Simula • The First Meet

3.7K 24 0
                                    

Chapter 1

Isang umagang hindi masaya si Scarlet dahil nagbubunganga nanaman ang Mommy Sofia nya dahil tanghali nanaman syang gumising.

"Scarlet! I told you to get up! Tanghali na! May pasok ka diba? Naka-ready na yung pagkain pati yung baon mo why don't you just wake up! It's already 8am! Kakalipat mo palang sa bagong school na papasukan mo today tapos late kana agad?! My god!" Hiyaw ni Sofia habang kumakatok sa pintuan ng kwarto ni Scarlet.

Bumangon agad si Scarlet dahil 7:30am dapat nasa school na sya kaya lang ay hindi tumunog ang alarm clock nya kaya sinisisi pa nya ang bagay na walang kamuwang-muwang.

*Knock knock!

"Scarlet!" Sigaw muli ni Sofia.

"Yes Mom! Wait! Nagreready na po ako!" Sagot naman ng dalaga.

"My god! 15 kana kaya dapat alam mo na limitations mo! Dalaga kana anak please lang magkusa ka naman hindi yung palagi nalang ganito!" Sigaw ni Sofia at bumaba na saka dumiretso sa kusina...

*

Hindi naman masisi ni Scarlet na makarinig ng mga ganitong klaseng salita sa Mommy nya dahil alam nyang stress na stress na ito kung paano kikita ng pera lalo't may mga utang pang naiwan ang yumao nyang Daddy Carl. Kaya si Sofia ang nagbabayad sa lahat ng utang na naiwan ng asawa at ngayon maging ang bahay na hindi pa bayad sa pagkakasanla ay dagdag isipin pa nito kaya ganito nalang at palagi nalang syang nakasimangot.

"Sorry Mom." Malungkot na sabi ni Scarlet at naupo na sa hapag-kainan.

"Palagi nalang bang sorry yung sasabihin mo? Why don't you just do what I say? Like, makisama ka saken anak kase napapagod na ko." Naiinis na sabi ni Scarlet.

Hindi na kumibo si Scarlet at kumain na lamang ng mabilis para makapunta na sya sa bagong school na papasukan...

**

"You okay girl? What's wrong? Bakit late ka?" Sabi ni Miles na kaibigan ni Scarlet.

Sabay silang lumipat sa school na Avilaña Academy kaya sila lang ang magkakilala. Magkaklase din silang dalawa kaya kahit sila lang ay okay na sila ng walang ibang kaibigan. Nandito din ang pinsan ni Miles na si Lily kaya may nagtuturo din sa kanila tungkol sa bagay bagay at kung sino ang dapat iwasan sa Eskwelahan.

"Si Mom kase binungangaan nanaman ako." Sabi ni Scarlet habang naglalakad silang tatlo sa hallway dahil na late din sila Miles at Lily dahil hinintay pa nila si Scarlet sa main gate ng school.

"Aww, palagi namang ganyan ang Mom mo diba? Kahit nung nasa Pasig pa tayo. Buti nga lumipat na tayo kase ang hirap ng sched dun sa last school na pinasukan naten." Sabi ni Miles.

"Yeah Right. Hays, sorry girls na late kayo dahil saken?" Malungkot na sabi ni Scarlet.

"No Girl. It's okay? Talagang kailangan hintayin ka namen syempre magkakaibigan tayo." Sabi ni Miles sabay akbay kay Scarlet kaya ngumiti na ito.

"The Newbies..."

Napahinto sa paglalakad ang tatlong dalaga dahil hinarangan sila ni Bryce. Isang sikat na basketball player at bully sa Avilaña Academy.

"Uhm, padaan po?" Sabi ni Lily.

"Pano kung ayaw ko?" Sarkastikong sabi ni Bryce.

Napasimangot si Scarlet kaya nagsalita sya.

"Sino kaba? Bakit nakaharang ka sa dinadaanan namen? Ikaw ba may-ari ng school na to?" Mataray na sabi ni Scarlet.

Na shock si Bryce dahil wala pang kumausap sa kanya ng ganito. Agad namang lumapit sina Jack, Paulo at Wyeth para awatin ang kaibigan lalo't mga babae ang natripan nito. Kilala din nilang pumapatol si Bryce sa babae kaya baka masaktan tong maliit na babaeng maganda at itim ang buhok.

HelpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon