Aminin na kaseee

64 2 0
                                    

Chapter 26

Scarlet*
POV

Tatlong araw na kong walang gana sa lahat ng bagay. Feeling ko may kulang saken kaya ako nanghihina. Para bang may pumapatay saken kaya ganito ako kalungkot. May part pa sa puso ko na dapat ay kausapin si Bryce at bawiin ang sinabi ko pero iba ang nasa takbo ng utak ko dahil bumabalik ang sakit saken kung paano ako umiyak noon dahil sa kanya.

"Bakit ba kase ayaw mo kay Bryce anak? Dahil parin ba sa nangyari dati? Hindi pa ba enough yung mga ginagawa nya para sayo para mapatawad mo sya?" Sabi ni Mommy.

Hindi ako kumibo sa sinabi ni Mommy. Nandito lang ako sa terrace ng bahay sa may likod kung nasaan ang mga puno ng mangga at caimito. Nakatingin lang ako dun pati sa mga ibong maya na palipad lipad. Maya-maya nilapitan ako ni Mommy saka niyakap ng mahigpit. Pumikit lang ako't maya-maya din ay naiyak na.

"Sige lang. Iiyak mo lang. Alam kong nahihirapan ka kaya ganyan. Alam ko yung hirap mo nung nagkagulo tayo dito sa bahay kaya naiintindihan na kita." Mahinahon na sabi ni Mommy.

"Mom, sobrang hirap po kase saken. Talagang hindi ko makalimutan yung nangyari dati kaya iniiwasan kong mainlove kay Bryce pero, habang tumatagal napapadalas ko syang iniisip. Mababaliw na yata ako Mommy. Natatakot po ako kasi baka maulit yung dati. Baka saktan ako ni Bryce." Naiiyak kong sabi.

"Anak, Scarlet. Makinig kang mabuti okay? Alam kong nahihirapan ka sa sitwasyong ganito pero hanggang kelan mo pahihirapan yang sarili mo kung alam mong in-love kana kay Bryce? Nandun na tayo na may mga nagawa syang hindi maganda dati pero at the end bumawi sya para mapatawad mo sya at makasama ka nya ulit diba. Ilang taon na din ang nagdaan anak. Tignan mo nga muntik kapang ma rape sa pangalawang pagkakataon pero niligtas ka ni Bryce dahil pare-pareho kaming walang tiwala sa Tyrone na yun. Ganun ka kamahal ni Bryce kaya bakit hindi mo muna sya bigyan ng chance? Magpaligaw ka sa kanya. Kung ayaw mo edi sabihin mo din sa kanya na hindi pala pwede at wala kang nararamdaman. Kesa ngayon, nahihirapan ka lang dahil in-love kana pala ayaw mo lang aminin." Sabi ni Mommy.

**

Makalipas din ang ilang araw...

Nakipagkita agad ako kay Bryce bago sya umalis papuntang Australia. Nakipagkita naman sya at nandito kaming dalawa ngayon sa Mall Of Asia. Habang papalapit sya ay kumakabog ng malakas ang dibdib ko. Para bang gusto ko syang yakapin ng mahigpit pero nagtulak ang seryoso nyang reaksyon na wag gagawin ang nasa isip ko.

"Bakit gusto mo kong kausapin? Pwede mo naman akong itext or call..." Seryosong sabi ni Bryce.

Bakas sa reaksyon nyang dismayado sya na makita ako. Masakit yun saken pero tatanggapin ko dahil alam kong nasaktan ko sya sa salitang binitawan ko sa Club.

"Bryce, sorry. Please, wag kanang umalis." Malungkot kong sabi.

"Bakit naman. Diba ayaw mo kong makita? Kaya nga lalayo na ko sayo para hindi ka mahirapan..." Sabi pa nya.

"Yun na nga eh. K-Kabaligtaran naman kase yun. Kung malalayo ka o hindi na kita makikita mas mahihirapan ako." Bulgar kong sabi kaya nabigla sya.

Naluluha tuloy akong sinabi sa kanya ang nararamdaman ko. Kahit maraming tao na naglalakad sa paligid namin ay sinabi ko parin kay Bryce na mas nahihirapan ako kapag alam kong mawawala na sya sa paligid o buhay ko. Sa mga sinasabi ko tuloy e bigla nalang akong napahagulgol.

"Masakit yung dati oo. Pumapasok sa isip ko yun pero nawawala naman na kase nga nakikita ko yung mga pagbawi mo saken. Mali ko lang kase hindi ko in-appreciate yun. Mali din ako sa sinabi ko nun sa Club. Mali ako lahat sa paulit ulit kong binabalikan yung dati kaya sana bigyan mo ko ng chance na ayusin lahat to." Naiiyak kong sabi.

HelpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon