Taguan Feelings

1K 21 3
                                    

Chapter 14

Matapos ayusin ni Scarlet ang kanyang mga gamit sa bagong kwarto na titirhan ay nakatanggap sya ng text galing kay Cahlil.

-Hey! Are you busy? Pwede ba tayong magkita. Susunduin kita.-

Nag-alinlangan ang dalaga dahil alas otso na ng gabi at kailangan na nyang magpahinga dahil pagod syang bumyahe at naglipat ng gamit. Iniisip pa nyang marami syang gagawin bukas sa opisina pero ayaw naman nyang ma turn off si Cahlil o ang boss nya sa kanya...

*

"Buti nakita mo agad kung saan ako nakatira ngayon?" Ani Scarlet habang nakangiti kay Cahlil na kakalabas lang sa kotse.

"Well, hindi naman mahirap hanapin tong Aling Tinay's Dormitory. Hm, so kamusta ka naman dito?" Masayang sabi ni Cahlil.

"Halika pasok ka muna. Para makita mo kung saan yung kwarto ko." Pag-aaya ni Scarlet.

Pumasok sila Scarlet at Cahlil sa loob ng bahay. May mga kumakain pa sa dining area ng bahay na inalok pa sila pero nakangiti silang tumanggi at nagpasalamat sa apat na binata. Habang umaakyat sa hagdan binulungan ni Cahlil si Scarlet.

"Are you sure na safe ka dito? Puros lalaki pala yung nandito." Bulong ni Cahlil.

"Ano ka ba okay lang yan. Mababait sila Mr. Raymundo kaya wag kang mag-alala. Tara na ayun yung room ko. Nasa dulo." Ani Scarlet na inignore ang pag-aalala ng boss nya.

Ginamitan ni Scarlet ng susi ang pinto saka sila pumasok sa kwarto. Malawak ito at medyo mainit kaya hinubad ni Cahlil ang suot nyang jacket.

"Mainit dito ah. Makakatulog kaba ng maayos nyan?" Ani Cahlil na tinitignan ang kabuuan ng kwarto.

"Oo naman? Ayan oh may bintana. Buksan ko lang yan pati yung electric fan lalamig na. Teka." Sabi naman ni Scarlet at binuksan na nga ang electric fan na nilagay sa number 3 saka sya lumapit sa binata at hinawi ang kurtina. Binuksan din nya ito saka na nga pumasok ang malamig na hangin galing sa hamog.

Napangiti si Cahlil dahil naramdaman nga naman nya ang lamig. Pakiramdam niya'y masarap matulog sa ganitong kwarto dahil may puno pa sa labas kaya sariwa ang hangin na pumapasok dito.

"Nice, uhm kumain kana ba Scarlet?" Sabi ni Cahlil kaya nilingon sya ng dalaga.

"Uhm, actually hindi pa po." Mahinahon na sabi ni Scarlet.

*

Umorder ng pagkain si Cahlil sa Foodpanda at ng makarating ang in-order niya'y nagsalo sila ni Scarlet habang nagkukwentuhan.

"Wow, ang sarap nung noodles." Masayang sabi ni Scarlet na tila walang pakialam kahit may laman ang bibig nya.

Nangiti nalang si Cahlil at naalala yung panahong kumakain sila ni Scarlet sa canteen. Ganitong ganito kasi si Scarlet kapag masaya o panatag sa isang lugar at tao. Alam nyang habang tumatagal ang panliligaw nya noon kay Scarlet ay nakikilala nya ang ugali ng dalaga kaya mas lalo syang nahuhulog. Pero para sa kanya ay nakaraan na yun at hindi na pwede ngayon dahil may anak na sya sa babaeng nabuntis nya na ngayo'y nakakasama pa nya.

"Okay ka lang ba?" Tanong ni Scarlet ng mapansin nitong natulala si Cahlil habang nakatingin sa kanya.

"Yeah, I'm okay. Naalala ko lang yung dati. Nung una pihikan ka. Mahiyain kapa nun nung bago bago palang tayong nagde date. Pero, habang tumatagal nun palakas ka ng palakas kumain hehehe." Nakangiting sabi ni Cahlil kaya natawa na din si Scarlet ng maalala nya ang kahapon nilang dalawa.

Habang kumakain nauwi sa nakaraan nila ang pag-uusap. Masaya silang sinasariwa ang panahon na nakilala ni Scarlet si Cahlil bilang sikat na babaero at mahilig manakit sa puso ng mga babae. Natatawa naman si Cahlil kapag naaalala nyang ang sama sama pala nyang lalaki noon.

HelpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon