Chapter 21
Scarlet*
POV1 year later...
Masaya ako sa bago kong trabaho ngayon. Isa na kong business woman dahil binigyan ako ni Tito Brandon ng Restaurant para may sarili akong income at hindi na kailangan mangamuhan. Nagpasalamat ako ng sobra sa kanya dahil naramdaman kong may Tatay ako dahil sa kanya. Totoong bumawi si Tito Brandon at Mommy sa mga pagkukulang nila saken. Sa paglipas ng isang taon e wala din akong naging balita kay Bryce. Ang alam ko lang e busy sya dun sa Montessori Corporation kung saan ako nagtatrabaho dati. Dumaan na din yung mga okasyon pero hindi manlang nagpakita si Bryce sa Daddy nyang si Tito Brandon. Totoo palang may sama sila ng loob sa isa't-isa. Nalaman ko din mismo kay Mommy na hindi matanggap ni Tito Brandon ang ginawa saken ni Bryce. Mas nakasakit pa daw sa puso ni Tito Brandon na kumpirmado pa ang lahat ng sinabi ko noon sa kanila.
"Scarlet, anak. Aalis lang kame ni Tito Brandon mo. Mga one week kaming mawawala kase may meeting sya sa Baguio. Kaya mo naman bang mag-isa dito sa bahay?" Sabi ni Mommy saken.
Nasa sala kami ngayon ni Mommy at nanonood ng TV nang bigla nyang sabihin saken na may dapat silang asikasuhin mag-asawa.
"Kelan kayo aalis Mom?" Tanong ko.
"Mamaya. Biglaan kase eh? Hindi ko din alam kung bakit biglaan pero importante daw yun sabi ng Tito Brandon mo." Sabi naman ni Mommy.
"Hmm, ganun po ba. Well, okay lang naman po. May mga kasama naman ako dito sa bahay. Nandito sila Aling Sonya tyaka Ate Lian." Sabi ko.
"Okay sige. Osha, aakyat na ko. Magpe-prepare pa kami ng gamit. Basta kapag may problema magtext o tumawag ka agad saken okay?" Sabi ni Mommy.
Nakangiti akong tumango sa kanya. Tumayo na si Mommy sa pagkakaupo tapos ay naglakad na sya't umakyat sa taas. Naririnig ko ding tinatawag na sya ni Tito Brandon dahil mag-aayos na sila ng gamit for 1 Week...
**
12:05pm umalis sila Mommy at Tito Brandon dito sa bahay. Naiwan ako kasama ang dalawang kasambahay nila. Sa sobrang inip ko eh nagchat ako sa Groupchat namin nila Ashley at Glen.
- Kamusta kayo mga bakla.- Chat ko.
Nagreply si Ashley ng - Miss kana namen bakla. Kelan ulit tayo gagala? Umabot pa talaga ng 1 year wala kang balak magpakita samen ha. Nakakatampo ka.-
Nalungkot ako sa chat ni Ashley dahil namiss ko din sila ng sobra. Ewan ko ba kung bakit pinaandar ko yung pride ko at hindi ako sumasama sa kanila kahit ilang beses nila kong ayain. Nahihiya nalang siguro ako kase baka magtanong sila tungkol samin ni Bryce.
- Oo nga bakla! When tayo ulit magde date?- Chat ni Glen.
- Kelan ba kayo free? Ngayon kase wala sila Mommy at Tito Brandon. 1 week daw sila sa Baguio kase may aasikasuhin silang dalawa.- Chat ko.
Mamaya din daw ay pwede silang dalawa kaya sinabi kong sige at lumabas kaming tatlo para maka gimik...
**
"So hindi na kayo nagkikita ni Sir Bryce?" Tanong ni Ashley pagdating namin sa Club.
Halos kakaupo ko lang ng magtanong sya kaya napalunok ako't sumagot agad.
"Hindi na. Isang taon na kameng hindi nagkikita kase hindi naman umuuwi si Bryce dun sa bahay ng Daddy nya." Sabi ko.
"Ah. Okay." Sabi lang ni Ashley sabay tangu-tango na parang wala na syang balak magtanong muli.
*
Nag-inuman kaming tatlo nila Ashley at Glen. Nagkukwentuhan din kame sa mga bagay-bagay simula ng hindi na ko sumasama sa kanila.
BINABASA MO ANG
Help
RomancePaano makakalimot sa masakit na nakaraan si Scarlet kung nagbabalik naman ang mga taong nanakit sa kanya. Tiniis ni Scarlet ang lahat para sa pinakamamahal na Ina pero hindi sya nito pinili. Matapos masira ng kinabukasan ni Scarlet dahil kay Bryce a...