"Ken? Napa'no ka?" nababahalang tanong ni Paulo sa kaibigan nang makita niya itong umiiyak sa labas ng apartment niya.
"Pau..." Mas pumalahaw pa ito nang makita siya.
Agad niya itong hinila sa loob. "What happened?"
"Pau... niloko niya ulit ako." Para na itong batang nagsusumamong sana ay patahanin na ang bawat masasakit na latay sa kaniyang puso. Marahil ay sobrang nasaktan na naman ito.
Hinayaan niya lamang ang kaibigang umiyak nang umiyak. Tamang comfort lang. Gano'n naman palagi ang role niya sa buhay nito; comfort friend tapos paglipas ng ilang araw, makakalimutan siya ulit nito dahil balik na naman ito sa dating gawi—ang magpakatanga sa taong paulit-ulit namang nananakit.
Siguro ay tulad ni Ken, gano'n din naman siya. Kahit sobra na, tinotolerate pa rin niya. Kahit masakit na, nagpapanggap lang na okay pa. Kahit ang totoo ay durog na durog na naman talaga siya. Pareho lang naman sila ni Ken na mga tanga.
Napatingin siya sa kaibigang hapong-hapo. Nakatulog na ito sa kaiiyak habang nakaunan sa kaniyang kandungan. Mapait na napangiti siya ng pilit. Ayan na naman ang sakit na dumaan sa lalamunan niya. Ngunit may mas isasakit pa ba sa pusong nasasaktan na noon pa?
"Ayaw na naman niya sa'yo, bakit nanatili ka pa? Harap-harapan nang pinaparamdam sa'yong wala ka ng halaga, bakit mahal mo pa rin siya?" bulong niya rito.
"Kung ayaw na niya sa'yo, tama na ang paghahabol. Bakit hindi mo na lang subukang maglakad patungo sa'kin? Lagi at lagi ka namang may puwang dito sa buhay ko," dagdag pa niya habang humuhugot ng malalim na buntonghininga.
YOU ARE READING
Nah, Just SeKen
FanfictionThis is just some random SeKen imagines or drabble on the writer's past time. Some might find this cringe-y, or maybe some butterfly flapping its wings on their stomach. Few would also tear up, who knows what to find inside; anything childish, daddy...