Gusto nang makalimot

1.2K 20 0
                                    

Chapter 11

Scarlet*
POV

Kinagabihan...
Sumama ako kila Ashley at sa katrabaho naming si Glen. Masaya kaming naglalakad lakad at namimili ng mga street foods. Matapos naming bumili habang kumakain nagtitingin din kaming tatlo ng mabibiling gamit. Masaya naman dito sa park at may tiangge pa. May mga nabili ng gamit sila Ashley at Glen habang ako hindi pa makapili dahil may isang pumukaw ng atensyon ko.

"Sya ba yun?" Bulong ko.

Namumukhaan ko kase ang isang babaeng tindera ng mga Lotion at Beauty Products. Gusto kong mamalikmata nalang pero hindi ako nagkakamaling makita si Elaine ang babaeng nakatingin din sa aken.

"Scarlet?!" Aniya.

Napahawak ako sa dibdib. Napatingin din saken sina Ashley at Glen kung kakilala ko daw ba yung babae. Sinabi kong hindi saka ko sila inaya na maglakad na pero sinalubong parin ako ni Elaine na sobra kong kinagulat. Hindi ko kase akalain na lalapitan pa nya ko.

"Hey! Don't act like you don't know me? Kamusta ka? It's been 4 or 5 years right?" Natatawa pang sabi ni Elaine.

"Uhm, hi Elaine. E-Eto okay naman ako. S-So, may business ka?" Sabi ko nalang.

"Yeah, actually hindi ako nakatapos sa pag e engineer. Nai-stress kase ko sa nangyari dati simula umalis ka sa school. I'm sorry about sa mga ginawa ko sayo dati Scarlet. Sobrang nakarma ako after mong mawala." Malungkot nitong sabi.

Naalala ko yung panahon na binu-bully nila ako ni Bryce. Lahat ng masasakit na salita at pananakit naranasan ko sakanya dahil sobrang nagseselos daw sya saken. Pakiramdam daw nya kaya binu-bully ako ni Bryce dahil may gusto daw saken yun. Kaya sobra din ang galit ni Elaine saken dati dahil nakatira ako mismo kila Bryce kaya hindi nya maiwasang hindi magselos.

"W-Wala na saken yun Elaine. B-Buti may business ka ngayon?" Sabi ko.

"Oh well, binigyan ako ng Dad ko kase feeling ko mas happy ako sa ganito. How about you? Kamusta yung life mo? Uhm, alam mo bang si Tito Brandon na yung owner ng Avilaña Academy? Si Bryce naman may restaurant business along the highway." Sabi ni Elaine.

Nabigla ako sa pagiging open ni Elaine. Gusto ko pa sanang magtanong pero nahihiya ako't baka magmukhang desperada ako pero wala naman sigurong masama magtanong kung tungkol kay Mommy.

"Oh, t-talaga? Uhm, may balita kaba sa Mommy ko? Is she okay?" Sabi ko.

"Yeah your Mom? Si Tita Sofia nga pala i heard dun sya madalas sa Avilaña Academy ngayon nakatambay. I don't know kung anong work nya dun pero parang Principal yata sya?" Sabi nito.

Nagpaalam muna ko kila Glen at Ashley na makikipag kwentuhan ako kay Elaine. Pinakilala ko din sila sa isa't-isa pagkatapos ay umalis na yung dalawa kaya nagpunta naman kame ni Elaine sa Store nya. Sobrang daming bumibili kaya pumasok kame sa loob at may kulob na Tent dito. Naupo kaming dalawa at nag-usap...

*****

Sa Avilaña Academy...

Natulala si Sofia nang makitang muli ang Picture ni Scarlet na nasa frame sa ibabaw ng mesa nya. Napangiti sya pero saglit lang at nalungkot nanaman sya.

*Knock knock!

"Hon?" Ani Brandon at pumasok sa Principals office kung saan nandito sa loob si Sofia na nakatulala sa Picture Frame ng unica iha. Lumapit agad si Brandon at tinignan kung saan nakatingin ang asawa.

"Hm, naalala mo nanaman ang anak mo." Matigas na sabi ni Brandon.

"Gusto ko syang mayakap Brandon. Namimiss ko na si Scarlet. It's been a years since nangyari yung dati. Hindi pa ba naten pwedeng ayusin nalang ang lahat?" Naiiyak na sabi ni Sofia saka ito tumingala at tumingin sa mga mata ng kanyang asawa.

HelpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon