Chapter 10
Scarlet*
POVTahimik tuloy ako habang nasa byahe kame ni Bryce. Ayoko ng gumawa ng eksena dahil sobrang lakas na ng ulan kaya baka palabasin na ko ng tuluyan ni Bryce at iwanan pa.
"Sigurado kabang wala kang alam kung saan nanaman nagpupunta yung Mommy mo..." Sabi nya.
"Wala nga kong alam Bryce. Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi ko alam okay? I really don't know kung ano nanaman tong ginagawa ni Mommy." Sabi ko.
*
Nang makauwi kame ni Bryce dito sa bahay nila ay agad naming kinausap si Aling Marta.
"Wala po ba talaga si Mommy? Sobrang lakas pa naman ng ulan." Nag-aalala kong sabi.
"Wala talaga sya hija. Kinausap ko pa sya kanina na wag ng lalabas pero nagpumilit pa sya. Talagang kating-kati syang lumabas ng bahay. Hindi ko nga alam kung ano nanaman yung nangyayari sa Mommy mo." Mahinahon na sabi ni Aling Marta.
Agad namang sumabat si Bryce... "Talagang gusto ng Mommy mo na magkagulo e no?! Ayaw talaga nyang magtino Scarlet!"
Hinarap ko na si Bryce saka kame nagsigawan. Pinagtanggol ko si Mommy sa mga salita ni Bryce na malandi daw at mukhang pera. Hindi din daw talaga marunong makuntento ang Mommy ko kaya nakipagtalo ako hanggang sa dumating na nga mismo sina Mommy at Tito Brandon. Kita ko sa reaksyon ni Mommy na nagulat sya. Parang sumesenyas sya saken na tumigil na pero hindi dahil tinatawag na sya ngayon ni Bryce na isang malanding babae at mukhang pera.
"Bawiin mo yung sinabi mo Bryce! Hindi ganun ang Mommy ko!" Sigaw ko.
"Ah talaga?! Sigurado ka Scarlet! Pangalawang beses ng ginagawa ng Mommy mo to! Kung nung una nakaligtas kayo! Pwes ngayon dapat malaman ng Daddy ko yang kalandian ng Mommy mo!" Sigaw ni Bryce.
"What the hell are you talking about Bryce! Ano bang pinagsasasabi mo!" Sigaw naman ni Tito Brandon.
Agad namang pumagitna si Mommy samen. Mahinahon pa nyang kinakausap si Bryce na kumalma pero...
"Wow? Ang galing mo talagang umarte no Tita Sofia? So, i just wanna know kung hanggang kelan mo lolokohin ang Daddy ko. This time saan ka namang klase ng lalake kumakapit? Dati sa matandang lalake ah. E ngayon saan naman?" Panunuya ni Bryce kaya sinampal agad sya ni Mommy.
Nagulat kami nila Tito Brandon at Aling Marta sa nangyari. Napanganga pa ko habang nakatingin kila Bryce.
"Wala kang alam sa pinagdadaanan ko! Hindi mo alam gaano akong naghirap!" Sigaw naman ni Mommy na agad naman syang nilapitan ni Tito Brandon para hawakan sa kanan braso at hinila.
Galit na galit si Tito Brandon sa nalaman nya. Mas nagalit pa ito lalo dahil sa pagdampi ni Mommy ng kamay nya kay Bryce.
"How dare you cheated on me Sofia! And how dare you para saktan ang anak ko sa harapan ko pa mismo! Ikaw yung may mali pero ikaw pa yung galit na galit! Alam na alam namen lahat ng pinagdaanan mo! Kaya nga kinupkop ko kayo ng anak mo dahil naaawa ako! Pero sa nakikita ko. Dyan sa ugali mong yan kaya ayaw kang tulungan ng kamag-anak mo at kamag-anak ng asawa mo dahil ganyan pala yang ugali mo! Ngayon, lumayas ka dito sa pamamahay ko!" Sigaw ni Tito Brandon.
"B-Brandon! S-Sorry! H-Hindi ko sinasadya. B-Bryce sorry hijo hindi ko sinasadya! Nabigla lang ako. Please, wag nyo kameng paalisin dito! Wala na kameng mapupuntahan ng anak ko." Iyak ni Mommy.
"Sino namang nagsabi sayong isasama mo si Scarlet?! Maiiwan dito yung anak mo dahil papag-aralin ko sya!" Sigaw ni Tito Brandon.
Naluha ako sa nangyayari. Hindi ko lubos maisip kung bakit nagkaganito ang Mommy ko. Maya-maya nakipag sigawan na din si Mommy kay Tito Brandon na hindi daw ako maiiwan dito. Maya-maya lumapit na saken si Bryce at inakay ako papunta sa taas at dinala sa kwarto...
BINABASA MO ANG
Help
RomancePaano makakalimot sa masakit na nakaraan si Scarlet kung nagbabalik naman ang mga taong nanakit sa kanya. Tiniis ni Scarlet ang lahat para sa pinakamamahal na Ina pero hindi sya nito pinili. Matapos masira ng kinabukasan ni Scarlet dahil kay Bryce a...