"Ken! Kenjie!" paulit-ulit na tawag ni Pablo kay Ken na walang pakialam—piniling huwag making sa tawag ng isa. Ni ang paglingon nga ay hindi niya ginawa. Hindi naman siya galit pero ang inis niya simula pa kagabi ay umabot na yata sa kaniyang bunbunan. "Ano ba, Ken!"
Patuloy pa rin siyang naglalakad at nagmamadaling pumasok sa elevator matapos itong nagbukas para sa kaniya. Kung makadutdut pa nga siya sa button nito, wagas. Halatang may gigil talaga. Akala nga niya ay makakatakas na siya pero wala eh, umabot pa rin si Pablo bago magsara ang pinto ng elevator.
"Aware ba siyang ayaw ko siyang makasama rito?" saad niya sa kaniyang isipan.
"Grabe, pinagod mo ako kakahabol sa'yo!" reklamo nito habang habol-habol ang hininga. "Ipapaalala ko lang na tao ako at hindi aso para maghabol sa buto."
Inirapan niya ito saka umismid. "Bakit? Sinabi ko bang maghabol ka?"
"Iyon na nga. Sana sinabi mo kaso hindi mo naman ako kinakausap. Ang gulo-gulo mo talaga kahit kailan. Ewan ko sa'yo!" muli nitong reklamo na nakabusangot pa.
Inis na tinapunan niya ito ng tingin. "Kahit naman sabihin kong huwag mo akong sundan, hindi mo rin naman gagawin."
"Well... tama ka naman diyan." Mahina na lamang itong natawa at muntikan pa tuloy mapangiti si Ken kung hindi niya lang naalalang inis nga pala siya rito. "Ano na naman bang kasalanan ko sa'yo?"
"Dapat alam mo. Bakit ba tanong ka nang tanong?" Tumigil ang elevator bago ito nagbukas. Lalabas na dapat siya pero bigla siya nitong hinila pabalik bago isinandal sa dingding. Tumahip ang kaniyang dibdib dahil delikado siya kapag ganito siya kalapit kay Pablo.
"A-Anong ginagawa mo?" Sinusubukan niyang kumawala pero nginisihan lang siya nito bago may pinindot ulit na button.
"Ba't ka ba kinakabahan?" kaswal na usisa nito.
"H-Hindi 'no! Umalis ka nga riyan!" Itinulak niya ito ng marahas.
"Aray ha. Wala akong gagawin sa'yo, ang assuming mo," nguso nito na parang bata. "Nakakainis. Akala ko ba gusto mo ako? Ba't mo ako sinasaktan?"
Kahit hiyang-hiya, inismiran niya pa rin ito. "T-Tumahimik ka nga!"
"Then make me shut up," ngisi nito. "Ano? Hindi mo kaya?"
"I hate you!" singhal na lang niya dahil nababahiran na naman ng kalaswaan ang kaniyang isipan.
"No. You like me." Confident na confident pa nga ito.
"Ang hangin mo, Nase." Bumuntong-hininga na lamang siya at sakto ring bumukas na ang elevator pero bago pa man siya makalabas ulit, ginagap na ni Pablo ang kamay niya. "Bitawan mo nga ako!"
"Huwag ka ngang magulo. Kagabi ka pa, Ken. Sinasabi ko sa iyo..." May halo pa nga itong pagbabanta na sinimangutan lang niya. Gusto na niyang kumawala pero ang higpit ng pagkakahawak nito sa kaniya.
"Hoy, bakit mo ako dinala rito?" nababahala niyang tinapunan ito ng tingin nang mapagtantong huminto sila sa rooftop.
Nginisihan lang siya ni Pablo bago siya nito dinala sa gitna. "Para kapag itulak kita, walang makakakita sa gagawin ko. Kita mo naman sigurong tayo lang dalawa rito tapos sira pa ang CCTV. I'm safe."
"Gago ka talaga! Papatayin mo ako?" sigaw niya sa mukha nito bago hinila ang batok nito.
Mukhang naalarma yata ang isa sa ginawa dahil mas mabilis pa ito sa alas-kuwatro kung umiwas. "H-Hoy, ginagawa mo?"
"Kung papatayin mo lang pala ako ngayong araw, iparanas mo naman sa akin ang first kiss ko, Pau. Huwag kang madamot. Isa lang. Sige na naman." Pinipilit niya pa ring hulihin ang mga labi nito.
YOU ARE READING
Nah, Just SeKen
FanfictionThis is just some random SeKen imagines or drabble on the writer's past time. Some might find this cringe-y, or maybe some butterfly flapping its wings on their stomach. Few would also tear up, who knows what to find inside; anything childish, daddy...