Ken was eyeing someone pretty because Paulo pointed some hot chick at the distance.
•••♡•••♡•••♡•••
Justin: Ang init! Lumabas ako kanina, kulang na lang lalawit na dila ko.
Stell: Eh 'di dapat dinala mo ang aircon!
Justin: *umirap* Seryoso nga, ang init. Bilhan mo akong pampalamig.
Stell: Ay, woooowww! Pera mo, saan? Tapos syempre, i-libre mo ako.
Justin: Sure, basta ikaw bumili.
Josh: Ako rin, pasuyo. Parang gusto ko ng ice cream.
Justin: Sameeeee.
Paulo: Ako, cravings ko halo-halo.
Stell: Ikaw, Ken? May ipapabili ka?
Ken: Ha? Cravings ko si Pau. Ang lamig kasi ng pakikitungo niya sa akin. Ice cream who? Halo-halo who? Sapat na si Paulo.
Stell & Justin: *bumunghalit ng tawa* *naghampasan pa nga*
Paulo: *growls*
Josh: *shakes his head* *stress na ang Josh*
Justin: Malamig naman talaga kasi nasa freezer siya.
Ken: *pouts* Pauuuu, sorry na kasi.
Paulo: Kain ka muna ng damo. Sige, bye. Ako na ang bibili ng pampalamig natin.
Ken: Sama ako.
Paulo: Sure. Ipapa-lechon kita sa Sr. Pedro.
Ken: Grabe sa'kin. Tiningnan ko lang naman 'yong babae kasi itinuro mo. Dapat nga ako ang mag-selos. Ikaw ang nakatitig doon tapos sabi mo pa, ang ganda niya tapos makinis pa. Moreno ako pero MAS makinis naman ako ro'n!
Paulo: Totoo naman talaga na maganda siya. Bulag ka ba?
Ken: So bakit nagseselos ka no'ng nag-agree ako eh ikaw 'yong nagturo?
Paulo: So, kasalanan ko?
Ken: H-Hindi. Ako ang may kasalanan. Dapat sa'yo lang ako tumitingin. Promise, ikaw lang naman nakikita kong maganda.
Paulo: Hmp! Bahala ka riyan! *nagdabog* *umalis*
Ken: Pauuuuuuu! *sumunod*
Josh: *looks so done* Pigilan niyo ako, tinotoyo ako sa dalawang 'yon!
Justin & Stell: *giggles*
●●●●●●●
End Notes: maybe Josh's middle name is stress :D Josh Cullen "stress sa SeKen" Santos.
YOU ARE READING
Nah, Just SeKen
FanfictionThis is a SeKen dump imagines. It may be funny, cringe-y, nakakakilig at kahit ano-ano pang dump kabags dito sa aking basket. Sana mag-enjoy kayo; matatawa, kikiligin at mas mamahalin niyo pa sina Ken at Pablo.