Chapter 22
Nang magkaharap sina Bryce at Scarlet ay natigilan sila dahil masyado silang nagkalapit sa isa't-isa. Sabay pa silang huminga ng malalim habang nakatingin sa mata ng isa't-isa.
"Dito ka muna..." Ani Bryce na kabado pa.
"S-Sure. Nakakainip din kase sa loob." Nauutal namang sagot ni Scarlet...
*
Namasyal silang dalawa sakay ng magandang kotse ni Bryce. Habang nasa byahe ay panay ang tingin ng binata kay Scarlet na palingun-lingon lang sa kalsadang dinadaanan nila.
"So, alam ba nila Ashley at Glen na uuwi kana?" Tanong ni Bryce kaya tumingin sa kanya ang dalaga.
"Uhm, nope. Pero nagtext na ko sa kanila kanina. Nag okay naman si Ashley." Sagot ni Scarlet.
Maya-maya ay isang malakas na ulan ang bumuhos sa kalsada kaya huminto muna si Bryce sa isang tabi. Delikado kase ang kalsada tyaka maraming mabibilis na motor ang kasabay nila.
"Bakit tayo huminto Bryce?" Tanong ni Scarlet.
"Mabibilis yung mga kasabay naten. Baka maaksidente pa tayo. Maya-maya na tayo mag go kapag wala na ganong mga sasakyan lalo motor..." Pagpapaliwanag ni Bryce.
Nag okay lang si Scarlet hanggang sa mag open na si Bryce ng isang topic para sa seryoso nilang pag-uusap.
"It's been a year Scarlet since huling nagkita tayo sa office. I just wanted to tell you that I'm sorry about what happened before. Pinagsisisihan ko ng sobra yung ginawa ko sayo. Please, tutal magkasama tayo ngayon. Sana mapag-usapan naten yun..." Mahinahon na sabi ni Bryce.
Napalunok si Scarlet at ngumiti nalang ng pilit. Naka move on naman na sya sa nakaraan lalo't okay na sila ng Mommy nya. Masakit nga lang yung ginawa ni Bryce sa kanya pero handa naman syang magpatawad para sa ikaka ayos ng pamilya nila.
"Scarlet, gusto kita dati pa. Sorry kung binu-bully kita. Sorry kung hinayaan kong saktan ka ni Elaine pero dahil sa pananakit nya sayo palagi kaming nag-aaway noon. Gusto ko kase ako lang yung nagpapa pansin sayo kaso alam kong mali yung paraan ko and I'm so sorry about that. Masyado akong naging isip bata kaya nasaktan kita ng sobra..." Mahinahon muling sabi ni Bryce.
"Sa totoo lang Bryce. Ayoko na sanang pag-usapan yung tungkol dun pero, siguro this is our chance na ayusin ang lahat. Ang importante lang naman saken is okay na kame ni Mommy. Okay na din kame ni Tito Brandon. Ayos na lahat-lahat yung saten nalang yung mahirap makalimutan pero pipilitin kong mapatawad ka." Sinsero namang sabi ni Scarlet.
Ngumiti si Bryce at nabuhayan ng loob sa sinabi ng dalaga. Gusto pa sana nya itong hawakan sa mga kamay kaso ay nahihiya sya at kailangan kontrolin ang sarili dahil natatakot syang isipin ni Scarlet na manyak nanaman sya kagaya ng dati.
"Basta, ayoko nalang na mauulit pa yung dati Bryce. Grabe kasi yung trauma ko sa nangyari dati." Sabi ni Scarlet hanggang sa naluha na ito.
"I'm so sorry Scarlet. I promise you, magiging maingat na ko sa kilos at salita ko. I already lost you once and hindi ko na kaya kung mawawala kapa ulit saken sa pagkakataon na to..." Mahinahon na sabi ni Bryce...
*
Madami din napag-usapan sina Scarlet at Bryce. May mga kwento din sila sa mga nangyari matapos ang gulo noon sa pamilya nila. Nangako si Bryce na tatanggapin ang desisyon ni Scarlet kung hanggang pagkakaibigan lang ang meron sila o step sister step brother nalang talaga.
"Ayun sila Ashley." Sabi ni Scarlet na tumuro sa direksyon kung nasaan si Ashley kausap ang isang lalake.
Bumalik sila Bryce at Scarlet sa club para ipagpatuloy ang pag-inom ng alak dahil bukas ay pahinga naman nila. Napansin ni Stella si Bryce na may kasamang magandang babae kaya sumimangot sya't sinabi ito sa mga kasama nya.
BINABASA MO ANG
Help
RomancePaano makakalimot sa masakit na nakaraan si Scarlet kung nagbabalik naman ang mga taong nanakit sa kanya. Tiniis ni Scarlet ang lahat para sa pinakamamahal na Ina pero hindi sya nito pinili. Matapos masira ng kinabukasan ni Scarlet dahil kay Bryce a...