Chapter 24
Bryce*
POVPag-uwi ko sa bahay ni Daddy ay nasalubong ko si Scarlet na nakaupo sa sofa. Sakto namang nagtama ang tingin naming dalawa kaya lumapit na ko agad sa kanya at tumabi sa kinauupuan nya.
"Hi." Aniya.
"Hey, buti gising kapa?" Tanong ko.
"Hindi pa ko inaantok eh. How about you? Bakit late ka yatang umuwi ngayon? It's 11pm already." Seryosong sabi nito kaya napangiti ako.
Para tuloy kaming mag-asawa sa tanungan namin ngayon. Nai-imagine ko na tuloy yung future ko kapag nagkatuluyan kame. Parang gusto ko naman yung ganito dahil ramdam kong may concern sya saken.
"Bakit nakangiti ka Bryce? Nagtatanong lang nyan ako." Sabi pa nito.
"Nothing. Uhm, aakyat na ko. I need to rest na. Napagod yung utak ko sa dami ng pinasahod ko kanina..."
Nag okay lang si Scarlet kaya kumilos na ko. Umakyat ako't naligo para mahimasmasan ako. Sobrang nai-stress ako sa dami ng tauhan ni Cahlil sa bago kong building. Worth it naman kahit madami akong pinapasahod dahil lahat sila sa kumpanya ko ay napapakinabangan ko...
*****
Scarlet*
POVNapangiti ako sa agad na pagbalik ni Bryce dito sa sala ng bahay. Tinabihan nya ko saka kame nagkwentuhan.
"Obsessed pala si Stella kay Dad. Dati mo pala syang kaklase..." Sabi ni Bryce kaya nabigla ako.
"Huh?! Seryoso? Sa Avilaña Academy nag-aral si Stella?" Gulat kong sabi.
"Yep, and magkaklase kayong dalawa. Marami akong pinagtanungan kung taga saan sya hanggang malaman ko na naghahabol pala sya kay Daddy before pero diba nga mag-asawa na sila Dad and Tita Sofia. That's why ako naman ang pinupuntirya ni Stella ngayon..." Sabi ni Bryce.
Maraming kinuwento si Bryce saken tungkol kay Stella. Pati daw ako ay sa malamang na pinapabantayan ni Stella para lang gayahin ang kilos, pananalita at kung ano ang mga gusto kong gawin. Naalala ko na same outfit kame nung nanggulo si Stella sa Restaurant ko samantalang hindi ganon ang ayos nya nung nakita ko sya sa Club. Unti-unti ko ng naiintindihan ngayon na pinagseselosan ako ni Stella. Pero bakit?
"Bakit naman sya magseselos saken eh mag step brother and sister tayo?" Sabi ko agad kay Bryce na napalunok at namutla nalang bigla.
"Uhm, i I really d-don't know? Malay ko sa kanya. Baka baliw na sya..." Sabi naman nito.
"Oh come on Bryce. Naaalala ko pa yung sinabi ni Stella nung nakita nyang magkasama tayong bumalik sa club. Nilapitan nya tayo diba? Natatandaan mo ba yung sinabi nya?" Sabi ko.
Hindi na kumibo si Bryce at nanood nalang ng TV. Hindi na talaga nya ako pinansin sa sinabi ko kaya kinulit ko sya kung ano ba ang sinabi nya kay Stella at nagkaganoon nalang ang attitude ng babaeng yun kahit alam nyang mag step brother and sister naman kame ni Bryce.
"Sabi nya gaano ako ka special sayo." Sabi ko.
Tumingin si Bryce saken. Marahan pa nitong hinaplos ang kanan pisngi ko. Kinabahan naman ako ng sobra at panay ang lunok sa susunod na mangyayare.
"Bryce." Bulong ko.
"Mahal kita Scarlet. Dati pa. Mula nung una kitang makita gusto na kita. Kaya special ka para saken. Nilalandi ako ni Stella nun sa club. Tinaboy ko sya and sinabihan pa nya kong bakla. Pero sinabi kong may girlfriend na ko. Binuking naman ako nila Pau and Yet. Sabi nila wala naman akong girlfriend. Pinagpilitan ko yung sarili ko then kaya lumapit saten si Stella dahil sinabi pala ng mga barkada ko sa kanya na ikaw nga yung babaeng special someone ko..." Mahinahon nitong pagpapaliwanag.
BINABASA MO ANG
Help
RomancePaano makakalimot sa masakit na nakaraan si Scarlet kung nagbabalik naman ang mga taong nanakit sa kanya. Tiniis ni Scarlet ang lahat para sa pinakamamahal na Ina pero hindi sya nito pinili. Matapos masira ng kinabukasan ni Scarlet dahil kay Bryce a...