Scarlet's POV

1.5K 19 0
                                    

Chapter 7

Scarlet*
POV

Kinaumagahan...

Habang kumakain kame nila Mommy, Tito Brandon kasama si Bryce na tahimik parin at masama ang tingin sa Mommy ko pati sa Daddy nya. Nagtataka tuloy ako kung ano yung problema nya. Kabado din ako kase baka alam na nyang may relasyon ang Mommy ko at ang Daddy nya.

"Kahapon kapa tahimik Bryce. Is there something wrong?" Sabi ni Tito Brandon.

Hindi kumibo si Bryce. Basta lang syang umiling at nagpatuloy na sa pagkain. Ako naman e tinitignan kung ano yung kinikilos nila Mommy at Tita Brandon. Mukhang nasa good mood kasi silang dalawa. Maganda na ganito sila at hindi kagaya nung kagabe...

*

"Girl, okay ka lang?" Tanong ni Miles.

Kinuwento ko sa kanila ni Lily yung nangyari kagabe kung paano ko nakitang nadismaya si Tito Brandon at Bryce nang malaman nilang nawalan ng trabaho ang Mommy ko.

"Well, nakakadismaya kasi yun girl? Nakikitira lang kayo kaya syempre expect nila may ambag kayo sa house nila right?" Sabi ni Lily kaya natamaan ako.

"Oo nga naman. Nakikitira lang kame pero sana wag silang mag-react ng ganon? Ginulo na nga ng Ryza na yun yung Mommy ko kaya nawalan ng trabaho dapat ba sisihin nila si Mommy?" Naiinis kong sabi kaya sumang-ayon naman silang dalawa.

Kinuwento ko din kung sino yung Ryza na nabanggit ko. Medyo na-shock sila Miles at Lily dahil kung nagawa na ito ng Mommy ni Bryce ay may iba pang mangyayari hangga't dun kami nakikituloy ni Mommy sa bahay ni Tito Brandon...

***

Umabot ng 6 months ang pag stay namin ni Mommy sa bahay nila Bryce at Tito Brandon. Nagbago na din si Bryce sa kung paano nya ko kausapin at pakisamahan. Madalas syang nakasimangot at magalit simula malaman nyang nanliligaw saken si Cahlil na hindi ko naman pinapansin. May time pa na habang nagsi-swimming sila Bryce at ang mga barkada nya e sinusubukan ko syang kausapin pero wala syang pakelam. After a few more months nalaman kong magkarelasyon na sila Bryce at Elaine. Sinubukan ko ding kausapin ang Mommy ko kung kelan kame aalis dito sa bahay ni Tito Brandon pero, sa nakikita at nararamdaman ko e ayaw na ni Mommy umalis dito. Umabot pa nga ng 3 years ang pagtira namin dito sa bahay. Gumraduate na ko ng highschool at ngayon ay second year college na ko. Si Bryce naman fourth year college na at sila parin ni Elaine hanggang ngayon. Madalas na din nyang papuntahin si Elaine sa bahay. Minsan naririnig ko silang gumagawa ng milagro kaya kapag ganon umaalis nalang ako't nagpupunta sa place ni Miles.

"Oh, nandun si Elaine maldita sa inyo?" Sabi ni Miles.

"Anong samin? Baka kila Bryce! Tsk!" Naiinis kong sabi saka naupo sa sofa.

Tinabihan ako ni Miles sa sofa saka kami nag-usap tungkol sa gusto ko na ngang lumipat ng ibang bahay.

"Paano ka aalis girl kung ayaw naman ng Mama mo?" Sabi ni Miles.

"Ewan ko. Naiistress na nga ko girl. Hindi ko manlang magawa yung gusto ko like gusto ni Cahlil pumunta sa bahay pero sabi ni Bryce bawal daw akong magdala ng kahit na sino sa bahay nila dahil nakikitira lang ako. Alam mo yun?! Oo nakikitira nga kame ng Mommy ko pero hindi na nya kailangan ipamukha saken yun! Ang sakit sakit lang. Kaya mas gusto ko nalang pumunta dito sayo." Sabi ko.

Naglabas ako ng sama ng loob ko sa nangyayare saken sa bahay nila Tito Brandon. Kahit si Tito Brandon kakaiba na din ang pakikisama samen ni Mommy. Napansin ko na ginagawa nilang katulong ang Mommy ko. Sya yung naglalaba ng damit nila. Naghuhugas ng plato pati paglilinis ng bahay. Si Mommy din ang nagluluto palagi kahit may kasambahay naman sila Bryce. Madalas pa nilang utusan si Mommy na mamili sa palengke or mall.

HelpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon