Chapter 2
Nagtaka si Brandon sa pagkabiglang tunganga ni Scarlet habang nakatingala ito sa kanya. Napangisi sya't inisip na may gusto sa kanya ang dalaga kaya ganito nalang ito makatingin.
"What's wrong?" Tanong ni Brandon.
"Uhm, w-wala po hehe. I should go. Thank you sir." Nauutal na sabi ni Scarlet.
Dali-dali syang naglakad palayo kay Brandon. Lumabas si Scarlet sa library at iniisip kung tama bang si Brandon ang nakita nyang kasama noon ng Mommy nya. Naalala pa nyang sinundan nya ang Mommy Sofia nya kasama ang ramdam nyang bagong nobyo nito na pumunta sa isang Hotel...
*
Nakasalubong ni Lily at Miles si Scarlet. Tulala ang kaibigan nila kaya agad nila itong kinausap.
"Huy girl! Lutang moments ka dyan? What's wrong? Anong nangyari ah? Nakita namen si Bryce nakasimangot." Ani Miles.
"Yung guy. Y-Yung Teacher sa library anong pangalan nya?" Tanong ni Scarlet kila Miles at Lily na nagtaka kaya nagpunta sila sa library at sumilip lamang sa bintana.
Pagkatapos makita kung sino ang tinutukoy ni Scarlet ay nilapitan na nila Miles at Lily ang kaibigan.
"Si Sir Brandon. English and Math Professor sya. Bakit? May ginawa ba sya sayo? Alam namen mabait sya e." Sabi ni Miles.
"N-Nothing, wala syang ginawa. Uhm, n-namumukhaan ko kase sya e. I think I saw him somewhere pero I'm not sure." Ani Scarlet.
Napataas kilay sina Lily at Miles saka nalang tumangu-tango. Pagkatapos nilang mag-usap nag-ayaan nalang silang bumalik sa classroom ni Mrs. Dina...
**
Habang nagtuturo si Mrs. Dina wala sa tinuturo nito ang focus ni Scarlet dahil iniisip nya yung gwapong mukha ni Brandon. Napapakagat labi pa ito habang ini-imagine yung malaking katawan at kung may abs ba si Brandon. Sa pag-iisip-isip ng kung anu-ano ni Scarlet habang ngumingiti pa ay napansin ni Mrs. Dina na hindi ito nakikinig.
"Scarlet? Alam mo bang sagot dito? Can you tell us kung ano yung in-explain ko kanina lang?" Sabi ni Mrs. Dina.
Nabigla si Scarlet sa pagtawag sa kanya kaya tumayo agad sya sa kinauupuan. Patingin tingin sya sa mga kaklase at hindi alam kung anong isasagot dahil hindi naman sya nakinig kanina.
"Scarlet? Naghihintay kame sayo." Panunuya ng Guro.
Agad na binuklat ni Lily at notebook. Sakto at nasa harapan lang sya ni Scarlet kaya nabasa nito ang topic. Alam ni Scarlet ang topic na nakasulat sa notebook ni Lily kaya iyun ang ipinaliwanag nya kaya tinaliman sya ng tingin ni Mrs. Dina dahil tumugma naman ang sinabi ng dalaga tungkol sa subject nila.
"Alright, maupo kana. Nextime please lang. Kung nasa klase ka makinig kang mabuti okay? Ayokong nale late yung isa sa inyo about sa topic naten. Yes, nasa science classroom kayo kaya sana sa susunod na magbibigay ako ng grade dapat kahit papano lahat kayo makakuha ng line of 8 dahil dun masaya ako para sa inyong lahat." Sabi ni Mrs. Dina.
Tumangu-tango naman ang karamihan. Naupo na si Scarlet at humingi ng pasensya sa Teacher. Mabait na guro si Mrs. Dina kaya alam nyang nasaktan nya ito dahil sa pagiging tulala nya...
*
"Ano ba kasing iniisip mo kanina Girl? Eto nasa labas na tayo ng classroom kaya wag kang mahiyang magsabi samen if anong nangyare? May ginawa ba sayo si Sir Brandon or Bryce kase simula nung nangyari kanina bigla ka nalang naging ganyan." Sabi ni Miles habang naglalakad silang tatlo papunta sa Main Gate ng school.
Hindi alam ni Scarlet kung paano nya sasabihin sa dalawang kaibigan na nagkaka crush sya sa Teacher na tumulong sa kanya kanina habang binu-bully sya ni Bryce. Hindi din nya alam paano ma open ang topic tungkol sa alam nya sa Mommy Sofia nya at kung tama ba ang hinala nyang si Brandon yung nakita nyang lalaki na nakaka date ng Mommy nya.
BINABASA MO ANG
Help
RomantiekPaano makakalimot sa masakit na nakaraan si Scarlet kung nagbabalik naman ang mga taong nanakit sa kanya. Tiniis ni Scarlet ang lahat para sa pinakamamahal na Ina pero hindi sya nito pinili. Matapos masira ng kinabukasan ni Scarlet dahil kay Bryce a...