kamay ni Sofia nang makita nyang pabalik na sa pwesto nila sina Scarlet at Bryce. Naupo ang dalawa kaya nagpatuloy na sila sa pagkain...
BINABASA MO ANG
Help
RomancePaano makakalimot sa masakit na nakaraan si Scarlet kung nagbabalik naman ang mga taong nanakit sa kanya. Tiniis ni Scarlet ang lahat para sa pinakamamahal na Ina pero hindi sya nito pinili. Matapos masira ng kinabukasan ni Scarlet dahil kay Bryce a...