Chapter 6
Pagkaalis ni Ryza sa restaurant kung saan nagtatrabaho si Sofia ay nagkagulo din ang mga tao dahil sa nangyari. Napagalitan pa si Sofia ng manager at chef ng restaurant kaya umuwi na lamang sya't hinihintay na makauwi sa bahay sina Brandon at ang mga bata...
*
"What happened?" Nag-aalalang tanong ni Brandon pagkadating nya sa bahay.
Nauna na itong umuwi kesa kila Bryce at Scarlet dahil may activities pa palang gagawin ang dalawa.
"Si Ryza. Sinugod nya ko sa trabaho. Ngayon na warningan ako dahil sa ginawa nyang pag i iskandalo Brandon. Sobrang nakakahiya sa boss ko." Mangiyak-ngiyak na sabi ni Sofia.
Niyakap agad ito ni Brandon saka sya humingi ng pasensya dahil sa naranasan nito.
"I'm sorry. Pero alam ko may nagsusulsol lang kay Ryza kaya ginawa nya yun. Hindi sya iskandalosang tao Sofia." Ani Brandon kaya tila nasaktan si Sofia dahil nagmukha pa syang sinungaling.
"H-Hindi ka naniniwala saken? Sinugod nya ko Brandon?! Nagbanta pa syang ipapakulong ako kapag hindi kame umalis ng anak ko dito sa bahay na pinatayo nyong dalawa!" Naiiyak na sabi ni Sofia.
Humahagulgol na ngayon ito sa pag-iyak dahil naiistress na sya sa nangyaring nawalan na sila ng bahay ni Scarlet at halos lahat ng paghihirap ay naranasan nilang mag-ina kaya wag naman sana umanong umabot sa puntong makukulong sya dahil paano nalang ang anak nya.
"No, akong bahala. Kakausapin ko si Ryza. Tapos na kame. Yung annulment nalang namen yung inaasikaso naming dalawa." Ani Brandon.
"Sana matapos na Brandon. Ayoko yung ginawa ni Ryza kanina. Sobrang napahiya ako kahit hindi naman talaga ako naging kabit sa relasyon naten." Naiiyak na sabi ni Sofia...
*
Ala singko ng hapon dumating sa bahay ni Brandon sina Bryce at Scarlet sakay ng School Bus. Pagpasok ng dalaga at binata ay naabutan nilang malungkot si Sofia sa sala. Kinakausap ito ni Brandon pero wala na itong kibo. Agad namang lumapit si Scarlet para alamin ang problema ng kanyang Ina.
"Mom? What's wrong? B-Bakit malungkot po kayo?" Nag-aalalang tanong ni Scarlet.
Kasunod namang lumapit si Bryce na nagtataka sa nangyayari. Agad namang sumagot si Brandon para maipaliwanag din nito kay Bryce ang puno't dulo ng problema.
"Let's have a sit." Ani Brandon.
Naupo sina Bryce at Scarlet saka tumingin kay Brandon na nakapwesto naman sa kaharap na sofa.
"Nagkagulo sa workplace ni Sofia. Sumugod dun si Ryza and nag iskandalo. Ngayon, para tumigil daw sya e gusto nyang umalis dito sila Sofia and Scarlet." Ani Brandon saka tumingin kay Bryce.
"What?! Ginawa ni Mommy yun?" Nagtatakang sabi ni Bryce dahil maging siya'y kilala nyang hindi iskandalosa ang Mommy nya.
"Nung una hindi din ako naniniwala pero i already call yung place na pinagtatrabahuhan ni Tita Sofia mo. Confirmed nga na nagwala ang Mommy mo dun. Pinahiya nya ang Tita Sofia mo and nagbanta pa sya." Ani Brandon.
Napatingin si Bryce kay Sofia. Hindi sya makapaniwala na magagawang mag iskandalo ng Mommy nya. Nagtataka din sya kung paano at bakit naman ito gagawin ng Mommy nya kaya...
**
Araw ng Linggo walang pasok si Bryce kaya nagpaalam sya kay Brandon na magpupunta umano sya sa bahay ng kaibigan nyang si Paulo. Pero ang totoo ay dumiretso sya sa bahay ng Mommy nya.
"Is it true Mom? Sinugod mo si Tita Sofia sa trabaho nya?" Tanong ni Bryce sa Ina.
Nakaupo lamang si Ryza sa isang Couch at nakatutok sa Flat screen na TV sa sala. Lumapit pa si Bryce dahil baka hindi sya narinig pero...
BINABASA MO ANG
Help
RomancePaano makakalimot sa masakit na nakaraan si Scarlet kung nagbabalik naman ang mga taong nanakit sa kanya. Tiniis ni Scarlet ang lahat para sa pinakamamahal na Ina pero hindi sya nito pinili. Matapos masira ng kinabukasan ni Scarlet dahil kay Bryce a...