Bryce's POV

1.4K 23 0
                                    

Chapter 8

Bryce*
POV

Wala ako sa mood makipag-usap kay Elaine dahil iniisip ko kung saan dinadala ni Tita Sofia yung perang binibigay sa kanya ni Daddy. Pinauwi ko na muna tuloy si Elaine para makapag solo ako dito sa kwarto ko. Madalas na kasi syang pumunta kahit hindi ko naman sya pinapapunta.

"Hmm."

Nahiga ako sa kama saka nakiramdam sa kabilang kwarto. Naririnig ko kasing umiiyak si Scarlet. Mukhang nag-away sila ng Mommy nya. Sayang lang kase halos kakauwi ko lang.

"Ano kayang problema nilang mag-nanay?"

Lumabas ako sa room ko then dinaanan ko tong pintuan ng kwarto nila Scarlet. May awang tong pinto kaya nakikita ko sya. Nakaupo sya dun sa kabilang side ng kama tapos nakatalikod sya dito. Humahagulgol sya ng iyak kaya kakaiba tuloy tong nararamdaman ko...

**

Dinner Time at 7:40pm.

Patingin tingin ako kay Scarlet habang kumakain. Napansin din yata ni Daddy na tahimik ang mag-ina kaya...

"May problema ba? Bakit awkward yang kilos nyo." Sabi ni Daddy.

"W-Wala Brandon. Uhm, may hindi lang kami pagkakaintindihan ng anak ko pero mamaya mag-uusap ulit kaming dalawa." Naiilang na sabi ni Tita Sofia kaya tumingin naman si Daddy kay Scarlet na nakayuko lang habang marahang kumakain.

"Matamlay ka Scarlet. Are you okay? Masama ba yung pakiramdam mo?" Nag-aalalang tanong ni Daddy.

Marahan na tumingala si Scarlet saka tumingin kay Dad. Napansin kong tinignan nya yung Mommy nya kaya i know that something is off about them.

"N-Nothing Tito. I'm good po. Sorry kung matamlay ako or walang gana. Busog pa po kase ako e." Nahihiyang sabi ni Scarlet.

"Hm, it's okay hija. Pwede ka namang kumain nalang mamaya once nagutom ka. Maraming food sa ref okay?" Sabi ni Daddy.

Nagpasalamat si Scarlet at nagpaalam nang magpupunta sya sa kwarto nila ng Mommy nya. Napangisi nalang ako dahil bakit palagi nalang silang naglilihim ng Mommy nya. Lalo si Tita Sofia. Sobrang inis na inis ako after kong malaman na may relasyon pala sila ni Daddy. Nagdaan na yung ilang taon pero wala parin silang balak mag open tungkol sa relasyon nila. Nakakainis nalang din kase nag-eenjoy si Tita Sofia na mag stay dito sa bahay namen imbis magtrabaho sya at sya mismo ang nagpapakain o nagbibigay ng baon sa anak nya pero hindi dahil naka asa nalang sila palagi sa Daddy ko...

**

Sa School...

Habang naglalakad kame nila Paulo, Jack at Wyeth e nakita kong nag-uusap sila Scarlet at Cahlil sa isang sulok.

"Hmm."

"Bro, sila na ba?" Tanong ni Paulo na tinutukoy sila Scarlet at Cahlil.

"I don't know pero sa madalas ko silang makitang ganyan kadikit, I'm sure sila na. Goodluck nalang kay Scarlet kase alam naman nateng fuckboy si Cahlil..." Natatawa kong sabi.

Natawa din ang mga kaibigan ko. Si Wyeth na mismo noon ang nagsabi kay Scarlet na wag ng nakikipag-usap kay Cahlil dahil paglalaruan lang sya kaso, ayaw nyang maniwala kaya sya ang bahala...

*

Sa paglipas ng ilang araw...

Napapansin ko na yung mga kilos ni Tita Sofia. Sobrang curious na ko sa kilos nya kaya isang araw inagahan kong makauwi sa bahay ng hindi nila namamalayan. Kahit si Scarlet hindi nya alam na maaga akong nakauwi ngayon. Agad akong nagpunta sa kwarto na tinutulugan nila Scarlet at Tita Sofia. Tinignan ko yung kwarto kung ano bang mga gamit ang meron sila dito. Wala namang kakaiba tyaka walang nakaka interes kaya lumabas nalang ako't nagtanong kay Aling Marta kung nasan si Tita Sofia.

HelpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon