Help a Friend

1.9K 25 0
                                    

Chapter 3

Hindi mapakali si Sofia sa kinauupuan habang naghihintay sa isang coffee shop. Palingun-lingon sya sa paligid kung darating ba ang ka meet up nya.

"Hey, I'm sorry I'm late." Hinihingal na sabi ni Brandon saka nya hinalikan sa kaliwang pisngi si Sofia na malungkot naman ang reaksyon.

Naupo si Brandon sa upuan at hinawakan nito ang kamay ni Sofia saka mahinahon na kinausap.

"What's going on? What happened? Bakit gusto mo kong makausap agad? I thought gusto mo ng makipag break saken?" Mahinahon na sabi ni Brandon.

"I'm sorry kung nakikipaghiwalay ako sayo last week. Hindi ko na kase alam kung anong gagawin ko. Sobrang laki ng problema ko. Wala na kong ibang malapitan." Malungkot na sabi ni Sofia.

"Why? What happened?" Tanong ni Brandon.

"Yung bahay namen na nakasanla sa bangko. Kinukuha na samen. Hindi ko alam saan kame pupunta ng anak ko. Please, tulungan mo kame Brandon. Hindi ko na alam ang gagawin ko. I tried to call my relatives pero ayaw nila kong tulungan. Isa pang problema ko, may bigating tao palang pinagkakautangan si Carl kaya ngayon nagpunta yung mga lalake sa bahay and gusto din nilang ibigay ko sa kanila yung titulo ng bahay which is nakasanla nga sa bangko. Nagbabanta na din sila Brandon. Natatakot ako para samen ng anak ko. Please, I need your help." Sabi ni Sofia saka ito lumuha.

Nag-isip-isip si Brandon kung anong gagawin lalo't isang linggo na ding hindi nagparamdam sa kanya si Sofia. Iniisip nyang baka gamitin lang sya nito kaya...

"I'm sorry Sofia. But I can't help you with that. Hindi naman pwedeng iuwi agad kita sa bahay ko? Hindi nga alam ng anak ko na may naging girlfriend ako after her mom. Kelan lang tayo nagkakilala and nagkakausap kaya I'm sorry. Hindi kita matutulungan." Seryosong sabi ni Brandon saka nito binitawan ang kamay ni Sofia.

Agad syang tumayo sa pagkakaupo at naglakad paalis. Naiwan si Sofia na lumuluha at tila mababaliw na sa laki ng problema nya lalo't wala ng may gustong tulungan sila mag-ina...

*

Habang nagmamaneho sa magara nyang kotse si Brandon ay iniisip isip nya ang kaawa-awang itsura ni Sofia. Naaawa sya pero naiisip nyang baka gamitin lang sya dahil bigla bigla nalang humingi ng tulong sa kanya si Sofia na isang linggo nang hindi nagparamdam tapos ngayon ay lalapit sa kanya.

"Hmm."

**

Nang makauwi si Sofia sa bahay ay nadatnan nyang naglilinis sa sala ang anak nyang si Scarlet. Kita nyang pagod na pagod ang anak. Naaawa sya na baka mapariwara ang buhay nito kapag nawalan na sila ng tinitirhan.

"Oh, Mom? Saan ka galing?" Tanong ni Scarlet at hininto muna ang pagma mop.

Dumiretso si Sofia sa sala ng bahay at naupo sa sofa saka sumandal.

"Naghahanap ako ng tutulong saten para makaalis na dito. Hindi ko na alam kung saan ako lalapit anak. Yung mga lolo at lola mo sa Dad mo ayaw nila tayong tulungan. Pati yung mga kamag-anak ko wala din akong napala." Malungkot na sabi ni Sofia.

"I'm sorry Mommy kung nahihirapan ka po ng ganyan. Bali, sabi po ng Teacher ko hahanapan daw po nya tayo ng matutuluyan. Siguro, kahit maliit na apartment okay na po saten Mom? Kailangan na naten i give up tong bahay kesa mapano po tayo." Malungkot na sabi ni Scarlet.

Sobrang nasasaktan si Sofia na maisip ang tungkol sa pagkawala ng bahay na matagal na nilang pinag-ipunan ni Carl. Lahat ng magagandang ala-ala ay nasa bahay na kinauupuan nya ngayon. Naaalala nya nung unang beses na sinabi ni Carl sa kanya na may bahay na silang dalawa at huhulugan nalang ng kaunti ay magiging kanila na kaya nagsikap syang magtrabaho para mabili din ang magagandang gamit sa bahay na ito. Mula ikasal sila ni Carl hanggang mabuntis sya ay dito sila nakatira. Ngayon ay naluluha sya dahil mawawala na ang bahay na pinaghirapan nya. Agad namang nilapitan ni Scarlet ang Mommy nya. Binitawan agad ng dalaga ang mop na hawak at niyakap ng mahigpit ang kanyang ina...

HelpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon